Chapter:6

20 2 0
                                    


"So...what happened?" He asked when I was picking grass off his garden. "Baka maubos ang damo ko."

"Oh sorry." Tumayo ako at tumabi sa kaniya sa may swing. "Hindi ko lang kasi tanggap eh,sorry. Si Papa kasi parang sinasabi sa'kin na ang babaw ng trabaho ko."

"Eh not to be rude ah? Bakit ka naging barista sa coffee shop?" He asked.

"Kasi hindi ko naman talaga kaya maging artista,sinabi na nga ni Mr. Ferrer na mas may potential ka diba?" Bigla kong naalala ang mga nangyari,3 years ago.

"Sasabihin namin kung tanggap kayo o hindi." Sabi ng bakla na pangalanan nating Mr. Ferrer. "Harriet,Bela,Nicka,Apol,Gino,Zax. Pasok kayo."

Natigilan ako sa narinig ko,hindi ako tanggap? Pero 10.1 naman ang binigay ng mga judge sa akin na score ah? Pinaka mataas ako ah! Lumapit ako kay Mr. Ferrer para makausap siya.

"Uhh,Mr. Ferrer." Tinignan niya ko. "Hindi po ako kasama?"

"Narinig mo ba ang pangalan mo?"

"Hindi po pero-"

"Edi hindi ka nga kasama."

"P-pero...mataas naman ang score sa'kin ng mga judge,diba?"

"Oo pero nacomplete mo ba ang requirements sa looks?" Parang may sumaksak sa puso ko noong narinig ko 'yon. "Hindi ka matangkad,hindi ka makinis at hindi ka rin straight haired. Hija,paano ka namin matatanggap?"

"Pwede naman po akong mag-ayos."

"Wala ka nang mapapatunayan sa'min,hija." Napatingin siya sa likod ko. "Pero siya,meron."

Lumapit siya kay Tervian na kakarating lang para sunduin ako. Ang laki pa ng ngiti sa'kin ni Tev...ang sakit sa pakiramdam.

"Hijo,are you here for the auditions?" Tanong ni Mr. Ferrer.

"Hindi po,andito po ako para kay Ivy." Tinuro ako ni Tev. "Tapos na po ba kayo? Ang galing niya diba po?"

"Yeah sure." He said,insulting my skills. "Pero may potential ka,hijo. Try and audition just once."

Tumingin sa'kin si Tev noong hinila siya ni Mr. Ferrer. Ilang oras kong hinintay si Tev and after that,nakangiti siyang lumabas and unlike me hindi siya naiiyak.

"I got in Film gram!" Niyakap niya ako habang ako natulala.

I confronted Mr. Ferrer about it and realized that hindi pala talent ang hanap ng mga andito kundi itsura.

"Bakit siya natanggap eh wala naman siyang alam sa ganyan?"

"Like what I said." He examined my body. "Hindi ka pasa sa requirements. Good day,Ms. Mercedez." At umalis na siya.

I avoided Tev as he grew more as a celebrity. Halos wala na kaming contact sa isa't-isa.

"Huy,ayos ka pa?" Kinalabit ako ng katabi ko. "Parang ang lalim ng inisip mo ah?"

"Ha? Wala,ayos na ako. Siguro kailangan ko lang irelease ang galit kay Papa." Niyakap ko siya ng mahigpit bago umalis. "Bye."

"Ingat!"

Umalis ulit si Tev para sa shooting niya sa Quezon. Buong week akong walang natatakbuhan kundi si Almira pero minsan wala siya sa trabaho.

"Welcome to Delights,may I take your order?" I asked then looked at the guy. "Nickolo?"

"Hi! Dito ka pala nagtatrabaho?" Tanong niya sabay tingin sa menu. "Iced coffee,walang cream."

Kumindat siya tapos pumwesto sa malapit sa bintana. That was so strange.

"Nickolo!" Tawag ko kay ugok. "Iced,no cream." I said. "Bayad."

"Ito." Nilapag niya ang 100 sa mesa kaya sinuklian ko ng 50. Di naman kami bigating coffee shop para mag-presyo ng mahal,parang kape lang sa tabi-tabi.

"Thank you!" Sabi ko and I swear I saw him winking at me or imagination ko lang? Ah bahala na.

Ilang weeks na noong bumili si Nickolo sa shop namin. Walang bago pinipilit pa rin ako ni Papa na kuhanin ang restaurant,wala akong makausap,nag-sshooting si Tev sa Quezon.

Sana naman maayos ang kalabasan ng film. Parang bumababa ang ratings ng Film gram dahil kay Tervian,I'm not judging it dahil ibinalita sa TV kagabi na mababa ang ratings dahil daw sa 'talentless' actors/actres sa agency. Ayan puro kasi itsura ang hanap,edi bagsak rin.

"Labas ka na pala." Napatingin ako sa lalakeng umimik.

"Nickolo?"

"Hi Ivy!"

"Are you stalking me?"

"Depends." He said. "Are you free tonight?"

Really? That question again?

"Uhh uuwi na kasi ako eh."

"I can take you home." He suggested.

"Sure." Para matapos na ang lahat ng ito.

Naglakad kami paalis sa coffee shop.

"Hindi ka ba hahanapin ni Tita Tes?" I asked him. Mukha kasing may tinataguan eh.

"Hindi naman,nagpaalam kasi ako kay Mama."

"Ahh,good. Atleast hindi magagalit si Tita Tes." I said.

"Actually..." Tumigil ako para tignan siya. "Gusto ko sanang makausap ka ngayon." He said then awkwardly looked around.

"Ano ba 'yon?"

"Uhh...kung papayag ka lang naman. Hindi ko naman sinasabi na wala kang choice-"

"Just tell me." Ang bilis magsalita,gago lugi ako doon ah?

"Pwede ba kitang ligawan?"

Biglang may narinig kaming nagpatak kaya bumaling kami sa kaliwa. Oh my god.

"Tev!"

His Other LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon