Chapter 33

62 23 25
                                    

Two months had passed after the confrontation happened in the office. Dalawang buwan na ang nakalipas nang putulin na niya ang koneksyon niya kay Rei. She could tell that she was already living her life to the fullest—though there were still some problems she had been encountering—she would always be grateful to God.

"August 28, year 2020. You're officially a member of the dance club." She shook the hand of the person in front of her while they were smiling at each other.

"Welcome to dance club," Tori happily welcomed her.

"Thank you..."

"Thank you for everything, Tori."

She was already speaking to the person who testified and helped her since the beginning of her suffering. Grateful as always to the person who helped her, Tori Becker.

***

"So, how are you?" tanong ni Alishabeth.

"I'm doing fine." Glenn sat down beside her under the tree and stared into the sky. The cerulean sky filled with white clouds. It made him wonder how beautiful it was.

"Ang ganda ng langit, how I wish to touch it someday." Alishabeth pointed her finger in the sky, wanting to feel the beautiful sky too.

"Noong bata rin ako, gustong-gusto kong mahawakan ang langit... lalo na ang mga ulap." Nagsimulang magkuwento si Glenn at habang hindi pa nagsisimula ang klase nila, nagkuwentuhan muna sila ni Alishabeth sa naging paborito nilang tambayan.

"Pero no'ng lumaki ako, iba na ang langit at ulap." Napalitan nang malungkot na tono ang boses ni Glenn.

"Bakit naman?"

"Hindi na tulad dati. Iba na talaga ang panahon ngayon..." bumuntong hininga si Glenn at napapikit.

"Ayaw ng mga taong tigilan ang ikasisira ng mundo natin. Kahit bawasan lang nila." Tumango si Alishabeth sa nasabi ni Glenn.

Naiintindihan ni Alishabeth ang pinupunto ni Glenn sa kanya. Malayong iba na ang panahon noon at sa kasalukuyan. Noon ay mas malinis at mapayapa ang mundo, ngunit ngayon, punong-puno na ng himagsik at karumihan.

"Kawawa ang mga hayop. Iba na talaga ang kasamaan ngayon. Sobra-sobra na."

Napahawak si Alishabeth nang mahigpit sa panyo niya at bumuntong hininga. Bawat salitang binabanggit ni Glenn sa kanya ay ramdam na ramdam din niya. Bago pa man maibuka ni Alishabeth ang bibig niya, naiba na ang kanilang pinag-uusapan dahil may nabanggit si Glenn sa kanya.

"By the way, photography, computer and writing club will merge."

Nanlaki ang mga mata ni Alishabeth. "Wow? Talaga?"

"Kasi kailangan sa writing club ng pictures at editing kaya nag-merge kami nina Rei at Shea." Dinig naman ni Glenn ang pagpalakpak ni Alishabeth.

"Since kasali tayo sa photography club, wala na tayong problema ro'n kasi nag-merge naman na."

Napansin ni Glenn ang ekspresyon ng mukha ni Alishabeth nang mapunta ang tingin niya sa dalaga, biglang nawala ang ngiti ni Alishabeth. Parang may gustong sabihin ngunit nag-aalinlangan siya.

"Okay ka lang?" mabilis naman niyang tanong kay Alishabeth habang nakasilip sa mukha nito. Tango lamang ang sagot sa kanya ng dalaga.

"May problema ba?" tanong ulit ni Glenn.

"A-ano kasi... hindi ako gaanong marunong sa pagkuha ng l-litrato..." nahihiyang pinaalam ni Alishabeth.

"Landscape photography ka 'di ba?" tanong ni Glenn at agad naman itong tumango bilang tugon.

When Destiny Plays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon