Chapter 8

76 24 29
                                    

"Hindi ka ba marunong gumamit ng bike?" Tanong ni Alishabeth kay Madison habang inaayos ang kadena ng bisikleta ni Madison.

Nabaling ang atensyon ni Carmine kay Koeli at binigyan ito ng tingin na may pagtataka dahil sa kinikilos ni Koeli sa araw na iyon.

"How are you? Are you okay?" pabulong niyang tanong kay Koeli.

Agad namang tumango si Koeli at matamlay na ngumiti. "Yeah, I'm fine."

Pati na rin ang ibang kasama nila ay may napapansin sa mga ikinikilos ni Koeli ngunit alam naman na nila ang dahilan kung bakit matamlay si Koeli.

"Basta 'pag may problema ka,, nandito lang kami para sa'yo," Alishabeth sadid to comfort Koeli.

"Huwag lang daw problem sa math kasi wala rin daw siyang solution do'n." Nakuha pang magbiro ni Madison sabay turo kay Alishabeth na mataray ang titig sa kanya.

"Mas mabuti sigurong kung iwan ka na lang dito, Maddie."

"Maglakad ka na lang," inis na sumbat ni Alishabeth, may halong pagkapikon sat ono ng boses niya ngunit nagbibiro lamang.

"Sorry na. High blood ka na naman. Kawawa ang bata sa sinapupunan," sarkastikong sabi ulit ni madison sabay hawak sa tiyan ni Alishabeth.

Sasampalin na sana ito ni Alishabeth sa sobrang inis ngunit imbis na ituloy niya, hinagod-hagod niya lang ang likod ni Madison. She tried her best to stay calm since it was just a joke.

"Akala mo sasampalin kita? Ikaw lang naman nananampal sa atin e."

"Tara na. Sa pagkakaalam ko may important announcement ngayong araw ang principal." Pagkasakay ni Carmine sa bisikleta niya, inilagay niya ang backpack niya sa basket sa harapan ng bisikleta.

Sumunod namang umangkas si Koeli sa bisikleta niya at inayos na ang upo niya. Habang si Alishabeth naman ay aangkas na, napansin niyang kinakabahan si Madison. The one who requested to use their bikes.

"Maddie, sakay na!" utos ni Alishabeth kay madison. Habang pasakay ito ng bisikleta niya, hindi maiwasang manginig ng mga kamay niya dahil na rin sa kaba at takot niya.

"Hala! Ikaw kaya nagyaya sa amin mag-bike tapos ikaw pa pala takot. Maddie ah..." biro ni Carmine kay madison na hanggang ngayon ay kabado pa ring umangkas ng bisikleta niya.

Isa-isa niya silang tiningnan. "Sakay niyo na lang ako, guys—" bago pa man niya matapos ang sasabihin niya, sabay-sabay na nagsalita ang mga kasama niya.

"Bawal daw 'yon girl, sabi sa batas natin," pagbibiro ni Carmine.

"Oo nga, kaya mo 'yan, ginusto mo 'yan e," pang-aasar naman ni Koeli na sinundan ni Alishabeth.

"Makulit ka ah... suggest-suggest ka pa d'yan—"

"Ito na nga e, sasakay na 'di ba?" inis niyang sumbat sa kanila.

Habang sumasakay si Madison sa bisikleta niya, iba't ibang motivaton ang naririnig niya mula sa kaibigan niya, ang iba ay may pagkasarkastiko. Nang makaangkas siya sa bisikleta niya, nakarinig siya ng palakpak mula sa mga kaibigan niya dahil achievement na ito ni Madison para sa kanila.

"Relax lang,'wag ka matakot. Matakot ka kung kumalas-kalas'yang bisikleta mo."

"Yari ka ro'n," dagdag pa ni Koeli.

"Una na kayo. Susundan ko na lang kayo. Dito lang ako sa likod," saad ni Madison. She was still having a hard time controlling the bike.

Pinangunahan sila ni Carmine na agad namang sinundan ni Alishabeth at Koeli. Nasa pinakahuli si Madison. Hirap siya sa pagpadyak dahil hindi niya matanggal ang kaba sa dibdib niya, ngunit nang maging pamilyar muli ang kanyang mga kamay at pa asa pagbibisikleta, nakaya naman niya ang pagbablanse nito.

When Destiny Plays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon