Chapter 6

103 25 38
                                    

"Hindi ko alam kung bakit tang tatamlay n'yo tuwing klase ko," sabi ng P.E teacher nila. Nakapamewang ito habang naglalakad nang pabalik-balik sa harapan nila.

"First class at 8:30 am..." bulong ni Alishabeth, nakapatong ang ulo niya sa balikat ni Madison na kanina pa rin inaantok at humihikab.

"Pangatlong araw pa lang ng klase natin pero parang undas na sa inyo," dagdag pa ni Mr. Dimionsa. Isa-isa niyang pinagmasdan ang mga mukha ng estudyante niya at hindi nito maiwasang mag-isip.

"Sa labing-limang taon ng pagtuturo ko rito sa Norkin Academy, lahat talaga ng estudyante ay gan'to ang mukha sa unang klase nila."

"Sige, para mabuhayan kayo ng dugo, magsulat kayo ng 1000 word essay tungkol sa inyong summer vacation." Nang matapos niya iyon sabihin sari-saring reaksyon ang nakuha niya mula sa mga estudyante niya.

Ang iba ay mas lalong naging matamlay habang ang iba naman ay patuloy na nagrereklamo. Umiling ito at nagpakita ng dismayadong reaksyon.

"Sir, exercise na lang kami. Zumba, sir," other student requested while raising their hands.

"Oo nga, sir!" sabi naman ni Madison na sumasang-ayon din sa iba ngunit sinita siya ni Alishabeth at tiningnan siya nang masama.

"Bakit? Gusto mo ba magsulat ng essay?" inis niyang sumbat sabay taas ng kilay.

"Hinahamkn n'yo ako? Sige, zumba." Ngumisi sa kanila ni Mr. Dimionsa. Bakas sa kanyang mukha ang balak na kahit kailan ay hindi sinasang-ayunan ng lahat.

"Ano na naman kaya 'yung balak ni sir?" inis na tanong ni Sabrina sa pamamagitan ng pagbulong kay Eunice.

"Kilala naman si sir sa pagiging playful, kaya okay lang sa 'kin kung ano'ng binabalak niya." Eunice shrugged her shoulders after answering happily which made Sabrina confused.

***

"Energy!" utos ni Mr. Dimionsa nang pasigaw sabay hipan sa kanyang pito na nakasabit sa leeg niya.

Habang pinagmamasdan ang mga estudyante niyang sumasayaw, hindi rin niya mapigilang igalaw ang sarili niyang katawan dahil nakikita niyang halos lahat ay matamlay at hindi gaanong gumagalaw ang katawan—walang sigla kaya, sumasabay na rin siya sa kanila sa pagsayaw.

"Usog ka naman do'n! Ang laki-laki ng gym nakagitgit ka sa 'kin!" reklamo ni Sabrina at mabilis na tinulok si Eunice papalayo sa kanya.

Bakas sa mukha ni Sabrina ang pagkapikon kay Eunice at nang marinig ito ni Alishabeth, agad na nabaling ang atensyon niya kay Sabrina na nakakunot ang noo.

"S-sorry..." tanging sagot ni Eunice na nauutal-utal pa.

Napansin din ni Alishabeth ang pag-iba ng facial expression ni Eunice, kung kanina ay masaya ito, ngayon naman ay halos mangiyak-ngiyak na, ngunit mas minabuti na lang ni Eunice na huwag nang bigyang pansin si Sabrina. Alam niya ang ugali ni Sabrina, kaya sanay na siya sa mga bagay na iyon.

"Hindi ko makita 'yung sumasayaw sa harapan. Ulo niyo, nakakabit sa leeg n'yo!" sigaw ni Koeli ngunit hindi siya narinig dahil malakas ang tugtog ng speaker.

It made her pissed off. She was slowly losing her interest in participating in their activity. Parang mas nagiging matamlay siya at nawawalan ng gana kahit na hilig niya ang pagsayaw.

"Dapat kasi ikaw na lang ang nag-lead sa atin... baka mas marami pa ang matuto," ani Carmine sabay kindat kay Koeli.

"Hindi ako... marunong... sumayaw." Koeli's statement made Carmine burst out laughing. Carmine clearly knew it from the very beginning of their friendship that Koeli would always be good at dancing.

When Destiny Plays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon