"Welcome September!" sigaw ni Alishabeth habang ang dalawang braso niya nakataas pa sa ere.
August had already ended, bagong buwan na naman at panibagong mga pagsubok muli ang haharapin ng lahat. Bilang estudyante, bilang kaibigan, at bilang anak.
"Kumusta na si Madison?" tanong ni Carmine habang sabay silang naglalakad ni Alishabeth papasok sa loob ng school.
"Medyo okay naman na siya," masayang tugon ni Alishabeth.
"Makakapasok na siya bukas, nagpapahinga na lang siya sa ngayon."
They stopped in front of Alishabeth's locker to take something. She opened the locker and grabbed her chemistry book. When she closed it, she saw Paul standing near her locker, smiling at them.
"Anak ng kabayo!"
"Paul naman!" inis na bulyaw ni Alishabeth, ang kamay niya ay nakahawak sa dibdib niya nang magulat siya.
"Sorry na, ang bilis mo naman magulat," natatawang sabi ni Paul ngunit hampas sa braso ang natanggap nito mula kay Alishabeth.
"Ano'ng kailangan mo?" tanong naman ni Carmine.
Sumilip si Paul at nang makita niya si Carmine ay agad niyang hinablot ang kanang kamay nito at hinawakan nang mahigpit na ikinagulat naman ni Carmine.
"Let's talk for a moment," bulong naman ni Paul sa kanya.
Naguguluhang pinagmasdan ni Alishabeth ang mukha ni Paul at tinaasan ito ng isang kilay, she crossed her arms as well. Habang hawak-hawak ni Paul ang kamay ni Carmine, nakatitig lamang si Alishabeth sa kanya.
"About sa club natin..." dagdag pa ni Paul upang hindi na magtaka si Alishabeth.
Inilipat niya ang titig niya kay Alishabeth. "Pwede ko ba siyang mahiram?" tanong ni Paul.
Alishabeth examined his face for a moment before making a decision. It seemed very urgent so she just casually nodded. "Pwede naman," maikling sagot niya.
"Salamat! I'll bring her back once we're done talking."
"Bye!"
Agad silang naglakad papaalis habang mahigpit pa ring nakahawak si Paul sa kanang kamay ni Carmine. For Alishabeth, it felt so awkward and uncomfortable because she isn't used to those kinds of dating stuffs and sweetness couples does.
"Pero 'di naman sila magjowa..." nagtatakang bulong niya.
"Alisha?"
When she heard her name being called by someone, she glanced at the person behind her where the voice came from and saw Eunice, in front of her—staring at her.
"Eunice, bakit?" tanong ni Alishabeth at bahagyang lumapit si Eunice sa kanya.
"Gusto ka raw sana makausap ni Sabrina mamaya." Alishabeth frowned after hearing Sabrina's name.
Naging mataray ang titig niya kay Eunice. "Alam mo? Bakit nakikipagkaibigan ka pa sa gano'ng tao?" inis na tanong niya at tinaasan ng isang kilay si Eunice.
"Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?" Yumuko lamang si Eunice at hindi na nakapagsalita pa.
Sunod-sunod ang pagtatanong ni Alishabeth ngunit wala siyang natatanggap na sagot mula kay Eunice—nakikinig lamang ito sa kanya. She looked very pale after hearing Alishabeth, alam niyang hindi magandang makipagkaibigan sa taong naninira ng buhay ng iba, but she decided not to leave Sabrina. She's her best friend since they were kids.

BINABASA MO ANG
When Destiny Plays
Teen FictionHigh school life, where teenagers experience new occurrences such as admiration, drama, friendship, goals in life and of course, memories. As high school life of Alishabeth Ly starts at Norkin Academy, making new friends will be a huge challenge. Re...