Epilogue

128 22 80
                                    

Kasalukuyang dinala ni Glenn si Alishabeth sa isang park kung saan dati na rin nilang napupuntahan at ginagawang tambayan, ngunit ang hindi alam ng dalaga ay may nakahandang surpresa para sa kanya.

"Wow! Ang ganda naman dito!" Alishabeth exclaimed happily when her eyes noticed the picnic set in front of her.

Beautiful and simple effort that Glenn did for the both of them. Alam niyang gusto rin ng dalaga ang gano'ng set up kaya iyon ang napili niya para sa kanilang dalawa, ngunit ang totoo ay wala siyang kaalam-alam kung hanggang kailan siya mag-aantay para sa sagot ng dalaga, but he was willing wait for her no matter how long it would take.

"Salamat pala sa pinic na 'to... para sa... akin," pagpapasalamat ni Alishabeth.

"Welcome, upo tayo." Bago pa man hawakan ni Glenn ang kamay ni Alishabeth, maigi niyang tiningnan ito sa mata.

"Hmm, kaya ko naman."

It felt awkward for the both of them at that point. Kahit gaano pa man sila kalapit sa isa't isa, may mga pagkakataong magkakahiyaan pa rin ang dalawang taong malapit sa isa't isa, lalo na't ang lalake ay nanliligaw.

It may be awkward, but both of them needed to get used to it since their friendship would be more than just a friendship once she accepted him for her.

"Talagang kinuha mo ang best spot para sa—"

"Friendly date," pagtatapos ni Glenn para kay Alishabeth na may ngiti sa kanyang labi.

"Friendly... date..." dismayadong bulong ni Alishabeth sa sarili niya.

"Naalala mo pa ba kung kailan tayo unang nag-meet?" tanong ni Glenn.

Matagal silang nagkatitigan nang muling itanong ni Glenn ang pangyayaring iyon kay Alishabeth. She felt embarrassed about it, but for Glenn it was usual.

"'Yung pagkalabas ko... saktong-saktong nabangga ako sa'yo." Hindi mapigilan ni Alishabeth ang ngiti niya nang muling maalala ang mga pangyayari noon.

"Natakot nga ako baka nagkasugat ka pa e... bakit ka nga ba kasi nagmamadali?" tanong ni Glenn na nagpipigil ng tawa niya.

Alishabeth face palmed herself after laughing. "Kasi... bukas-patay 'yung ilaw sa loob ng comfort room kaya ayon, natakot ang gaga... nagmadaling umalis."

Ang kuwento ni Alishabeth ang naging susi upang mapatawa si Glenn habang siya naman ay napapakamot na lamang sa kanyang ulo. The best memories are the ones that are being said again that contains humor in it.

"Saka nagtaka talaga ako... naalala mo ba nung sabay-sabay tayong walo sa jeep?" Agad namang tumango si Glenn nang matanong iyon ni Alishabeth.

"Naalala ko... alam mo na pangalan ko no'n e, stalker ka ata e..." biro niya at pinanliitan niya ito ng mata.

Glenn frowned at him and chuckled. "Nakita ko ID mo... nakaharap kasi sa 'kin kaya... nalaman ko ro'n ang pangalan mo," paliwanag naman ni Glenn. Dahan-dahang tumango si Alishabeth. Her problem was solved.

Muli namang napakamot sa Alishabeh sa batok niya. "Halos isang taon ko 'yong inaalam e, 'yon lang pala..." sabi niya sabay tawa.

Nagkaroon muli ng katahimikan sa pagitan nila, ngunit muling nagbigay si Glenn ng panibagong pag-uusapan para sa kanilang dalawa. An interesting topic to him.

"May I ask you, what have you learned from our friends?" he asked out of nowhere.

"Hmm? Bakit mo naman natanong?"

When Destiny Plays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon