Chapter 4

149 27 57
                                    

"So, nahuli ka. Alam mo na?" tanong ni Madison kay Alishabeth habang pinagmamasdan din ang mga kasama niyang pawisan dahil sa kakatakbo. Hindi niya maiwasang matawa nang makita ang mga mukha nila.

"Hindi! Ikaw lang mukhang kabayo rito!" inis namang sumbat ni Alishabeth habang si Koeli naman ay sinusubukang hanapin ang ipapakilala niya sa dalawa pa niyang kaibigan.

"Carmine!" Nagulat si Koeli nang may bumulaga sa harapan niya.

"Hello," bati nito at kumaway. Mabilis namang nabaling ang atensyon niya sa dalawang kasama ni Koeli, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kaya nginitian niya na muna sila.

"Ay, hello po. I'm Alishabeth or Alisha for short," pagpapakilala ni Alishabeth. Kinamayan niya ang kausap niya sabay ngiti rito.

"Hello po, ako naman si Madison. You can call me Maddie for short."

"'Cuz she's short..." bulong ni Alishabeth sabay tingin sa paligid niya na para bang walang napapansin.

"Excuse me, 5'7 ako," mataray niyang sagot at umirap.

"Nice to meet you guys. I'm Carmine Walsh," pagpapakilala naman ni Carmine sa kanilang dalawa, ngunit ang kapansin-pansin para sa kanila ay ang buhok nito.

Carmine has a unique and gorgeous red hair. No wonder why it caught their attention—about only one to two percent of the human population is red haired.

"Ang ganda ng buhok mo," sabi ni Madison habang nakatitig kay Carmine.

Hinawakan naman ni Carmine ang buhok niya at bahagyang pinagmasdan ito. "My hair? Ang mama ko kasi ganitong-ganito ang kulay ng buhok at ang papa ko naman ay medyo auburn ang kulay."

"Siguro hindi ka pure Filipino?" tanong naman ni Alishabeth kay Carmine at agad namang tumango si Carmine.

"My parents are pure Irish. They just decided to live here in the Philippines since they have a business here," pagpapaliwanag ni Carmine sa kanila.

"Matagal na kaming nandito sa Pinas, since I was three or four years old pa ata," dagdag pa ni Carmine.

"Ikaw?" tanong ni Carmine, ang hintuturo nito ay nakaturo kay Alishabeth. Ang atensyon nila ay biglang nabaling kay Alishabeth na ngayon ay tahimik ding nakatitig sa kanila.

"B-bakit?" nauutal niyang tanong kay Carmine.

"Come on, let's get to know each other," natutuwang tugon ni Carmine sa kanila. She clasped her hands and smiled.

"Filipino-Spanish ang mama ko at ang papa ko naman ay Filipino-Korean."

"Korean ka rin pala tulad ni Koeli?" Mabagal na pagtango ang naging sagot ni Alishabeth sa tanong ni Carmine.

"Ang ganda ng kulay ng buhok mo ha? Dark brown," Koeli stated and started stroking Alishabeth's soft dark brown hair.

"So, I'm half Filipino and half Finnish. Si mama ang pure Finnish at ang papa ko naman ay may dugong Pinoy, but... mas nangingibabaw pa rin ang Finnish blood ni papa," Madison proudly introduced her parents' nationalities.

Napanganga na lamang sina Carmine at Koeli sa narinig nila. Kanina pa sila nakatitig kay Madison dahil gandang-ganda sila sa dalaga. Madison's blue eyes are very attractive for them.

"Kung lalake lang ako, liligawan kita Alishabeth," sabi ni Koeli sabay yakap kay Alishabeth nang mahigpit.

"Sobrang nababaitan at nagagandahan ako sa'yo." Sa gitna ng pagyakap ni Koeli kay Alishabeth, bigla silang pinaghiwalay ni Madison.

When Destiny Plays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon