After a sorrowful week due to Sabrina's death and the tragedy happened to them, bidding farewell to Sabrina was a hard time for everyone.
Hindi na siya makikita kahit na kailan pa pagtapos nito. Napakalungkot na pangyayari ito para sa mga kakilala ni Sabrina na tunay na nagmamahal sa kanya, ngunit ang magandang balita naman ay nahanap na ang dalawang lalakeng dumakip sa kanila. Samantalang, ang isang kasabwat naman nila ay hindi na rin naisalba ang buhay.
Ang isang lalakeng kasama sa pagdakip kila Alishabeth ay makukulong sa loob ng 25 na taon. Samantalang, ang bumaril naman kay Sabrina na kasama rin sa pagdakip sa dalawa ang makukulong habambuhay. Napatawad naman ni Alishabeth at ng pamilya niya ang mga kalalakihan, ngunit ang mananagot nga ay dapat na managot.
"La, pahinga po muna kayo." Dahan-dahang hinagod ni Alishabeth ang kamay niya sa likod ng matanda.
Kanina pa pasulyap-sulyap ang matanda sa apo niyang mapayapang nang nakahimlay. Napakaganda at nakakapanghinayang. Hindi lamang naranasan ang magkaroon ng sariling magulang—to have a mother and father to take care of her and love her unconditionally.
"Napakaganda ng aking apo..." the old lady placed her hands on her chest while looking at Sabrina's stunning face.
Alishabeth also took a glance at her friend and felt sad again for her lost. Nalulungkot din siya para sa maiiwang lolo't lola ni Sabrina.
"Opo, marami rin po siyang natutunan." Masaya niyang ipinarating sa matanda.
"Lola!" Agad namang napayakap si Eunice sa lola ni Sabrina nang makita niya ito. Siya naman ang sunod na napatingin kay Sabrina.
"Eunice, aba'y kumusta ka na ba anak ko?" Niyakap siya pabalik ng matanda na para bang sarili na rin niya itong apo.
Napakamot si Eunice sa batok niya at bumuntong hininga. "Medyo... hindi pa po maayos... pero kakayanin naman po." Alishabeth first noticed Eunice's eyes, they were swollen.
"Saka hanap po pala kayo ng mama't papa ko. Gusto po kayong makausap pati na rin daw po si lolo," dagdag pa ni Eunice.
"Ay aba... sige. Matagal ko rin naman kayong hindi nakita..." habang nagsasalita ito ay tinulungan na siya nila Eunice maglakad papalapit sa mga magulang nito.
Hinatid nina Alishabeth at Eunice ang matanda kung saan naroroon ang mga magulang ni Eunice. They started talking. Hindi gaanong malakas dahil libing iyon—bilang respeto na rin sa mga taong naroroon lalo na kay Sabrina. Agad namang bumalik ang dalawa sa kung nasaan si Sabrina at muling pinagmasdan ang kanyang maamong mukha na kahit kailan ay hindi na muling masisilayan.
"Ang ganda pa rin niya," bulong ni Eunice at gustong yakapin ang kaibigan niya ngunit hindi na pwede.
"A-alam mo ba... 'yung... huling sinabi sa akin ni Sabrina?" nauutal-utal na tanong ni Alishabeth.
Eunice lifted her head up and gave her attention to Alishabeth when she asked her, "Ano?"
"She kept on telling your name, nagpapasalamat siya sa'yo."
"She also said sorry since she will never make it to see the Eiffel Tower... with you," dagdag pa ni Alishabeth habang ang mga mata niya ay pawang nakatitig kay Sabrina.
"Bata pa lang kami... gusto na talaga niyang makita ang Eiffel Tower." Seryoso ang mukha ni Eunice nang iparating niya iyon kay Alishabeth.
"Talaga? Paano naman niya nagustuhan 'yon?" tanong ni Alishabeth na mas nagiging interesado pa.
Eunice giggled, remembering their past memories, their childhood. "Um... niregaluhan ko kasi siya ng key chain na Eiffel Tower noon," Eunice started.
BINABASA MO ANG
When Destiny Plays
Teen FictionHigh school life, where teenagers experience new occurrences such as admiration, drama, friendship, goals in life and of course, memories. As high school life of Alishabeth Ly starts at Norkin Academy, making new friends will be a huge challenge. Re...