"Ivy bilisan mo na. Lintik naman." Sigaw ni Kuya sa labas ng kwarto ko.
"Saglit!" Nag-susuklay pa lang naman eh!
"Iyan! Ivy! Bilis na! Nag-hihintay na siya." Nag-madali na ako dahil si Mama na ang sumigaw. Lagot na kapag si Iyah pa.
"Sabing bilisan mo, muntik nang sumabog si Iyah sa galit." Kaya ako pinapag madali ni Kuya. Ayaw niyang marinig ang ratrat ni Iyah. "Nangarag na ako sa kakahintay sa'yo."
"Aba! Lumabas pa kayo!" Ayan na ang dragon!
"Sakay na. Tama na 'yan." Mama said then went inside.
Katabi ko si Iyah sa likod at nasa harap si Mama. Sabi niya kikitain niya daw 'yung kaibigan niya.
"Mama bakit biglaan? Diba sabi niya sa katapusan pa?"
"Hindi ko din alam anak eh. Sabi kasi ni Jahfi nag-bago raw ang schedule ng shoot ng anak niya."
"Kaya pala. Ma sabihin mo sa anak ni kumareng Jahfi ayusin buhay niya." Iyah said.
"Kaklase mo 'yung anak gaga ka." Binatukan ko si Iyah. "Crush mo diba?"
"Patayin mo na lang ako ate." Natawa ako sa sinabi niya. "Seryoso ate, kung sa kaniya lang din ang bagsak ko parang pinatay mo na lang ako." She said while laughing.
"Bakit ba ayaw mo kay Wesleeh?" Tanong ko.
"Girlllll! Pwede na siyang matawag na Mr. Perfect pero ayoko sa hayop na 'yon."
"Eh bakit nga?"
"Eh sa ayaw nga niya. Ivy para kang tanga." Singit naman ni Kuya. Hmmm...hehehe.
"Eh ikaw Kuya, bakit ayaw mong ligawan si Zyreane?" Muntik na kaming mabangga dahil sa kaniya. Oo siya ang may gawa! Sige sisihin mo ako, sapakin kita diyan. "Kuya naman!"
"Putakte ka Ivy."
"Sa may court lang ha? " Mama said.
"Mama pasama akoooooooooo!" Pag-mamakaawa ko kay Mama.
"Kasama kayong lahat. Akala mo ba ako ang gagawa ng lahat?" Bumaba na kami at nakita agad namin si Wesleeh at si Tita Jahfi.
"Micka! I'm glad you made it! I'm sorry for bothering you." Humarap si Tita kay Wesleeh. "Say hi to your Tita Micka."
"Hello Tita." Wow I like his accent, Teedah daw.
"Ayan na ba si Wes? Grabe ang laki na niya ah, ito nga pala ang mga anak ko. Si Iyan si Ivy pati si Iyah."
"Iyah." Ngumisi si Wes at nakita kong namula ang tenga niya.
"Leche naman." Bulong ni Iyah. Ay wait...teka lang kinikilig ako.
"So how do you and Tita know each other."
"I came out of her uterus." Laban ni Iyah. "Were you even listening?"
"Woah calm down fiesty pants. I just want to try out some clothes."
"Whatever." Umirap si Iyah at pumunta sa may bleachers, sumunod naman si Wesleeh para siguro mang-inis.
"They look so adorable, like when they were still babies."
Si Wesleeh kasi anak ng Kapitbahay dati. Eh laging wala si Tita Jahfi kaya ayun sa amin pinapahabilin. Since Iyah and Wesleeh are close in age they were close pero biglang nawala si Wes kaya nagalit si Iyah.
"Ang gaganda ng mga binebenta mo, Micka."
"Salamat Jahfi pero hindi ako ang pumipili niyan. Sina Iyan at Ivy."
"Ivy...don't be offended ok pero ano ba talaga? Did you use Film Gram or did Film Gram use you?" Tanong ni Tita Jahfi.
"I worked with them and no, I didn't use them. If they want to thank me in that way then it's their choice, I've accepted everything already."
"What a strong woman you have, Micka. I admire her." Tita Jahfi looked at Iyah and Wesleeh. "Kelan kaya sila mag-aayos? I still remember his promise to marry her."
Lagot ka Iyah, boto sa'yo Nanay ni Wes. Nakakatawa kayo mga ulaga kayo! Tinignan namin sila and Tita was smiling at them. Parang ayaw niyang mawala si Iyah kay Wes.
"Just stop already! Our business is over because we're not partners anymore!" Sigaw ni Iyah pero parang walang narinig si Wes at kinulit pa siya.
"Wes darling, come here." Tita Jahfi said.
"What is it Mom?"
"Try on these clothes, I picked them out for you."
"Thanks Mom." Hinila ni Wes si Iyah pero hindi siya gumalaw. "I need your opinion ok?"
"Ayoko nga! Sina ate ang tanungin mo sila ang may alam diyan."
"But I want you."
"Ehem!" Biglang singit ni Kuya. "Tapos na kayo? Oo sige ako na ang sasama diyan."
"Kakasura ka naman Kuya, my ship is sailing nga eh!" Sinamaan ako ng tingin ni Kuya.
Umalis sila ni Wes kaya natira kami nina Kumareng Jahfi dito para mag-kwentuhan.
"What about Ihra?" Tita asked. Ha? Sino si Aira? Kaagaw ni Iyah?
"I don't know." Parang nawalan si Mama ng sigla.
"She was a very wonderful kid. She looked exactly like you with a mix of Ivan."
"Mama sino si Aira?" Tanong ko.
"She's...not here. Ihra Marian. Wala si Ate niyo dito."
Ha? Ang pag-kakaalam ko tatlo lang ang anak nina Mama at Papa. Si Iyan Marcus, Ivy Mielle at Iyah Milen lang meron palang isa. Teka ha? Ate?
"Don't tell me Mama may kapatid kaming pina ampon niyo dahil hindi pa kayo ready ni Papa."
"Gago ka Ivy. Ready na kami noon ni Ivan pero sa totoo lang...walang wala talaga kami noon."
"Teka hindi ko maintindihan. Mama sa bahay na tayo mag-usap, naiistress ako sa information na ito."
"Ako din Ma, naguguluhan ako." Sabi ni Iyah.
"Paano mo pala i-spell ang pangalan ni 'Ate'?"
"I-H-R-A." Mama said. Ahhh mali pala ako.
Ate Ihra...kilala mo kaya kami? Kilala kaya kita? Maliit sana ang mundo kasi gusto kitang makilala, Ate.

BINABASA MO ANG
His Other Life
Random(COMPLETED) Wala akong karapatang lumapit sa kaniya, that's his other life. "I'm not perfect and I'm not trying to be...pero I want to make this work and make us happy." "I'm not expecting perfect...I just want you." Niyakap ko ulit siya, not wantin...