Chapter:37

6 2 0
                                    

5 AM ako nagising. Gaga, hindi ka nga nakatulog 'wag mong lokohin ang sarili mo, Ivy.

"Ang aga mo atang nagising Ivy?" Tinignan ko si Kuya at dumiretso sa kusina.

Nag-timpla ako ng kape dahil inaantok ako pero kapag natulog naman ako ay hindi ako makakatulog, seryoso anong problema ng katawan ko? Tumabi ako kay Kuya dahil nanonood lang naman siya. Maya-maya ay biglang may kumatok.

"Buksan mo."

"Luh ikaw na Kuya mas malayo ka eh." Diba my logic is so oh my gosh.

"Kapag ito binuksan ko, iuuntog kita." Luh asa siya, Char!

Tumayo siya tapos binuksan ang pinto. Natigilan siya at kinausap ang tao roon, ako naman na magandang tsismosa ay tinignan 'yon.

"Papa?"

"Ivy, gising ka na pala." He smiled at me.

"Ahh pasok po."

Pumasok si Papa atinaupo namin siya sa sofa tapos pinatay ko ang TV.

"Ivy! Pinapanood ko 'yon ah!"

"Manahimik ka, magigising si Iyah." Pinanlakihan ko siya ng mata. Tumingin si Kuya kay Papa.

"Ahh Papa bakit ka nga ba napadaan?"

"Sa tingin ko ay alam niyo na ang tungkol sa kapatid niyo." Si Iyah ba?

"Papa tulog pa eh. Kagabi pang nag-gagawa ng assignments."

"Ganon ba? Eh si Micka?"

"Ay ganon ba? Ahh sige hintayin natin siya."

"Papa manliligaw ka ba kay Mama?" Hala si Kuya! "Kasi kung oo edi ayiieee!"

"Nako, hindi ko na alam kung may pag-asa pa ako kay Micka. Alam niyo naman siguro kung bakit diba?"

"Ikaw kasi Papa. Pinakawalan mo na agad."

"Kung pwede lang...binaligtad ko na ang mundo para hindi ko magawa ang nangyari noon, na hindi ko na kayo iniwan."

"Naiintindihan naman namin, Papa."

Hinintay namin na makabalik si Mama. Si Kuya nanunuod habang si Papa ay may ka-text, hala textmate. Ako eto nag-aabang sa text ni gago. Ang tagal kasi eh. Dumating naman si Mama na ang daming dala, tutulungan sana namin pero biglang kinuha ni Papa ang mga dala niya. Nagulat pa ata si Mama kay Papa. Nakakapagod nang mag-sabi ng Mama at Papa, kay Ivan at Micka na lang. Char! May galang pa ako.

"Oh bakit andito ka?"

"Binisita kita..."

"Ehem!" Napalinis ako ng lalamunan ko sa mga ito.

"Binisita ko kayo, pati diba tinawagan mo ako nung isang araw? Handa ka nang sabihin sa kanila ang totoo."

"Oh my gosh." Napakapit ako kay Kuya. "Mama buntis ba si Papa?"

"Ivy umagang-umaga 'wag kang ulaga." Hinilot ni Kuya ang sentido niya.

"Eh ano?"

"Handa na ba kayong makilala si Ihra?" Boom! I forgot about Ate Ihra.

"Teka Mama si Iyah." Tumakbo ako sa kwarto namin at inalog si Iyah. "IYAH MILEN MERCEDEZ!"

"Mff! Putek ka Ate." Yumakap siya sa unan niya at natulog ulit.

"Napanaginipan ko na kinasal daw kayo ni Wesleeh sa beach tapos apat anak niyo."

"Ang sarap mabuhay sa realidad!" Biglang bangon ni gaga. "Kasi hindi masaklap ang buhay kapag hindi natupad ang panaginip mong hinayupak ka."

His Other LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon