"Chain message? Aba'y yawa nga," ani Carmine habang binabasa ang napakahabang chain message mula kay Glenn.
Pinahiram ni Alishabeth ang cellphone niya kay Carmine para ipakita kung ano'ng kalokohan ang ginawa ni Glenn kagabi. Nagpasa ng chain message. He didn't even greet her properly.
"Pasa mo sa 25 na tao para 'di ka malasin at hindi mamatay ang mama mo," mabilis na basa ni Carmine, tutok na tutok ang mga mata sa cell phone na hawak.
Sinusubukang pigilan ni Koeli ang tawa niya dahil sa narinig niya, ngunit hindi na makaya, humalakhak siya nang malakas. Si Alishabeth naman ay may seryosong eskpresyon sa mukha, hindi malaman kung matatawa rin ba siya o maiinis, ngunit ang gusto lamang niyang gawin sa ngayon ay hanapin ang nagpasa ng chain message sa kanya at awayin ito.
"Hi, Car mine and friends!" masayang bati ni Paul kila Carmine ngunit nang pagmasdan ni Alishabeth ang paligid niya, hindi nila kasama si Glenn.
"Pwede umupo?" Habang nagsasalita ito ang kanyang atensyon ay mabilis na napunta kay Madison na agad na sumagot.
"Ah, o-oo naman. Pwedeng-pwede."
Agad naman silang umusog upang bigyan ng mauupuan ang gustong makisama sa kanila at nang lahat sila ay makaupo, nakaramdam si Koeli ng kaba dahil sa tabi niya umupo si Rei habang si Paul naman ay tumabi kay Madison at kasunod ni Paul ay si Blake.
Koeli on the other hand took a deep breath and started speaking. "Rei, gusto ko pala sumali sa computer club n'yo." Lakas loob niyang ipinaalam kay Rei kahit na kinakabahan siya.
Ang kanyang mga kamay ay pinagpapawasin, ramdam niya ang sobrang kaba at hiya. "Kung pwede rin sa'yo, sana turuan mo ako kung ano rin ang gagawin do'n." Yumuko siya habang nag-aantay ng tugon mula kay Rei.
"Sige," ang tanging sagot na narinig niya mula kay Rei na naging dahilan nang muling pagkadismaya niya.
"Siguro... mas maganda kung palit tayo ng pwesto, Blake?" Nagkatinginan sina Blake at Paul habang si Paul ay nagpipigil ng tawa niya.
Agad na tumayo si Paul at inutusang umusog si Blake papalapit kay Madison na ngayon ay magkatabi na. His friends knew from the very beginning when he met Madison, he developed something towards her. The first sign when a person starts admiring someone.
"Kumusta ka, Madison—"
"Nasaan si Glenn, Blake?" Nang mapunta ang atensyon ni Blake kay Alishabeth, pansin niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito na para bang galit.
"N-nasa library s'ya. Gumagawa ng register form para sa club niya." Nauutal pa si Blake nang sumagot dahil hindi siya sanay makausap si Alishabeth.
"Blake, usog ka pa. Isang pisngi na lang ng pwet ko 'yung nakaupo." Huminga nang malalim si Blake at kinamot ang ulo niya na may halong inis.
Alam niya ang gustong mangyari ni Paul, gitgitin pa siya papunta kay Madison para mas lalo pa silang magdikit. Iyon ang kinaiinisan niya.
"Dali na, pre." Napausog si Blake nang wala sa oras at kahit labag sa kalooban niya.
"Parang—sarap kutusan," inis na bulong niya kay Paul.
"Rei, nakagawa ka na ba ng form mo para sa club mo? Pwede bang paturo ako?" Their attention suddenly shifted to someone in front of them. It was Eunice asking a help from Rei.
"Good morning sa inyong lahat!" masayang bati ni Eunice sa kanila.
Mas lalong ikinalungkot ni Koeli ang pagpapakita ni Eunice sa kanila. It just made her insecure because of their closeness closeness to each other—it made her jealous at the same time. She realized that Eunice has Rei's attention most of the time.
BINABASA MO ANG
When Destiny Plays
Teen FictionHigh school life, where teenagers experience new occurrences such as admiration, drama, friendship, goals in life and of course, memories. As high school life of Alishabeth Ly starts at Norkin Academy, making new friends will be a huge challenge. Re...