Chapter 39

58 21 46
                                    

"Maddie!" Mabilis na lumapit si Alishabeth kay Madison at niyakap ito.

"Hello sa inyo," she greeted them with a husky voice. Hindi pa gaanong maayos ang pakiramdam niya kaya medyo nanghihina pa siya.

Inalis ni Alishabeth ang pagkakayakap niya at dinala si Madison sa mga kaibigan nilang naroroon sa cafeteria, nag-aalmusal. Habang naglalakad sila papasok sa loob ng school building, may natanong si Madison sa kanya na hindi niya aakalain na malalaman ni Madison.

"Nanliligaw na sa'yo si Glenn?" Nanlaki ang mga mata ni Alishabeth nang marinig ito mula kay Madison.

Bumagal ang paglalakad nila at ang titig ni Alishabeth ay dahan-dahang napunta kay Madison. Hindi alam kung ano at paano siya sasagot nang maayos.

"P-paano mo... nalaman?" nagtatakang tanong ni Alishabeth na may halong pagkahiya.

Madison rolled her eyes and chuckled after seeing how her best friend reacted. Doon niya nalaman na totoo nga ang nais niyang itanong kay Alishabeth.

"Sinabi sa 'kin ni Blake, kinuwento ng kuya niya sa kanya e," sagot naman ni Madison.

Bakas sa mukha ni Alishabeth ang pagkadismya nang malaman niya iyon. "Si Glenn talaga, pinapaalam na lang sa lahat..."

"Kapatid niya naman 'yon e saka... sa atin-atin lang naman," bulong ni Madison upang walang makarinig.

For Alishabeth, she has the rights not tell it to everyone since it wasn't a public matter, but after knowing that Glenn already told it to their friends, she does realized she shouldn't hide it anymore. Better tell it already than to hide it.

"Nakakahiya... kasi," nahihiyang bulong ni Alishabeth pabalik.

As they walked along the corridor. Alishabeth crossed her arms when her eyes spotted Glenn approaching them. Madison also saw him with a smile on his face.

Nang makalapit ito sa dalawa, ngiti ang bumungad sa kanila. "Hello! Kumusta ka na, Maddie?" tanong ni Glenn.

"Okay naman na ako, medyo hindi lang gaanong maayos 'yung boses ko," sagot naman ni Madison.

"Pagaling ka pa, miss ka na namin lahat."

Lumapit pa ito nang kaunti kay Madison. "Lalong lalo na si Blake," dagdag nito sabay kindat kay Madison.

Madison tried her best not to blush, but she couldn't avoid it. She took a deep breath and grinned as she tried to act normal again.

"Ikaw ha, sinasabi mo na agad." Nabaling ang atensyon ni Glenn kay Alishabeth nang magsalita ito at ang tono ng boses ay may halong inis.

Sinubukang iwasan ni Glenn ang nasabi sa kanya ng dalaga ngunit kahit ano ang iwas na gawin niya, wala iyong epekto at imbis na sumagot siya ay napakamot na lamang siya sa ulo niya. Nakaramdam siya ng hiya nang mapagsabihan siya ni Alishabeth.

Alishabeth frowned at him and raised an eyebrow. "S-sorry, 'di ko alam na ipagsasabi pala niya 'yon," tugon niya habang nakaiwas sa titig ni Alishabeth.

"Daig mo pa 'yung tatay na nagsasabing buntis ang asawa niya." Natawa si Alishabeth nang marinig niya iyon mula kay Madison.

Nakitawa na rin si Glenn sa kanila upang malimutan ni Alishabeth ang inis nito sa kanya ngunit nang tumigil sila sa pagtawa, muling ibinalik ni Alishabeth ang tingin niya kay Glenn at tiningnan siya nang seryoso.

"Hindi ko na uulitin, promise." Tinaas niya ang kanang kamay niya at mabilis na tumango ngunit hindi siya pinakinggan ni Alishabeth.

"'Yan ang kadalasan sinasabi ng mga umuulit pa rin," pang-aasar ni Madison.

When Destiny Plays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon