"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa mokong na nasa harap namin ngayon.
"I wanted to buy some clothes from you." He said. "Ibibigay ko sa little sister ko."
"Eh...walang magugustuhan si Tanya rito,kay Ateng Conyo ka na lang bumili."
"Yeah! Para mas more ang sales namin!" Bibo talaga ng haliparot.
Mga babae nga naman,kapag may gwapong nakita konti na lang maghubad na sa harapan nila. Buti pa ako,hindi babae. Chour!
"Ivy,you know Tanya." Tervian said like I was her babysitter. "Style mo ang gusto ng kapatid ko at hindi lang basta uso,for her clothes are things you wear and not flex it on social media."
"Seriously wala ba talagang magugustuhan si Tanya sa shop nila?" Tinuro ko si babaeng malandi.
"Ivy."
"Oo na!" Binitawan ako ng babae kaya bumalik na ako sa shop namin. "Ipili mo lang si Tanya ng mga damit rito."
"I don't have fashion senses...can you do it for her?" Ang galing. "For a date!"
"Date? Eh parang mga 17 pa lang si Tanya,date agad?" Tumango lang siya na parang walang pake sa sariling kapatid. "Baka mamaya hindi kay Tanya ito at sa'yo pala."
"I'm not gay,Ivy." He said.
"Ok." Tss. Di ako naniniwala.
Pinili ko ang pinaka maayos na damit para sa isang date. Pinili ko si Tanya ng white blouse,denim shorts at nude heels.
"Ito,sakto lang kaya ang sizes na napili ko?" Tanong ko kay loko.
"Hindi ko alam. Isukat mo." Sabi niya then he typed on his phone. "Kasing size mo yata siya dahil ang tangkad talaga ni Tanya."
"Kapag sakto sa'kin,bibilhin mo?"
"Oo naman."
"Sige na nga. Diyan ka lang."
Pumasok ako sa fitting room namin at lumabas na. Wala si Tervian rito. Argh! Niloko niya lang ako?!
"Saan punta mo,Ivy?" Tanong ni Kuya sa'kin.
"Pina sukat lang sa'kin ni Tervian para raw kay Tanya. Ewan ko kung asan na."
"Sabi niya may bibilhin lang siya." Ani Iyah.
"Kapag wala siya in less than 15 minutes,huhubarin ko na ang mga ito." I said.
"Andito na ako,excited ka naman masyadong makita ako." He said then gave me flowers. "For you."
"Ha? Para saan?"
"Ahh oo nga pala." He turned to Mama then smiled. "Tita Micka,can I take Ivy out for a lunch date?"
"Oo naman,Tervian. Basta ibabalik mo." Bakit kinakampihan ni Mama ang lalake na 'to?
"Mama!"
"Umalis na kayo,basta babalik kayo agad."
Wala akong choice kundi sumama kay Tev dahil pilit akong pinapaalis ni Mama. Kaya na raw nila? Aba gago.
"Saan ba tayo pupunta? Baka mamaya hindi kayanin nina Mama."
"Magiging maayos sila roon,it's just lunch." He shrugged. "Saan mo gusto Jollibee or KFC?"
"Alam mo naman kung saan ko gusto,diba?"
"Oo naman."
Nag-drive siya papunta sa kainan na gustong-gusto ko. Walang tatalo sa lugar na ito.
"PM1 or PM2?"
"PM1." I said then looked for a table. May two seater na malapit sa bintana at perfect ang view. "Hay salamat,makakakain ulit ako sa inasal."
"You missed this huh?"
"Ay unggoy!" Grabe talaga si unggoy. "Ahh oo naman. Ang sarap kasi rito at paborito ko ang roasted chicken."
"I'm glad you liked it." Ngumingiti ngit pa siya noong umiwas ng tingin sa'kin. "Are you happy,Ivy?" He asked,still not looking at me.
"Alam mo naman ang sagot diyan,diba?" I said.
"Makakain ka lang sa Mang Inasal,sobra pa sa saya ang nararamdaman mo." Ginaya niya ang mga sinasabi ko dati.
Masaya ako lalo na't kasama na ulit kita. Kung pwede lang...sana lagi tayong ganito. 'Yung walang hadlang sa mararamdaman natin. Masaya lang dahil kumakain tayo kasama ang isa't-isa. Pero masaya ka ba talaga na kasama ako?
"May problema ba,Ivy?" He asked when he looked at me.
"I'm fine." I said then dumating na ang order namin. "Bakit mo pinipicturan?"
"Sabi kasi ni Mr. Ferrer kailangan kong mag-post ng lunch ko for 3 days in a week." Aniya.
"Bahala ka sa buhay mo." Kinuha ko ang kutsara't-tinidor ko para kumain na.
Daming arte naman ng kasama ko rito.
BINABASA MO ANG
His Other Life
Random(COMPLETED) Wala akong karapatang lumapit sa kaniya, that's his other life. "I'm not perfect and I'm not trying to be...pero I want to make this work and make us happy." "I'm not expecting perfect...I just want you." Niyakap ko ulit siya, not wantin...