Chapter 25

71 21 31
                                    

"Tuesday na pala, birthday na bukas ni Rei," paalala ni Eunice kay Sabrina habang abala siya sa pagwawalis sa garden.

"Sana maging masaya si Rei sa napag-usapan nating plano," nakangiting sabi ni Eunice ngunit hindi pa rin siya nakakatanggap ng sagot mula kay Sabrina.

Tinigil ni Eunice ang pagwawalis at tiningnan si Sabrina. "Rina?" Agad namang nabaling ang atensyon ni Sabrina kay Eunice.

"Bakit?"

"Okay ka lang? Kanina ka pa nakatulala." Agad namang tumango si Sabrina at tumayo mula sa pagkakaupo niya sa bench.

"Pupunta muna ako ng library, gagawin ko lang 'yung assignment na hindi ko natapos." Binitbit ni Sabrina ang bag niya, tumalikod mula kay Eunice at naglakad papalayo sa garden habang si Eunice naman ay nagtatakang pinagmamasdan si Sabrina habang naglalakad.

***

Habang wala pang gumagamit ng ibang computers sa library, pumili siya ng isang computer na gagamitin at doon na umupo. Mabilis niyang inisip muli ang naplano niya kanina. Her hands began to type very quickly to not forget what she had thought. Sabrina focused on finishing it and she had managed to type thousands of words in just 10 minutes. She was very satisfied with the outcome, so she immediately asked the librarian to print her work.

After the librarian clicked the print button, the printer began to release Sabrina's printed work. After waiting for 5 minutes, Sabrina got the sheet of bond paper and handed the fee to the librarian—thanked her and stepped out from the library.

She read the paper she was holding. "Okay na 'to," she whispered.

Biglaang nahagip ng mga mata niya si Koeli nang makasalubong niya ito sa hallway. Maraming tao roon ngunit si Koeli ang unang-una niyang nakita. She wanted to ask something from Koeli to complete her plan.

"Koeli!" Napatigil si Koeli sa paglalakad at mabilis na hinanap ang tumawag sa kanya.

Koeli spotted Sabrina, but Sabrina approached her first. "Bakit?" tanong ni Koeli.

"I need you to sign this paper, it's something important to me." Koeli was about to read what was written in the paper, but Sabrina didn't let her.

She quickly snatched the paper from Koeli and smiled awkwardly. "Personal letter ko 'to, I only need your sign here." Koeli frowned. Bakas sa mukha niya ang pagtataka nang muli niyang pagmasdan ang mukha ni Sabrina.

"Then why won't you let me read it if you need my sign?" mataray na tanong ni Koeli. She offered her right hand to take the paper from Sabrina.

Sabrina just rolled her eyes and gave Koeli a glare before handing the paper to Koeli's hand. "Plus letter mo 'yan, hindi ba't signature mo dapat ang makikita rito?" muling tanong ni Koeli sa kanya.

"Assignment ko 'to sa philosophy, alam mo naman... lahat ng assignments sa philosophy kailangan may sign ng leader." Koeli looked away from her and thought for a moment.

"'Di ba leader kita sa philosophy?" tanong ulit ni Sabrina.

Koeli immediately nodded. "Ah... oo nga pala, let me sign it..."

"Pero 'di letter ang tawag d'yan." Koeli signed the paper and gave it back to Sabrina.

"Essay 'yan," sabi ni Koeli ngunit nginitian lamang siya ni Sabrina, which was really awkward and weird for Koeli because that was the first time Sabrina smiled at her like that.

"Salamat pala, una na ako!"

"Suspicious..." iyon lamang ang tanging nasabi ni Koeli at muling napaisip.

When Destiny Plays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon