Chapter 51

44 21 16
                                    

Alishabeth's birthday came. Her parents were busy making her 18th birthday more memorable and special, but for Alishabeth, as long as her family and friends would be there for her, that would make her happy and make her day even more special.

"Pupunta rin po ba sila tita mamaya, mama?" tanong ni Lara sa nanay nila habang nag-aayos.

"Opo, pupunta po sila... tutulong din sila rito."

"Mama, saan 'to ilalagay?" tanong ni Alishabeth habang hawak-hawak ang ibang decorations.

"Kahit saan basta 'yung hindi makakasagabal."

Agad namang sumunod si Alishabeth at l inilagay ang mga decorations sa kung saan niya nais na isabit. After placing the decorations, she quickly went inside their house to help her father and sister to cook the other foods. Other foods would be delivered later while others were being cooked by them.

"18 ka na, ate. Pwede ka nang magtrabaho," sabi ni Atashalyn kay Alishabeth habang ito ay naghihiwa.

Muling pumasok sa isipan ni Alishabeth ang nais niyang mangyari at magawa noon, ang makatulong sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng trabaho, kahit kaunting sahod lamang upang may maabot siya sa mga magulang niya dahil para sa kanya, iyon ang ikasasaya niya, ang makatulong sa mga magulang niya nang walang kapalit na kahit ano pa mang bagay.

"Pwede na nga pero hindi naman 'yon basta-basta magagawa," sagot niya.

"Maraming kailangang gawin bago magkaroon ng trabaho... pero kung may sipag at tiyaga, kaya naman."

Dinig ni Alishabeth ang hiyawan ng mga tao sa labas kaya nagtinginan silang dalawa ni Atashalyn, alam na nila kung ano ang nangyayari. Mabilis silang nag-unahang tumakbo papalabas ng sa bahay at doon nila nakita ang kanilang mga tito at tita, mga pinsan at mga lolo't lola na kararating lamang galing sa mahabang biyahe.

Nang makita ng iba si Alishabeth, agad nilang binata ang dalaga at agad ding lumapit si Alishabeth sa kanila upang magmano at magpasalamat sa kanilang pagpunta para sa kanyang kaarawan.

"Nako! Parang kailan lang noong nabubuhat pa kita." Yakap-yakap siya ng isa niyang tiyahen, ang pinakamalapit na tiyahen sa kanya.

"Ang laki-laki mo na, pati ang mga kapatid mo. Ang bilis talaga ng panahon." Muli siyang niyakap nito at inabot ang regalo sa kanya.

Saglit naman siyang natulala sa regalo paea sa kanya. "Thank you po, tita!"

"Sige, tulungan ka na rin namin, pahinga na muna 'yung mga matanda saka bata sa loob ng bahay," sabi ng kapatid ng nanay niya at naging abala sila sa pag-uusap.

After that, her father's relatives arrived. Kitang-kita ni Alishabeth na napakaraming tao sa kanila, kaya imbis na pairalin niya ang hiya niya, nilapitan niya ang mga kamag-anak nila upang mangamusta. Pagkatapos niyang mangamusta ay muli na siyang pumasok sa loob ng bahay nila at nakasalubong si Lara.

"5:00 na pala... nasaan na 'yung mga kaibigan mo, ate?" tanong ni Lara sa kanya habang abala ito sa paghuhugas ng mga hugasin sa lababo.

"Parating na rin sila mamaya... antayin na lang natin..."

Everything was settled for her birthday party. Their relatives already arrived to celebrate with her. Mga kaibigan na lang niya ang inaantay niyang makarating dahil kanina pa rin niya sila inaantay.

***

"Ayos na ba lahat?" tanong ni Madison sa mga kasama niya habang bitbit ang cake na binili nila para kay Alishabeth.

When Destiny Plays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon