The cafeteria was filled with many students minding their own businesses with their friends and spending time with each other. Carmine and Koeli already had their meals while Madison was still busy picking her drink.
Habang namimili si Alishabeth ng makakain niya, may biglang nagtakip sa mga mata niya gamit ang mga kamay nito at hindi nagsalita kaya naman hindi malaman ni Alishabeth kung sino iyon.
"Hoy! Ano ba?!" inis na sabi ni Alishabeth habang sinusubukang tanggalin ang nakatakip sa mga mata niya.
Hindi kayang pigilan ni Glenn ang tawa niya kaya agad na niyang itinanggal ang pagkakatakip sa mata ng dalaga at nang lumingon si Alishabeth, nakita niya si Glenn. Ang una niyang napansin sa binata ay ang suot nitong salamin.
"Hello!" masayang bati ni Glenn habang kumakaway.
Pumulot si Glenn ng tray upang pumili na rin makakain niya habang si Alishabeth naman ay hindi pa rin matanggal ang kakatitig sa kanya. Napansin ito ni Glenn kaya tiningnan din niya ito pabalik.
"Bakit?" tanong niya.
Napalunok si Alishabeth at umiling. "H-ha? Wala..."
Nagsimula na rin siyang kumuha ng makakain niya ngunit wala siyang mapili kundi ang greek salad, tatlong pirasong strawberries at isang water bottle. Binayaran niya ito at agad nang nagtungo sa mga kasama niya habang si Glenn naman ay naiwan doon, pumipili pa rin.
Alishabeth sat down beside Madison who was also busy eating her meal, but took a glance at Alishabeth when she noticed that she had been staring at her.
"Car mine! Ba't mo 'ko iniwan?" tanong ni Paul habang papalapit ito sa table nila.
Uupo na sana ito sa tabi ni Carmine ngunit natigilan siya nang maisip niyang hindi magiging komportable ang iba kung makikiupo siya sa kanila, kaya tumalikod na lang siya at hinanap kung saan nakaupo si Rei, ngunit natigilan siya sa paglalakad nang hawakan ni Koeli ang braso niya.
Napatingin si Paul dito. "You can sit beside Carmine," nakangiting wika ni Koeli.
Mabilis na tumayo si Koeli mula sa upuan niya at lumipat sa kabilang gilid ng table, ngunit hindi pa rin sigurado si Paul kung uupo ba siya o hindi dahil nag-aalala siya na baka hindi maging komportable si Carmine.
"Upo ka na... magkuwentuhan tayo,"
He slowly sat down beside her and placed down his tray on the table. "Sorry kung dito ako nakikisama sa inyo, 'di ko kasi mahanap sila Glenn e." Napakamot si Paul sa batok niya ngunit tinawanan lang siya ni Carmine.
"Ano ka ba? Matagal na tayong magkakaibigang walo, 'no!"
"'Wag ka mag-hesitate na makisama sa amin kasi gusto rin naman naming makasama kayo," sabi naman ni Madison.
"Mas maganda kung mas marami."
Nabaling ang atensyon ni Alishabeth kay Glenn nang dumating ito kasama si Rei. Muling natigilan si Koeli sa pagsubo ng pagkain niya at imbis na hindi pansinin si Rei ay kabaliktaran no'n ang ginawa niya.
"Salamat pala ulit sa binigay mong tubig kanina," pagpapasalamat ni Koeli.
Mabagal na tumango si Rei. "Ah... w-walang anuman..." nauutal-utal na sagot niya.
"Upo na kayo, Glenn." Umusog sina Alishabeth at Madison upang maglaan ng mauupuan para sa dalawa pa nilang kaibigan.
"Nakakangalay kaya maging statue," biro ni Madison.
She heard a chuckle from Rei. Glenn on the other hand, took a glance at the empty seat near Alishabeth. Napansin naman ito ni Madison kaya binulungan niya si Rei na umusog ito para makaupo si Glenn sa tabi ni Alishabeth. Nang mapansin ni Glenn ang ginawa nina Madison at Rei, he gave them a thumbs up.
BINABASA MO ANG
When Destiny Plays
Teen FictionHigh school life, where teenagers experience new occurrences such as admiration, drama, friendship, goals in life and of course, memories. As high school life of Alishabeth Ly starts at Norkin Academy, making new friends will be a huge challenge. Re...