Chapter 9

74 23 60
                                    

"Ang sakit pa rin ng dila ko." Kanina pa nakakuyumos ang mukha ni Alishabeth dahil pangatlong beses na niyag nakagat ang dila niya sa araw na iyon.

"Kanin asa cafeteria tapos sunod, doon sa restroom tapos ngayon, dito naman," sabi ni Carmine habang nakasimangot kay Alishabeth.

"Hmm, sino kaya ang nakakaalala sa'yo?" Koeli questioned her as she placed her fingers under her chin.

"Siguro naalala ka na ni tito at tita kasi hindi pa tayo nakakauwi." Agad namang umangkas si Madison sa bisikleta.

Alishabeth made her way towards her bike and immediately unlocked it. "Video call tayo mamaya bago matulog. Gawa ako ng group chat natin," Koeli suggested.

Mabilis namang napa-oo si Madison sa suggestion ni Koeli. "Sige ba! Tapos biglang may sumama sa camera ni Carmine." Muli na namang sinimulan ni Madison ang pag-iinis sa mga kasama niya.

Among the four of them, si Madison ang joker followed by Koeli. Iniintindi nila ang ugali ni Madison dahil siya rin naman ang nagpapasaya sa kanila paminsan-minsan.

Carmine raised an eyebrow and crossed her arms. "Ba't ako matatakot? Grades ba 'yon?" Maangas niyang tanong sabay ngisi.

"Yes naman, grades lang katatakutan!" Koeli yelled and raised her right hand.

"Sige, tara na baka—" bago pa man matapos ni Alishabeth ang sasabihin niya, bigla siyang nakarinig ng boses mula sa likuran niya.

Isa-isa silang lumingon sa likod, boses ito ula sa lalaking naglalakad papalapit sa kanila na may bitbit na mga papel. He was breathing heavily so, he wasn't able to speak clearly. He paused for a moment to catch his breath and immediately stared at the girl in front of him.

"Alishabeth, inaanyayahan kitang sumali sa aming samahan sa Filipino." Alishabeth blinked for a few seconds and smiled awkwardly.

"Sana... makasali ka sa amin. Ikinalulugod kong makita ka ro'n, at buong puso kitang tatanggapin sa aming samahan." Inabutan niya si Alishabeth ng papel at muli itong nagpakilala.

"Ako nga pala si Anthony Rodriguez, ang lider ng samahang Filipino. Sana maasali ka."

He bowed his head after speaking, and flashed a smile at Alishabeth, but his attention went to Koeli when she asked him something.

"Kami? Hindi mo kami gustong isali?" Tanong ni Koeli na sinita ni Madison sa pamamagitan ng pagtapik sa braso ni Koeli.

"Baka siya talaga ang gusto niyang isali ro'n kasi may gusto siya kay Alishabeth." Nanlaki ang mga mata ni Anthony nang marinig niya iyon mula kay Madison, napakamot ito sa kanyang batok at napangiti.

"Ah hindi naman—"

"Huwag kami, Anthony..." inis namang sumbat ni Koeli at tinaas pa ang kilay niya.

"May potensyal kasi siya—"

"Ah, ba't kami wala?"

"Discrimination ka, Anthony ah." Tinarayan ito ni Koeli na napansin naman ni Anthony.

"P-pwede naman kayong sumali—" he never had the chance to speak properly to say something. Lagi siyang nauunahang magsalita.

"Oo na, Anthony. Salamat sa imbita mo. Mauna na kami." Walang kabuhay-buhay itong sinabi ni Carmine kay Anthony ngunit si Alishabeth naman ay nagpasalamat pa rin sa binata.

Nagsimula na silang magbisikleta, kaya naman napasigaw na lamang si Anthony upang marinig ni Alishabeth ang nais niyang sabihin.

"Ingat ka!" sigaw ni Anthony mula sa malayo.

When Destiny Plays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon