"Class dismissed."
Bago tumayo ang mga estudyante at makaalis mula sa sari-sarili nilang upuan, pinauna muna nilang lumabas ang teacher nila bago pa man sila kumilos. It was their last class for today and after that, students are free to leave, but for Alishabeth, she still has something to do before exiting the school building. Ang mahiwagang cake galing kay Anthony ay kukunin muna niya sa cooking room.
"Kukunin ko ba 'yung cake?" Alishabeth asked Madison with a very hesistant voice.
"Oo naman pero 'di ba... sasamahan ka ni Glenn?" Tanong naman ni Madison na abala sa pagre-retouch.
Sinuot ni Alishabeth ang bag niya at matamlay na sumagot, "Kaya ko namang mag-isa lang e. Sabihin mo kila Carmine, antayin n'yo na lang ako sa labas ng school."
Naglakad siya palabas ng pintuan at nang makatapak siya sa labas, nakita niya si Glenn na nag-aantay sa labas kasama sina Blake, Rei at Paul na nakaupo sa sahig at nag-uusap habang si Glenn naman ay nakasandal ang likod sa pader, ang dalawang kamay ay nakasuot sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon. Mabilis nilang napansin si Alishabeth, kaya agad na tumayo ang dalawa at binati siya at gano'n din si Alishabeth.
"Ang aga mo palabasin, Blake—"
"No, late lang talaga kayo pinalabas."
Mabagal namang tumango ang dalaga at tiningnan ang relo niya. Dito niya nalaman na tama pala ang sinabi ni Blake sa kanya. Napansin din niyang nag-aantay din sila sa mga kaibigan niya, kaya naman agad na siyang nagsalita.
"Nasa loob pa pala sila... pero palabas na rin. May pupuntahan lang ako ha?"
Muli siyang naglakad papunta sa cooking room ngunit pakiramdam niya ay may nakasunod sa kanya sa likod, si Glenn. Hindi niya ito binigyang pansin dahil nahihiya siyang makasama si Glenn. Hindi pa sila masyadong magkakilala.
"Kumusta klase?" Tanong ni Glenn.
Ang mga mata ni Alishabeth ay nakatitig kay Glenn. Ang unang napansin niya sa binata ay ang buhok nito. His messy brown hair, but really suits him.
"Ayos naman," matipid niyang sagot.
Silence was built between them for a moment while they were walking, their steps were heard by them and none of the two made a move nor opened their mouth to continue the conversation. They arrived outside the cooking club, and before Glenn could even knock on the door, Olivia opened it since she saw them by the window.
Dinig ng dalawa ang pagbukas ng pinto at bumungad sa kanila si Olivia na masayang binati sila ngunit nabaling ang atensyon nito kay Glenn.
"Glenn! Ito na pala 'yung cake mo, hinanda ko na talaga 'yan ilabas para sa'yo." Ang hawak niyang box ng cake ay inabot niya kay Glenn at mabilis naman itong binitbit ni Glenn.
"Sabihin mo lang kung... para sa akin talaga 'yan. Tatanggapin naman kita bilang manliligaw ko e..."
The girls both heard a chuckle from Glenn. "Sa kanya talaga 'to." Turo ni Glenn kay Alishabeth. Nginitian naman ni Alisabeth si Olivia ngunit ngiting hindi interesadong makilala si Olivia.
Olivia nodded and her gaze quickly shifted to Glenn again. "Ah... okay."
"Ingat ka ha?"
Niyakap ni Olivia si Glenn at napatalikod na lang si Alishabeth mula sa dalawa sa sobrang hiya. Parang siya pa ang nahihiya sa ginagawa ni Olivia. She couldn't handle Olivia being too flirty towards Glenn. Hindi man lang magpakita ng pagiging binibini. Para kay Alishabeth, parang ang babae pa ang nanliligaw sa lalake sa panahong ito.
BINABASA MO ANG
When Destiny Plays
Novela JuvenilHigh school life, where teenagers experience new occurrences such as admiration, drama, friendship, goals in life and of course, memories. As high school life of Alishabeth Ly starts at Norkin Academy, making new friends will be a huge challenge. Re...