Chapter 46

52 22 22
                                    

One day to go before the day of their field trip, students still have one day to prepare for their incoming field trip. Para kay Alishabeth, pakiramdam niya ay marami na ring tao mamaya sa mall. Dagsa dahil mamimili na ang mga estudyante.

"Excited ang lahat!" sabi ni Madison habang kasamang naglalakad si Alishabeth.

Tumango naman si Alishabeth. "Of course! Gano'n din naman ako e," sagot niya.

"Oo nga pala, bakit 'di mo kasabay si Glenn ngayon?" nagtatakang tanong ni Madison.

Ngumisi si Alishabeth at tumingin sa kasama niya. "Miss kita e, ikaw naman gusto kong makasama... yieee kilig."

Alishabeth was trying to hide the truth from her friend, but Madison could sense it. Alishabeth's her best friend for so long, it's impossible for her not to notice anything unusual from Alishabeth.

"Nako... wala kang maloloko rito, ano ba talaga kasi ang nangyari kahapon?" muling tanong ni Madison, pinipiga ang kaibigan niyang sumagot nang maayos.

Muli namang inalala ni Alishabeth ang pangyayaring nakita niya kahapon bago pa man sila makauwi. Inaamin niya sa sarili niya na hindi niya gaanong nagustuhan ang nakita niya, lalo na't nililigawan siya ng lalaking iyon na may ibang kayakap na babae kahapon.

"Ano na? Ano ba nangyari?" sunod-sunod na tanong ni Madison.

"Dapat pa ba 'yon sabihin? 'Wag na lang kasi..." naiiritang sabi ni Alishabeth.

"Sabihin mo na, tayo lang naman makakarinig e." Pinilit niya itong pagsalitahin dahil gusto rin niyang malinawan.

Bumuntong hininga si Alishabeth at napakamot sa ulo niya. Nang makapasok sila sa loob ng building, doon lang siya nagsimulang magkuwento.

"Nakita ko kasi... kayakap ni Glenn si... Sabrina," bulong ni Alishabeth kay Madison.

"O, tapos?"

Dahan-dahang inilipat ni Alishabeth ang sarili niya kay Madison. "Nanliligaw 'yon sa 'kin! Tapos makikita ko may kayakap na iba?!" Halata sa mukha niya ang panggigigil nang masabi niya iyon kay Madison.

Madison understood her friend at that time. She was right since it wasn't appropriate to see, but for Madison, it was just a friendly gesture, or maybe Sabrina gave something to Glenn and he thanked her in that way.

"So, nagseselos ka?"

Alishabeth's facial expression changed as she heard Madison's question. She tried to hide her already blushing face but she couldn't.

"Alam naman natin na gusto mo rin si Glenn, 'wag mo nang itago."

Tanda pa rin ni Alishabeth noong mga panahong hindi pa sila gaanong malapit ni Glenn sa isa't isa at tandang-tanda niya ang pag-aming ginawa niya kay Madison tungkol kay Glenn.

"Naalala mo ba 'yung sinabi mo no'ng nag-interview ka?" Madison quickly stepped in front of Alishabeth's path and faced her to examine Alishabeth's facial expression.

Alishabeth immediately remembered what she had said when she had her interview before the first day of school started. It was very awkward for her when she remembered what she had said towards the interviewer.

"I can confess what I feeling towards the person I admire."

"Without hesitation..."

"Without uneasiness."

Napatakip na lang siya sa mukha niya at umiwas ng tingin kay Madison na nakangisi. "Bakit 'di mo 'yon gawin ngayon? Sabi mo kaya mo 'di ba?" hamon ni Madison kay Alishabeth ngunit hindi siya nito pinansin.

When Destiny Plays Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon