Chapter 18

61 22 82
                                    

Wednesday, second week of July. Habang may lecture sa pang-apat na klase ni Alishabeth sa calculus, taimtim siyang nakikinig ngunit ang iba, halatang hindi interesadong matuto.

"Hindi ko maintindihan kahit ano'ng gagawin ko..." inis na bulong ni Alishabeth sabay kamot nang matagal sa ulo niya.

"Ma'am, good afternoon po." Dinig ni Alishabeth ang pamilyar na boses mula sa labas ng classroom nila.

"Pwede pong pa-excuse kay Miss Ly?" tanong ni Glenn sa subject teacher.

Nang mahagip ng teacher nila ang mukha ni Alishabeth, agad niya itong tinawag. "Miss Ly, may naghahanap sa'yo." Mabilis namang tumayo si Alishabeth at nagpaalam din sa teacher nila bago lumabas bilang respeto.

Nang makalabas sita, hinila ni Glenn ang kamay niya papunta sa gilid ng classroom—kung saan hindi sila makikita. Ayaw na ayaw ni Glenn nang may nakakakita sa kanya lalo na't kung babae ang kausap niya.

"Nakalimutan kong sabihin sa'yo, punta ka sa club mamaya. After ng last class mo. May meeting tayo," paalala ni Glenn dito at agad namang tumango si Alishabeth.

"Lahat ba ng members? E, ang dami natin ah?"

"Hindi naman, kung kaya lang naman maka-attend—"

"Pa'no 'pag ayaw ko—"

"Pa'no 'pag 'di ako papayag na wala ka ro'n?" Unti-unting lumapit si Glenn kay Alishabeth at ngumisi.

"Ano-ano... joke lang naman 'yon e..." napalunok si Alishabeth napapunas sa pawis niya sa noo.

Bahagyang lumayo si Glenn sa kanya. "Nice..." he replied with a smile.

Tumango nang mabagal si Alishabeth  at napagdesisyonan na sana niyang bumalik sa loob ng classroom ngunit muling nagsalita si Glenn, this time he asked.

"Sunduin ba kita o pupunta ka na lang do'n?"

Alishabeth blinked for a few seconds and chuckled. "Ah, pupunta na lang ako ro'n, alam ko naman kung saan 'yon—"

"Sige, susunduin na lang kita." Nagtaka si Alishabeth sa naging sagot ni Glenn.

"Huh? S-sabi ko ako na lang ang pupunta ro'n—"

"Sunduin na lang kita..."

"Baka kasi umaligid na naman si Anthony sa'yo, nag-aalala ako sa sa'yo."

Sa puntong iyon, hindi malaman ni Alishabeth kung ano ang mararamdaman niya. Kung kikiligin ba siya o magtataka.

"Pasok ka na sa room mo. Good luck sa class mo." Bago pa man siya makapasok sa classroom, sinundan siya ni Glenn hanggang sa pintuan upang magpaalam na rin.

"Ma'am thank you po," pagpapasalamat nito.

Bumalik si Alishabeth sa upuan niya nang may ngiti sa labi niya at napansin niya ang mataray na titig ni Sabrina sa kanya. More like a stare fused with jealousy.

***

Nang matapos ang kanilang fourth class, Nagmadaling magpunta si Alishabeth sa restroom—pagpasok niya sa loob, nahagip ng mga mata niya si Sabrina na abala sa paglalagay ng liptint sa labi nito.

Alishabeth stared at her for a moment and flashed a smile. She thought Sabrina would do the same, but instead of doing the same—she just gave her a glare. Ikinagulat naman ito ni Alishabeth dahil wala naman siyang ginagawang mali kay Sabrina, at mas lalong hindi naman niya ito tinatarayan. Hindi na lang niya masyadong pinansin si Sabrina at agad nang lumapit sa lababo para maghugas ng kamay niya. Habang naghuhugas, ramdam niya ang titig ni Sabrina kanya. It felt so awkward and random for Alishabeth.

When Destiny Plays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon