Chapter 11

73 23 46
                                    

"Grabe naman pala 'yon si Anthony." Yakap-yakap ni Madison si Alishabeth na hanggang ngayon ay tulala pa rin dahil sa nangyari kanina.

"Hindi naman gano'n si Anthony noon e," Carmine said while staring at Alishabeth.

"Nakakita kasi ng maganda kaya naging manyak." Napahikab si Koeli pagkatapos niyang magsalita.

"'Buti na lang nando'n si Glenn... kung wala siya ro'n baka..." hindi na tinuloy ni Madison ang sasabihin niya.

Sinusubukang kausapin ni Madison si Alishabeth ngunit hindi ito sumasagot. Samantalang si Glenn naman ay kanina pa sulyap nang sulyap sa dalaga at hindi maiwasang mag-alala.

"Alishabeth, ayos ka lang ba?" Tanong ni Glenn.

"Okay lang ako, s-salamat ulit," mahinang tugon ni Alishabeth.

Nahuli ni Glenn ang pagkindat ni Blake sa kanya ngunit huminga siya nang malalim upang pigilan ang inis niya. Bago pa man sila makapag-usap tungkol sa nangyari, dinig nila ang malakas na busina ng kotse—kotse ng tatay nina Blake at Glenn upang sunduin na sila.

Mabilis na nag-ayos ang apat na lalake at nagpaalam na sa mga maiiwan, ngunit imbis na sumakay na agad si Glenn sa kotse—hinubad niya ang suot niyang jacket at nagmadaling na bumalik kila Alishabeth. Pinatong niya ito sa balikat ng dalaga upang hindi ito malamigan dahil malamig na rin ang simoy ng hangin pagdating ng alas-singko ng hapon.

"Hiramin mo muna, saka mo na lang ibalik kung kailan mo gusto," sabi ni Glenn at muling sumulyap kay Alishabeth bago pa man siya maglakad.

"Huwag ka masyadong mag-isip nang masama."

"Mag-ingat ka lagi, pati kayo." Iyon ang huling paalala ni Glenn sa kanila at agad na itong nagpaalam.

Nang maisara na ni Glenn ang pinto ng kotse, mabilis na nakaalis ang sasakyan at tanging ang apat na babae na lamang ang naiwan doon.

"Okay ka lang ba?" Carmine asked with a concerned look on her face.

Mabagal namang tumango si Alishabeth bilang sagot at nang itaas niya ang ulo niya mula sa pagkapatong sa balikat ni Madison, seryosong ekspresyon ng mukha nito ang bumungad sa kanila.

"Issue na naman 'to!" sigaw niya.

Napanganga si Koeli. "Akala ko na-trauma ka pero... bakit parang okay ka lang?" Tanong niya habang nakasilip lang sa likod ni Carmine.

"Hindi, talagang natakot ako kanina kasi baka hindi lang 'yon ang nagawa sa akin ni Anthony," malungkot niyang si paliwanag. She wasn't expecting it to happen—for Anthony to do it.

"'Buti na lang talaga dumating si Glenn kanina," dagdag niya at napabuntong hininga.

"Nag-aalala rin kaya sa'yo si Glenn kanina... kasi hindi ka pa raw niya nakikita buong araw," sabi ni Carmine. This made Alishabeth blush.

"Kaya siya na ang nagpresentang magpunta sa Filipino club baka kasi nandoon pa kayo."

"Si Glenn lang pala ang inaantay mong magliligtas sa'yo e. Prince charming," muling pang-aasar ni Madison at kinindatan pa si Alishabeth.

Alishabeth rolled her eyes and face palmed herself. Iyon na naman ang mga kaibigan niyang puro tanong mamaya sa video call nila kung paano siya tinulungan ni Glenn. Alishabeth thought she wouldn't be able to defend herself from what happened, but Glenn came to save her.

"Sige na, umuwi na tayo baka hanapin na tayo ng parents natin. Babae pa naman tayo." Umangkas na si Carmine sa kanyang bisikleta.

"Babae ka pala, Carmine—"

When Destiny Plays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon