Maaga akong nagising at nag-handa ng pagkain. Wala akong trabaho ngayon sa Film Gram kasi I only did 1 script for them and that's enough. That was the deal afterall. I decided to just buy some groceries. Wala naman sa Supermarket ang hinahanap ko eh, sa palengke dapat! Umuwi muna ulit ako para kumuha ng echo bag.
Lumabas na ulit ako at nilock ang pinto. As I was doing so my young neighbours ran up to me.
"Ate Ivy!" The 8 year old said.
"Hello Karel." I gave her a little hug then turned to her Ate Danicka who was paralyzed and in a wheel chair. "Hello Danicka."
"Hi Ate! Uhh Ate napanood ka namin ni Karel sa Happening sa Pinas. Ang ganda niyo po Ate mukha kang princess!" She was only 11 but I know she wants to be a doctor someday.
"Princess? I wouldn't mark myself as one. Hindi naman ako maganda and hindi rin naman ako mayaman."
"Hindi naman kasi lahat ng princess ganiyan." Karel said then giggled.
"Eh how do you describe one?"
"Warrior po." Danicka said. "Ang tapang niyo po dahil gumawa kayo ng kwento tungkol sa gobyerno at hindi ka natakot na baka makulong ka." I kneeled in front of her then smiled. "Ang lakas po ng loob niyo, Idol na kita Ate Ivy. Kung hindi lang ako ganito sana nagagawa ko din ang gusto ko." Kinuha ko ang mga kamay niya at pinunasan ang luha niya.
"Alam mo...kayang-kaya mong gawin ang gusto mo kahit nakaupo ka diyan. Mas mapapasaya mo ang pamilya mo kung masaya ka sa buhay mo. I'm sure you are gonna go far in life, bata ka pa kaya patatagin mo pa lalo ang loob mo. I'm gonna support you if no one can."
"Ako din!" Karel hugged us then laughed.
"Sige na kids. Aalis kasi muna si Ate Ivy eh." I said when Karel got off of me.
"Sige po. Ingat Ate!" Danicka waved at me then she strolled away with Karel.
Lalampas na sana ko pero biglang tumigil ang kotse ni Tev sa harap ko. Kainaman ka na Tervian iki luluko luko sa pagmamaneho eh magagarute kita. Binaba niya ang bintana at sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit ganiyan ang itsura mo?"
"Sasapakin kita." Tinawanan niya ako, aba may gana pang tumawa si ulaga. Hayop ka talaga Tervian Dutch! "Bakit ka nga pala andito?"
"I'm bored. Wala akong pasok ngayon so pwede bang sumama ako sa'yo?"
"Pupunta ako sa palengke."
"Perfect. I'll take you there." He suggested.
"Sasama ka sa palengke? Kelan ka pa namalengke? Buong buhay mo naka Supermarket food ka."
"Are you gonna get in or what?" Ang sungit naman!
"Oo na! Sasama na!" Sumakay ako sa passenger seat at nag-patunog ng mga kanta from the 2000's. Mga Lips of an angel, Moment of Truth, Collide, Teenage Dream, Passenger Seat and more.
Nag-park siya sa harap ng palengke at bumaba na kami. In fairness dinumog agad kami ng mga bumibili.
"Si Ate Ivy at si Tervian!"
"Hala mag-kasama sila!"
"Sana all crush ang kaibigan! Ehem Kuya Tervian Ehem!"
"Pinagtitripan ka. Payag ka?"
"Just ignore it. Sanay na ako diyan."
"Ok Mr. Sungit!" He's being so grumpy today!
"Anong bibilhin mo?"
"Mga gulay, isda, prutas."
"Meron naman sa Supermarket niyan ah."
"Wala. Mag-sasara na daw 'yung malapit na Supermarket at mahiya ka nga. Mas masaya sa palengke, fresh na fresh tapos ikaw pa ang pipili."
"Bumili ka na lang."
"Bakit ba ang sungit mo? Kanina ka pa ah." Tanong ko noong pumipili ako ng gulay.
"I got into a little argument with Sacey and Mr. Ferrer."
"Ha?! Eh bakit naman? Hindi ba favorite ka nila?"
"I never said that."
"Kaya ka nga bida lagi sa shows na kasama si Sacey eh."
"They just frustrate me." Tinignan niya ako at ngumiti. "Buti na lang at andito ka. Kung wala ka edi nasuntok ko na sila parehas."
"Kumalma ka nga. Hindi 'yan healthy." Binayaran ko ang mga gulay at lumakad na kami paalis. "Ano bang piang-awayan niyo?"
"Ikaw."
"Ako?"
"Hindi si Tito Ivan. Gaga malamang ikaw."
"Ano bang meron?" Kumuha ako ng apat na mansanas para maimeryennda ko mamaya.
"I heard them talking shit about you, siyempre dahil mahal kita pinagtanggol kita." He explained.
"Wait wait, mahal?"
"Oo kasi mahal kita." He said then picked up an orange.
As I looked at him, I felt something inside of me. Parang hindi na ako mapakali at nahihiya na ako bigla sa kaniya. I looked to the other direction to smell my breath. Maayos naman pero teka bakit ko ba ginagawa ito?
"Bili na tayo ng isda." He snapped me back to my senses.
"Uhh sige."
Pumunta kami sa may mga isda at namili ako ng bangus. I should invite him for lunch.
"Tev." I called out for him pero pagkatingin ko ang lapit ng mukha niya! Tumitingin pala siya ng isda! "Oh sorry."
"Anong meron?"
"Sama ka mamaya sa bahay? Kakain."
"Lunch?"
"Hindi snack, gawin nating snack 'yung isda." IVYYY! BAKIT MO SINABI 'YAN?! Teka...eh ano naman kay Tev kung sabihin ko 'yon?
"Pilosopo ka. Hindi bagay sa'yo."
"Eh ano?"
"Ako. Bagay ako sa'yo."
"Yehey! Ang corny!" Pero namula ka naman. Hayop ka bakit ka kinikilig?!
Binayaran ko na ang isda at umalis na kami. Dumaan muna kami sa bahay para ilabas ang pinamili ko. Dadalhin niya raw ako sa magandang view. We arrived at a field then sat on the grass.
"Ang aarte ng mga kasama ko sa Film Gram. Kung hindi siraan, plastikan. Was it really good for me to do this?"
"If you don't want it then do what you really want to do. Follow your dreams."
"I did...but she was the one who left me in her dreams."
"Crush mo ba 'yan?" Sige saktan mo na sarili mo. GAHHHH! HINDI KO GUSTO SI TERVIAN DUTCH! KAIBIGAN KO SIYA!
"Oo." He sighed then wrapped arms on his knees. "Nakaka walang gana kasi gindi ko siya laging kasama."
"Tell her."
"I tried. Kung hindi siya manhid, may pumipigil sa'kin because she's my friend and ayaw kong masira kami. Is it wrong to love her?"
"Love will never be wrong. Ang masamang love ang pinipilit kahit hindi ka masusuklian. Cheer up, hindi ka mawawalan ng pag-asa."
"Pag-asa...parati na lang akong umaasa sa kaniya. Bakit hindi na lang niya ako mahalin?"
"I don't know..."
"It's fine let's enjoy the view."
Tinignan ko ang view ng bundok. Ang ganda niya...but my mind is clouded by Tev's girl problem. It's so hard for me to watch him like this, if only there was a way that I can help him with it.

BINABASA MO ANG
His Other Life
Random(COMPLETED) Wala akong karapatang lumapit sa kaniya, that's his other life. "I'm not perfect and I'm not trying to be...pero I want to make this work and make us happy." "I'm not expecting perfect...I just want you." Niyakap ko ulit siya, not wantin...