Chapter 71

54 21 42
                                    

Nang dumating ang araw ng Sabado, napag-isipan nilang bisitahin ang lolo't lola ni Sabrina. Gusto kumustahin at kausapin para kahit papaano ay mayroon silang kasama kahit sa mga sandaling oras lamang. Iyon ang nais ni Eunice na pagbibigyan ng mga kaibigan niya dahil alam nilang mas naapektuhan ito sa mga kaganapang nangyari.

"Aray!" reklamo ni Carmine nang mauntog sa bintana ng kotse.

"Suotin n'yo 'yung seat belt," utos naman ni Glenn.

Pahinto-hinto si Rei sa pagmamaneho ng sasakyan, halatang hindi pa gaanong marunong sa pagmamaneho, kaya puro reklamo ang naririnig niya sa mga kaibigan niya.

"Sorry, sorry! Sorry! Pasensya na!" Panay paghingi ng tawad ang nasasabi ni Rei sa mga kaibigan niyang kanina pa laging nauuntog sa iba't ibang bahagi ng sasakyan sa loob.

"Kinakabahan ako sa'yo, Rei. Baka papuntang langit na 'to ha?" Napalunok na lang si Paul at kabadong pinagmamasdan ang kilos ni Rei.

"'Di naman," mahinahong tugon niya.

"Sakto lang..." dagdag pa niya.

"Ayoko pang mawala sa mundong 'to!" sigaw ni Tori mula sa likod ng sasakyan na kanina pa nauuntog sa kung saan-saan.

"Kailangan mo ata ng support ni Koeli e." Kinindat ito ni Blake sabay titig nang matagal kay Koeli na nakasulyap din kay Rei.

"H-ha?" nahihiyang tanong ni Rei.

"Kaya mo 'yan, Rei." Rei blushed after Koeli spoke. Sinasabayan na lang ni Koeli ang trip ng mga kasama niya.

He felt something again towards Koeli, but wasn't able to tell his secret to her. He began admiring her. Again.

***

"Hello po, lolo't lola!" maligayang bati ni Alishabeth sa mga matatanda at nagmano sa kanila.

"La, nagdala po kami ng meryenda!" sigaw ni Carmine mula sa kotse habang bitbit-bitbit ang mga inihanda nilang pagkain na pagsasalu-saluhan mamaya.

Lumapit naman si Glen kay Eunice nang makita niya ito. "Kanina ka pa pala nandito, Eunice?" tanong niya.

Mabilis na tumango si Eunice. "Hmm, malapit lang bahay namin dito. Walking distance lang kaya nauna na ako," tugon naman ni Eunice.

Bago pa man sila makapasok sa loob, sinigurado muna nilang malinis ang mga suot nilang sapatos. Ayaw nilang magbigay perwisyo sa dalawang matanda lalo na't uugod-ugod na rin ang mga ito. Mas mabuting magpahinga ang mga matatanda kaysa maglinis ng sahig na narumihan.

"Nako! Maraming salamat sa inyong pagbisita. Sigurado akong matutuwa si Sabrina."

"Walang anuman po, lola! Gusto rin po namin kayong kumustahin at makausap na rin po," magalang namang sabi ni Rei.

"Pagaain po ang loob niyo kahit papaano, alam po nating mahirap pero kakayanin naman," dagdag pa ni Blake at nang magsalita ito, nagtinginan sila sa kanya.

Matured nang magsalita si Blake at alam na ang mga sinasabi niya. Patungo pa lamang siya sa edad na 17 ngunit ang pananalita niya ay malalalim na at iniisip din muna niya ang lalabas galing sa bibig niya bago pa man niya ipaalam sa nakararami.

When Destiny Plays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon