"Saan ka galing?" Tanong ni Kuya sa'kin.
"Nakipag-ayos lang kay Papa." I said it so casually like it was normal.
"Ahh...ok." He avoided the topic of Papa.
"Kelan ka dumating?"
"Ngayon lang. Konting pahinga lang then makakabalik na ako sa trabaho." He said then sighed. "Kausapin mo nga muna si Iyah. Kanina pang humahagulgol sa kwarto eh."
"ANO?!"
Pinuntahan ko si Iyah sa kwarto. Gago si Kuya, hindi man lang pinuntahan or kinausap si Iyah. Hinahayaan niya lang na umiyak 'yung kapatid namin.
"Iyah?"
"Ateeee!" Yumakap agad sa'kin si Iyah. "Namatay siya!"
"HA?! SINO?!"
"Si Margot!" Margot? "Bida sa binabasa kong libro!"
Binatukan ko si Gaga.
"Hayop ka! Akala ko naman kung sino na ang namatay." Teka...Margot?
"Ikaw nga ang gumawa ng mga libro na ito eh. Ako pa nasisi mo." Pinunasan niya 'yung luha niya. "Kelan mo ba ito ginawa?"
Second year high school. Kasali ako sa journalism dati, mahilig din ako sa libro. I made some scripts and stories for fun. The school took me to make some professional scripts for plays kaya ginawa ko naman. It gave me extra points in my academics! Si Tev ang unang nakabasa ng kwento ni Margot at Rob. 'Margot, the dangerous girl I've fallen for.'
It was about Rob falling in love with his mentally sick patient, Margot Williams. She killed so many people pero hindi niya kailanman pinatay si Rob. Besides why would she kill him? Si Rob nga lang ang naniwala na hindi baliw si Margot kahit nasa mental siya. He sees good in people while she sees through people. She died because she sacrificed her life para hindi mawala ang trabaho ni Rob. Pinaghirapan ni Rob ang trabaho na 'yon at hindi niya hahayaang mawalan ng goal ang lalakeng umintindi at nag-mahal sa kaniya. Kaso...they had a baby. She was aware that the baby was gonna be mentally ill kaya niya pinatay ang sarili at ang anak.
Kaya humahagulgol itong bruha na ito. Parang gaga naman eh.
"Why don't you write again?"
Ala! Oo nga ano? I lab u sistah!
"I'll try tonight."
After dinner hinugasan ko ang mga pinagkainan at pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko ang laptop ko at umupo sa kama, nanunuod naman si Iyah bago daw siya matulog.
"Aral ka na lang boi."
"Ayoko." Bahala ka na nga diyan. "Anong title?"
"Teka iisipin ko muna kung anong pwedeng laman ng kwento bago ko lagyan ng title."
"Kapag may namatay, papatayin kita."
"Bahala ka."
Tumingin ako sa paligid for inspiration. Ang mga nakita ko ay poster na may strive, heart shaped pillow at 'yung 'Margot, the dangerous girl I've fallen for.'
Aha!
I started typing on my laptop tapos nagulat naman si Iyah dahil may idea na ako. Ewan ko kung bakit pero kapag napapatingin ako sa paligid eh meron na akong naiisip na beggining, problem pati end. Teachers said it was a gift, I treat it normally.
Dear Rachel,
Isang libo ang nasa wallet ko, makita lamang kita. Ilang araw ang hinintay ko dahil sabi mo gusto mo na akong makita, ikaw ay aking nakilala sa pamamagitan ng sulat. Lahat ng bundok ay aakyatin ko basta matupad ko ang aking pangako sa iyo. Akala mo yata ay nag-bibiro lamang ako ngunit hindi. Lahat ng bundok ay inakyat ko. Lahat ng ilog at dagat ay nilangoy ko para lang makita kita. Ang sabi sa'kin ng iyong ina ay matagal ka nang wala sa inyo dahil isa kang independent na babae. Nalaman ko na sa kaibigan ka nakikitira, sa kabilang bayan. Nang mahanap ko ang bahay ay kinausap ko agad siya para makita kita. Nasasabik na ako dahil gusto na talaga kitang makilala. Minsan mong naikwento na nahuhulog ka sa'kin dahil magalang at marespeto ako pero may kinakatakutan ka, hindi ko alam kung gusto mo akong paglaruan o hindi pero nalaman ko na ang totoo. Kaya iiwanan ko na ang sulat na ito sa iyong lapida. Rachel Anne Xerosa. Lumipad ka...tapos na ang paghihirap mo laban sa Stage 3 Cancer. Sana masaya ka na dahil alam kong sasaya rin ako kapag masaya ka na. Mahal kita...sana nasabi ko sa'yo bago ka nawala.
Love, Drake.
Pag-tingin ko kay Iyah, pinipigilan na niya ang luha pero nakahibi na siya. Hindi ako mahilig sa sad stories pero this is what popped in my mind.
I posted it on my rp account then left it overnight.
Bago ako matulog ay tinext ko muna si Tervian. Matagal na rin noong huli ko siyang nakausap.
To:Tev
Hii
From:Tev
Espiritu ng kadugyutan, layuan mo ako. Espiritu ng kadugyutan, layuan mo ako.
To:Tev
Sira ka! Kapag nagkita tayo, Tervian sasakalin kita.
From:Tev
Hindi tayo talo, Ivy Mercedez. Lalake ako tapos tomboy ka.
To:Tev
Nangangamusta lang naman ako pero ganyan ka? Sana pasukan ng ipis 'yang bibig mo kapag natutulog kang hayop ka. Inamoka.
From:Tev
HAHAHAHAHAHA! Hanep LT sa'yo, Ivy.
From:Tev
Pero joke lang 'yung ipis diba?
Napangisi ako. Alam na alam ko ang kinatatakutan ng isang ito. Kapag nababanggit nga lang ang ipis ay hindi na siya mapakali.
To:Tev
Nope. I hope it happens.
From:Tev
IVYYYYYY!!!
To:Tev
Good Night!
From:Tev
Sana masapak kita kahit ngayon lang. Bad trip ka talagang babae ka.
Dear Rachel. Sa isang iglap lang, binago mo ang buhay ko. Sa isang gabing pag-susulat ng tungkol sa'yo, gumanda ang pananaw ko sa buhay. Sa isang kwento na isinulat ko mas napalapit ako sa kaniya. Salamat, Rachel at Drake. Sana magkita kayo, not now but soon.
BINABASA MO ANG
His Other Life
Diversos(COMPLETED) Wala akong karapatang lumapit sa kaniya, that's his other life. "I'm not perfect and I'm not trying to be...pero I want to make this work and make us happy." "I'm not expecting perfect...I just want you." Niyakap ko ulit siya, not wantin...