Chapter:13

11 2 0
                                    

"Kanina ka pang tulala diyan." Sabi ni Almira sa'kin.

"Wala lang ito." I said then looked back at no where.

'And you, kung hindi mo lang pinaasa ang sarili mo diyan sa acting dream na 'yan edi sana hindi ka nagdudusa ngayon.'

'And you, kung hindi mo lang pinaasa ang sarili mo diyan sa acting dream na 'yan edi sana hindi ka nagdudusa ngayon.'

'And you, kung hindi mo lang pinaasa ang sarili mo diyan sa acting drem na 'yan edi sana hindi ka nagdudusa ngayon.'

'And you, kung hindi mo lang pinaasa ang sarili mo diyan sa acting dream na 'yan edi sana hindi ka nagdudusa ngayon.'

"Hindi ka na gumagalaw ng maayos, Ate. Is something bothering you?"

Hindi ko namalayan na...malapit na palang magsara ang coffee shop. Napatayo agad ako para magpasensiya kay Ninang.

"What's bothering you?" Tanong agad niya sa'kin.

"Ninang...wala po ba talaga akong skills sa pagiging artista?"

"What makes you say that?"

"Kasi...pinamukha po sa'kin ni Papa. I know that he's like that pero this time kakaiba po kasi eh. Hindi lang ako ang sinabihan niya, lahat kaming mga anak niya."

"Minaliit niya kayo?"

"Opo."

"I'll talk to him. Sige umuwi ka na muna."

Hanggang sa nakadating ako sa bahay. Parang wala ako sa tamang pag-iisip eh. Wala si Mama dahil binabantayan niya si Kuya, si Iyah naman nasa school pa.

Nilinis ko ang buong bahay para lang may magawa ako. Banyo,kusina,kwarto. Everything, even the corners of the walls.

Lahat ginawa ko para lang bumalik ako sa tamang pagiisip. Wala talagang gumagana dahil hindi ko kayang malimutan ang mga sinabi ni Papa. I want to go back to my peaceful life again.

After reading a book, I opened my phone na kanina pang tumutunog. Nakita ko ang mga text nina Mama sa'kin.

From:Mama Globe

Anak nagiwan ako ng pagkain mo para sa tanghalian.

From:Iyahhh

Ate nasa school ako. 'Wag tulala ok?

From:Kyah panget

Ivy Mercedez, nanalo ka ng free trip to jerusalem. Please send your contact details and personal information to verify this win.

Napairap ako sa tinext ni Kuya. Kahit kelan talaga itong manong na ito, ayaw pang mag-aasawa eh malapit na siyang mawala sa kalendaryo.

Just when I thought Kuya's text was the worst.

From:Tev

Hayop sa ganda oh, hayop sa ganda oh hanep siyaaaa. Hayop sa ganda oh hayop. Pero mas hayop ka kesa sa maganda.

From:Tev

Hoy! Ivy Mielle Mercedez! Nasaan ka na? Andito na ako sa office para mahanap ang nawawala mong internet connection.

Nababaliw na naman si Tervian. Ginagago lang ako nitong isang ito eh para mapangiti ako pero wala eh. Akala ko tapos na 'yung sakit kasi sanay na ako pero hindi pa pala. Kahit gaano katagal man ito ay mas sumasakit lang din.

I hate you Papa...because I just can't stop forgiving and loving you. Dahil ganiyan ako bilang anak, despite all of the horrible things you've done to me I still choose to be the daughter you expected me to be.

Kaya ginawa ko na ang hindi ko kailanman maiisip na gagawin ko kahit mamatay pa lahat ng tao sa mundo.

"Andito po ba si Ivan Mercedez?" Tanong ko sa nag-hahandle sa may mga nireserve na table.

"Ano pong oras ng reservation niyo?"

"Ivy...Ivy Mercedez." Hindi bagay ang suot kong blouse at jeans dito. Who cares.

"Alright. This way Ms. Mercedez." Eww.

Hinatid niya ako sa may pinaka-likod na room. Nakita ko si Papa na nakaupo sa may lamesa at gumagawa ng mga kung ano-ano. Parang nag-cocompute ng sales. Umalis na 'yung lalake na sumama sa'kin kanina.

"Papa."

His Other LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon