Alishabeth woke up early to prepare for her school later. She made breakfast for the whole family and everyone would be leaving the house. Her mom and dad would be at their work and her two other siblings would be at their school just like her.
"Ate, nakita mo po ba 'yung sapatos ko?" tanong ni Lara habang nagmamasid-masid.
Nang mailagay na ni Alishabeth ang naprito niyang ulam sa plato, inilapag niya ito sa lamesa at nagpunta malapit sa kanilang pintuan kung saan naroroon nakalagay ang mga sapatos nila.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga sapatos at nang makita niya ang kanyang hinahanap, agad niya itong pinulot. "Ito pala e, may medyas ka na ba?" tanong ni Alishabeth.
"Opo, ate..." matamlay namang sagot ni Lara dahil antok na antok pa ito.
"Kain na kayo rito, nasaan na si ate Atasha mo?"
Bumalik si Alishabeth sa kusina at naghanda na ng mga plato, kutsara at tinidor. Inilapag ang mga ito sa kanilang hapag-kainan at umupo.
"Tagal nila ah, suot ko na nga uniform ko," bulong niya sa sarili niya.
Agad siyang tumayo mula sa upuan at umakyat sa kuwarto. Nang buksan niya ang pinto at makita ang uniporme niyang nakapatong sa kama niya, pinulot niya ito at isinuot. Maya-maya ay nakarinig siya ng tunog mula sa cell phone niya, nakitang tumatawag si Glenn.
"Hello, gorgeous." Hindi pa nakakapagsalita si Alishabeth, agad na siyang binati ni Glenn.
Tumingin siya sa salamin at lumapit pa nang kaunti, she realized she was blushing.
"H-hello...." she said while stuttering.
"Susunduin ka ba ng school bus ngayon?" tanong ni Glenn sa kanya.
Tinaas niya ang isang kilay niya nang magtaka. "H-ha? Hindi... bike lang ako ngayon," sagot niya.
Habang kausap si Glenn, naisipan na niyang ayusin ang mga gamit niya para wala na siyang gagawin at agad na siyang makakaalis, kaya inilagay na niya sa loob ng bag niya ang lahat na kakailanganin niyang gamit.
"Hindi mo kasama si Maddie?"
"Hindi e, sabay raw sila ni Blake ngayon." Dinig ni Glenn ang pagbuntong hininga ni Alishsbeth nang matapos itong magsalita.
"Oh..." he mumbled. He suddenly got an idea. A very great opportunity for him to be with Alishabeth.
"Sunduin kita—"
Nanlaki ang mga mata ni Alishabeth. "Hala! 'Wag na! Nakakahiya, ano ka ba naman!"
After scolding Glenn for a few minutes, she smiled. She likes it but she just got a little too shy since she wasn't prepared for it and she didn't have any idea that Glenn would ask her that kind of question.
"Okay lang, hindi ka naman nakakaabala sa 'kin."
She couldn't stop blushing when Glenn suddenly said that. Her face got redder. Para sa kanya, hindi siya gaanong kinilig ngunit napapangiti siya ni Glenn nang wala sa oras.
"Kumain ka na ba?"
"Hindi pa nga e—" before she could even finish her answer, Glenn spoke.
"Kain na, aba!" he scolded her.
"I'll be there later, wait for me."
Hindi na nakapagsalita si Alishabeth. Her new nickname 'gorgeous' made by Glenn was making her a bit shy. It may be cringe for the others, but for her, she likes it. She really likes it when Glenn started calling her using that nickname.
![](https://img.wattpad.com/cover/227197544-288-k14003.jpg)
BINABASA MO ANG
When Destiny Plays
Teen FictionHigh school life, where teenagers experience new occurrences such as admiration, drama, friendship, goals in life and of course, memories. As high school life of Alishabeth Ly starts at Norkin Academy, making new friends will be a huge challenge. Re...