Chapter 24

59 19 24
                                    

"Biglaan naman 'tong malakas na ulan," dismayadong sabi ng nanay ni Alishabeth habang nakatingin sa labas ng bintana nila.

Malakas ang pagbuhos ng ulan at biglaang nangyari sa araw na iyon. Kaya naman, inanunsyo na kanina sa balita na walang pasok ang mga estudyante sa araw na iyon. Delikado kung may lalabas pa dahil malakas din ang hangin. Tutok pa rin sa panonood ng balita ang tatay nila at hindi nito maiwasang mag-alala para sa kanyang mga anak. Natatakot at nangangamba na baka mas lalo pang lumakas ang pagbuhos ng ulan. Masyadong mapanganib ang malakas na ihip ng hangin.

"Mama, tapos ko na pong lutuin 'yung pritong isda at munggo!" sigaw ni Alishabeth mula sa kusina at nang marinig ito ng kanyang nanay, agad siyang pinuntahan nito.

Ang mga kapatid naman niya ay naging abala sa pag-aayos ng hapag-kainan at nagsimulang maglabas ng mga plato, kutsara't tinidor na rin upang makakain na sila at agad na makapaglinis.

"Mukhang masarap ang luto ng anak ko ha." Kumuha ang nanay niya ng kutsara at tinikman ang sabaw ng munggo.

Lahat sila ay nakatitig sa kanya at nang matapos niyang tikman ang sabaw ng munggo, ibinaba niya ang kutsara habang sila Alishabeth naman ay nag-aantay ng sagot mula rito.

"Bakit gano'n?" tanong niya kay Alishabeth.

"B-bakit po, mama?"

Maya-maya ay ngiti ang bumungad kay Alishabeth mula sa kanyang nanay. "Mas masarap ka pa pala magluto kaysa sa 'kin." Natuwa si Alishabeth nang mapuri siya.

"Pwede na mag-asawa si ate?" biro naman ni Lara ngunit agaran siyang sinita ng kanilang nanay.

"Hindi pa pwede, asawa-asawa agad... saka na 'yan, mag-aral muna." Bumelat naman si Atashalyn kay Lara ngunit agad din silang sinita ni Alishabeth.

"Kain na tayo, papa kain na po!" sigaw ni Alishabeth mula sa kusina.

Agad siyang umupo sa upuan at ipinatong na sa lamesa ang kanilang mga ulam. When her father finally arrived, his gaze shifted towards the foods. Mouth-watering foods cooked by his precious daughter.

"Nako, mapaparami na naman ang kain ko rito ha," biro niya at umupo sa bakanteng upuan upang makakain na silang lahat.

"Pray muna tayo," sabi ni Alishabeth sa mga kasama niya.

Pinangunahan ito ni Atashalyn kahit na walang nag-utos sa kanya at agad silang nanalangin sa harap ng kanilang hapag-kainan.  Taimtim na nanalangin sa Diyos, nagpasalamat. Nang matapos silang manalangin ay kanya-kanya na silang hakot ng makakain nila habang nanonood ng paborito nilang palabas.

"Wow! Sarap nito ate. Sana all magaling magluto," sabi ni Lara.

"Matututo ka rin—" bago pa man matapos ni Alishabeth ang sasabihin niya, nakarinig sila nang malakas na kidlat at mas lalo pang lumakas ang pag-ulan.

"Sige mga anak, kain lang nang kain para mahugasan na rin itong mga pinagkainan."

After eating their lunch, Atashalyn was eager to finish washing the dishes. She was afraid that the electricity might went off so she quickly did her work before it might happen.

While Alishabeth was wiping the table, she heard her phone ringing. Someone was calling her, and when she scanned her phone—she noticed that her friends were asking her to join their group video call. Alishabeth quickly answered the call, but she turned off her camera for a moment.

"Wait lang, tatapusin ko lang 'yung pagpupunas ng mesa, guys." Alishabeth quickly wiped the table and finished her work.

She went upstairs and stepped inside her room to set up her camera. As she sat down on her seat, she turned on the camera, revealing her gorgeous face even though she was very stressed out from the household chores she had been doing.

When Destiny Plays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon