Habang hindi pa nagsisimula ang klase, naisipan muna nilang tumambay sa school ground, sa ilalim ng puno kung saan ngayon ay nagkukuwentuhan. Just a normal day having a conversation with friends and spending most of their time studying.
"Open na po ang cooking club! Pwedeng-pwede na po kayo sumali!" anyaya ni Olivia, ang leader.
"Ang hindi sasali sa cooking club, hindi papalarin sa jowa!" biro nito habang winawagayway ang papel na hawak niya.
Some students believed her and asked for a copy and she gladly gave them each. "Ang bilis naman nila mauto," bulong ni Koeli habang nakatitig kay Olivia na inaabot ang forms sa mga gustong sumali.
"Hindi ko napapansin 'yung leader ng dance club na nagbibigay ng forms—" bago pa man matapos ni Carmine ang sasabihin niya, inunahan na siya ni Koeli.
"Marami naman kasing sumasali ro'n kahit 'di siya mag-invite."
Mabagal na tumango si Carmine. "Sa bagay."
Before Carmine and Koeli could even forget the stuffs they bought for their best friends, they made sure they already prepared the paper bags to surprise Alishabeth and Madison.
"Nga pala, may surprise kami sa inyo." Bago pa man ilabas nina Carmine at Koeli ang kanilang surpresa, nagtama ang kanilang mga mata na para bang may pinapahiwatig sa isa't isa.
"Pero bago 'yon dapat pumikit muna kayo," utos ni Koeli.
"Okay, okay."
Agad namang pumikit ang dalawa. Habang nakapit, dinig ng mga tainga nila ang kaluskos ng parang papel ngunit hindi nila malaman kung ano ang bagay na iyon.
"Ano? Buksan na ba namin?" Tanong ni Madison na nakapikit.
"Sige, 1... 2... 3!" They both opened their eyes at the same time and immediately saw the gifts Carmine and Koeli bought for the both of them.
"Wow! I can use this for my paintings!" Madison exclaimed happily.
Sa sobrang saya ay napapalakpak pa siya. Madison suddenly wrapped her arms around Carmine and Koeli and thanked them multiple times.
"Totoo ba...'to?" tanong ni Alishabeth, hindi makapaniwalang hinahawakan niya ang mga gamit na hindi niya pinagkagastusan.
"Actually, may bayad 'yan." Nalipat ang titig ni Alishabeth kay Carmine at seryosong mukha ang bumungad kay Carmine. "Joke! Para sa inyo talaga 'yan."
"Thank you, thank you, thank you!" Mahigpit niyang niyakap ang dalawang kaibigan niya.
"Gagamitin ko talaga 'to araw-araw... pero..." Alishabeth grabbed the paper bag.
"Pero?" tanong ni Koeli.
"Pa'no n'yo nalamang mahilig ako mag-drawing?" Tinasaan niya ng kilay ang dalawa nang magtanong.
"Don't get me wrong, nakuwento mo kaya sa 'kin 'yon last time," maikling paliwanag ni Koeli ngunit bakas pa rin sa mukha ni Alishabeth ang pagtataka. She couldn't remember when was the time she said it.
"Basta, ang importante mahilig tayong lahat sa arts." Wala pang ilang minuto nang matapos magsalita si Carmine, muli siyang nakatanggap ng yakap mula kay Madison at sa pagkakataong ito, nakiyakap na rin si Alishabeth.
"Ang 'bait n'yo talaga. Ang swerte ko sa inyo!" nanggigigil na banggit ni Madison.
"Salamat din pala, Alisha. Do'n sa essay ko na pinagtulungan natin kahapon." Gusto man siyang halikan ni Madison sa pisngi bilang pagpapasalamat niya, ngunit pilit na inilalayo ni Alishabeth ang sarili niya rito. She's very conservative.
BINABASA MO ANG
When Destiny Plays
Teen FictionHigh school life, where teenagers experience new occurrences such as admiration, drama, friendship, goals in life and of course, memories. As high school life of Alishabeth Ly starts at Norkin Academy, making new friends will be a huge challenge. Re...