"Ito na ba? Ito na ba ang Norkin Academy?" Mabilis na tanong ni Madison sa kasama niya. Bakas sa mga mukha ng magkaibigan ang saya at pagkamangha nang makita nila ang mataas na gusali ng paaralan.
"Oo... ito na nga," tugon ni Alishabeth kay Madison. Bigla naman siyang nakaramdam ng mahigpit na yakap mula kay Madison at alam niyang dahil ito sa tuwa at saya.
"Ang ganda pala rito." Manghang-mangha pa rin si Madison sa kanyang nakikita.
Mahigpit namang napahawak si Alishabeth sa mga papeles niya upang makapag-enroll na sa paaralang iyon. That would be a dream come true for them to study at Norkin Academy—if they would be able to pass the interview and examination.
"Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa atin mamaya sa interview." Napabuntong hininga naman si Alishabeth. Madison quickly looked at her, held her left hand and gave her a smile.
"Relax lang. I got you buddy," pagbibiro nito.
"Sana all, hindi kinakabahan."
"Bakit naman ako kakabahan? Kung kakabahan ako, mas lalo akong walang maisasagot sa interview—kaya mas pipiliin ko na lang lakasan loob ko," paliwanag ni Madison sa kasama niya. Natulala naman si Alishabeth nang saglit at bahagyang napangiti kay Madison.
"Tara na! Baka humaba pa lalo 'yung pila sa loob. Saka, gusto ko na rin 'to matapos. Kaya tara na." Agad na hinila ni Madison si Alishabeth papasok sa loob ng school.
Mahigpit ang hawak nila sa isa't isa dahil hindi nila gaanong kabisado ang paaralang nilalakbay nila—at bago pa lamang sila roon. Habang nililibot ang unang palapag ng gusali, ang kanilang mga mata ay maiging pinagmamasdan ang kanilang paligid, parang may hinahanap, ngunit hirap silang makita.
"Natandaan mo ba kung saan tayo papasok?" bulong ni Madison kay Alishabeth habang patuloy pa rin sila sa paghahanap kung saan sila nararapat na pumasok para sa interview nila.
Minabuti namang alalahanin ni Alishabeth ang kanyang natatandaan, ngunit bakas sa kanyang mukha na bahagya lamang ang natatandaan niya at hindi pa sigurado kung tama nga ang kanyang naiisip.
"Sa pagkakaalam ko, sa second floor daw 'yon. May nakapaskil sa labas kung do'n nga tayo dapat pumasok," sagot ni Alishabeth kay Madison. Napatigil silang dalawa sa paglalakad at napatingin sa isa't isa.
"Hindi ako sigurado ro'n," dagdag pa ni Alishabeth. She formed a weird smile across her face while scratching her nape.
"Pero mas okay kung tingnan natin sa taas, 'di ba?" Tanong niya kay Madison.
"Okay lang naman din." Madison immediately nodded, agreed with Alishabeth's suggestion.
Saktong-sakto naman nang may makita silang hagdan papunta sa second floor at iba pang palapag. Agad namang umakyat si Alishabeth sa hagdan, ngunit napatigil siya nang tawagin ni Madison ang pangalan niya. Muli siyang bumaba roon at nilibot ang mga mata niya kung saan na nagpunta si Madison. Nang makita niya ito, naroroon ito sa labas ng elavator. Standing there for a moment while waiting for the elevator to open.
She frowned and nudged Madison's left arm. "Maddie, ano ba 'yan!" inis niyang bulong. Tiningnan naman siya nito nang saglit at nang magbukas ang elavator, agad niyang hinila si Alishabeth sa loob.
"Maddie, second floor lang tayo aakyat. Bakit kailangan pang mag-elavator?" She crossed her arms and rolled her eyes.
Hindi na siya sinagot ni Madison. Mas pinili na lang nitong manahimik. Maya-maya, nang magbukas ang elavator, agad nang hinanap ng dalawa ang room kung saan sila dapat na pumasok. Saglit na napatigil si Madison sa paglalakad nang mahagip ng mga mata niya ang kanina pa nila hinahanap. Agad niyang tinawag si Alishabeth at kumatok sa pinto bago pa man sila pumasok.
BINABASA MO ANG
When Destiny Plays
Teen FictionHigh school life, where teenagers experience new occurrences such as admiration, drama, friendship, goals in life and of course, memories. As high school life of Alishabeth Ly starts at Norkin Academy, making new friends will be a huge challenge. Re...