Chapter 49

54 22 24
                                    

"O, nandito na ba lahat?" tanong ni Mr. Dimionsa.

"Head count, guys," utos naman ni Glenn sa mga kasama niya.

Isa-isa nilang binilang ang sarili nila at nang malaman nilang kompleto na silang lahat, agad na silang umalis. Ang iba ay nakabili ng mga pasalubong nila at ang iba naman ay hindi na dahil marami rin ang namimili at mahaba ang pila bago pa makapagbayad.

"Grabe 'yung nagsuka... nagulat ako ro'n," sabi ni Glenn sabay inom sa milktea niya.

"Natawa kaya ako no'ng lahat nagsigawan," sabi naman ni Carmine habang kinakain ang natirira niyang baon.

"'Buti naman at walang nagsuka sa inyo? Ayos lang naman kayo ano?" tanong ng teacher nila.

"Ayos lang, sir. Mawawalan nga lang ng boses," biro ni Blake ngunit totoo para sa iba dahil sa lakas ng kanilang pagsigaw kanina.

"Pa'no 'yan? Mawawalan kayo ng boses?"

"Okay lang mawalan ng boses sir, basta 'wag lang siya," banat naman ni Glenn sabay kindat kay Alishabeth.

"Aba, aba... bumabanat," sabi ni Mr. Dimionsa kay Glenn.

"Grabe nga kayo makasigaw e, akala ko kung ano'ng nangyari. Sabi sa 'kin nung isang student e... may nagsuka raw," natatawang kuwento ni Mr. Dimionsa.

"Sir, may natae pa. Saka may nakaiwan ng kaluluwa," pang-aasar naman ni Alishabeth habang nakatitig sa mga kasama niyang nagsabi no'n kanina.

Tiningnan siya nina Blake at Carmine ngunit tinawanan lang niya ang ekspresyon ng mga mukha nila. Ang mga mukhang pagod na pagod at parang gusto nang muling ipikit ang mga mara dahil sa antok.

"Siguro marami kayong nasakyan na rides. Mukhang 'yung iba sa inyo pagod na e."

"Yes, sir. May nakatulog na agad dito sa sobrang pagod kakasigaw," sabi naman ni Sabrina habang yakap-yakap si Tori na na nakatulog na.

"Si Tori talaga sir 'yung sobra makasigaw. Cute kaya," natatawang sabi ni Madison.

Inilapit ni Blake ang sarili niya kay Madison at bumulong, "Mas cute ka." Natulala si Madison at hinampas si Blake sa balikat samantalang tinawanan lang siya ni Blake.

"O, sige. Enjoy n'yo na 'tong huling pagkikita n'yo dahil sa Lunes na ulit kayo magkakasama."

***

Ang iba ay nakauwi na habang sina Blake at Glenn ay kasama pa rin si Alishabeth hanggang sa makarating sila sa bahay nito. Inuna na nilang ihatid si Madison dahil kanina pa siya hinahanap ng mga magulang niya. They safely dropped Alishabeth by and her parents thanked them for guiding their daughter.

"Ay, hello sa inyo." Agad silang binati ng nanay ni Alishabeth at agad din silang nagmano.

"Blake po, kapatid po ni Glenn."

"Hello, gusto n'yo ba muna rito? Pasok kayo mga anak—"

Umiling si Glenn at nagsalita. "Ay! Hindi na po tita, salamat na lang po."

"Hinahanap na rin po kasi kami ng parents namin e," dagdag pa ni Blake.

"Hinatid lang po namin si Alisha para wala rin pong masamang mangyari sa kanya."

Muli silang pinasalamatan ni Alishabeth at gano'n din ang nanay nito. "Sige mga anak, ingat din kayo ha? Salamat ulit!" Kumaway ang nanay ni Alishabeth sa kanila at si Alishabeth mismo sa mga kaibigan niyang naglalakad papalayo sa kanilang bahay.

When Destiny Plays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon