Araw ng Sabado, oras na upang magkita-kita ang magkakaibigan sa kanilang napag-usapang lugar. Iyon na ang araw na nakatakdang maglalabas si Koeli ng kanyang saloobin sa mga pangyayaring naganap noong araw na siya ay umuwing luhaan.
"Mama?" Nabaling ang atensyon ng nanay ni Koeli sa kanya at itinigil muna ang paghihiwa ng gulay.
"May sasabihin po ako."
Tumango ang kanyang nanay. "Sige anak. Ano ba iyon?" Tinuloy ng nanay niya ang paghihiwa ngunit sinisiguradong nakikinig siya sa kanyang anak.
"Kailangan daw po kasi kayo ni papa sa Lunes, tungkol po sa nangyari sa 'kin... no'ng isang gabi."
"Alam ko 'yang pinagdadaanan mo. 'Wag ka mag-alala, pupunta kami ng papa mo ro'n para malaman ang totong nangyari." Binaba nito ang hawak niyang kutsilyo at nilapitan ang anak niya.
Nakaramdam ng mahigpit na yakap si Koeli at doon na niya hindi napigilang lumuha—nang maramdaman niya ang yakap at pagmamahal ng kanyang nanay sa kanya. Ang yakap na makakapagsabi sa kanyang magiging maayos din ang lahat.
"Mama s-sorry po kung... naging pasaway a-ako sa inyo." Ramdam niya ang haplos ng nanay niya sa likod niya sabay halik sa kanyang ulo.
"Hindi anak, hinding-hindi ka naging pasaway. Alam ko naman na mahirap at masakit para sa'yo ang pinagdadaanan mo." Mas lalo pang nalungkot ang nanay ni Koeli nang marinig niya ang hikbi ng kanyang anak.
"Tahan na, Li. Ayaw na ayaw kitang nakikitang malungkot at umiiyak... nasasaktan din si mama," wika niya sa kanyang anak.
Tinanggal niya ang pagkayakap niya kay Koeli at dali-daling pinunasan ang mga mata ni Koeli gamit ang mga daliri niya at hinalikan ito sa noo. Ang tatlong lalaking kapatid naman ni Koeli ay nakatitig lamang sa kanilang mag-ina habang nagtataka dahil wala silang kaalam-alam sa kung ano ang nangyayari at bakit nag-iiyakan ang mag-ina.
"Huwag na huwag mong iiyakan ang isang lalaking hindi mo naman dapat iyakan."
"Huwag kang magmamadali, makakarating ka rin sa panahong 'yan." Hindi mapigilan ni Koeli ang paghikbi niya habang pinagsasabihan siya ng nanay niya.
"Lagi mong tatandaan na hindi dapat babae ang humahabol sa lalake," pangaral pa nito kay Koeli.
Muli naalala ni Koeli si Rei, si Rei na kahit kailan ay hindi naging mabuti sa kanya at mas lalong lumala ang ugali. Ang lalaking pinagod siya at hindi man lang siya tinuring bilang isang kaibigan. She suffered because of him.
"Mag-aral ka muna, tuparin ang mga hangarin mo sa buhay at lasapin mo ang panahong nakakasama mo pa ang mga kaibigan mo," saad nito kay Koeli habang turo-turo siya.
"Dahil pagdating ng panahon, may sari-sarili na kayong buhay at malayo na sa isa't isa."
Tanging ang mga kaibigan lamang ni Koeli ang pumapasok sa isip niya. Mga kaibigan niyang naging mabuti sa kanya at naging matulungin sa bawat hirap at pagdurusang napagdadaanan niya. She made a friendship—not perfect, but worth it.
"Nakukuha mo ba ang punto ko, anak?" tanong ng nanay niya.
Ngunit siya na rin ang sumagot, "Ang punto ko ay mas intindihin mo ang mga taong nariyan para sa'yo. Sa kanila ka maging mabuti at maglaan ng oras. Sila ang tunay na nagmamahal sa'yo bukod sa aming pamilya mo."
"Sila ang pangalawang pamilya mo, ang sandalan at magiging katuwang mo habang inaabot mo ang iyong mga pangarap."
Ang paliwanag ng kanyang nanay ay madali niyang naintindihan. Ang punto ng kanyang nanay ay dapat paglaanan ng oras ang mga taong nagmamahal sa kanya at tinutulungan siya. Ang mga taong pinapasaya siya at laging nariyan sa kanyang tabi. Ang mga taong ibabalik ang saya at ngiti sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
When Destiny Plays
Teen FictionHigh school life, where teenagers experience new occurrences such as admiration, drama, friendship, goals in life and of course, memories. As high school life of Alishabeth Ly starts at Norkin Academy, making new friends will be a huge challenge. Re...