While waiting for the school bus to arrive, they immediately waited outside. Bakas sa mukha nila ang antok, walang gana at pagod dahil hindi sila masyadong nakatulog nang maayos kagabi.
"Inaantok pa ako," pagmumukmok ni Madison habang nag-aantay sa labas ng bahay nila Carmine.
"Bakit kasi ala una na tayo natulog?" Tanong naman ni Alishabeth na papikit-pikit din at namumula pa ang mga mata.
"Kayo kasi e, ang dami niyong kuwento. Alive na alive pa rin kayo kahit alas dose na ng madaling araw." Humikab si Koeli nang matapos siyang magsalita at agad na pinunasan ang luha sa mga mata niya.
"Mas gusto ko na lang sigurong matulog mamayang lunch time kaysa kumain." Bumuntong hininga si Carmine at kinamot ang mga mata niyang naluluha rin.
Dinig nila ang pagtigil ng school bus sa harap ng bahay nila Carmine, agad na nagbukas ang pinto at pinapasok silang apat sa loob. Everybody was staring at them while they were walking—started whispering to each other as they continue to stare at the four. Napatigil na lang sila nang madinig ang bati ni Eunice.
"Hello!" bati ni Eunice nang makita sila nito at ang katabi naman nitong si Sabrina ay tahimik lang na nakikinig ng tugtog sa earphones niya ngunit nang mapunta ang atensyon niya sa apat at nakita si Alishabeth, bigla itong nagtaray.
Napansin naman ni Alishabeth ang pagtaray ni Sabrina ngunit hindi na niya ito tinanong kung bakit. Mas importante sa kanya ang makapagpahinga kahit na saglit lamang kaysa kausapin ang taong galit sa kanya pero wala naman siyang ginagawang masama. Nang masulyap ng mga mata ni Alishabeth ang mga bakanteng upuan, mabilis niyang tinawag ang mga kasama niya. Nang makaupo si Alishabeth, isinandal niya ang likod niya sa upuan, huminga nang malalim at ipinikit ang mga mata.
"Koeli, kumusta?" Minulat ni Koeli ang isa niyang mata at tiningnan si Eunice.
"Ayos lang naman," sagot niya at muling ipinikit ang kanyang mga mata. Iniiwasang muling makarinig ng tanong mula kay Eunice.
Gusto man niyang makausap si Eunice, hindi niya magawa dahil inaantok siya at pagod ang katawan niya kahit na wala pa siyang masyadong nagagawa sa araw na iyon.
"Pagod siguro kayo. Sige, magpahinga muna kayo..." mahinahong sabi ni Eunice.
"At sana pala makausap kita kahit saglit lang. Gustong-gusto kasi kita maging kaibigan."
Part of Koeli was willing to respond but she wasn't sure how to respond. She couldn't express her negative feelings toward Eunice because those feelings contains jealousy and hatred. May mga pagkakataon na hindi niya gusto ang nakikita niya kay Eunice dahil madalas itong makasama ni Rei pero hindi naman niya masisisi si Eunice kung ito ang mas gustong makasama ni Rei kaysa sa kanya.
That was why she felt guilty most of the time, she always regret her actions when it comes to Eunice—knowing that the precious lady didn't do anything wrong to her—it was all because of Rei, only Rei. Walang masamang ginagawa si Eunice sa kanya, nagiging masama lang ang tingin niya rito dahil kay Rei. She sees the person she admires with Eunice and then the conflict comes in.
"Hmm, pwede naman..." matipid niyang tugon kay Eunice.
Habang pinagmamasdan naman siya ni nito, hindi maiwasang malungkot ni Eunice dahil alam at ramdam niya ang inis na tinatago ni Koeli sa kanya dahil mas malapit siya sa taong gusto nito. Eunice knew it from the beginning, alam niyang gusto ni Koeli si Rei ngunit hindi ito nagpapakita ng interes sa dalaga kaya naman doon nalulungkot si Eunice.
She recognized that she was picked over Koeli. Though she only sees him as a friend. The guy seems to like her a lot, but she still wasn't sure. She tried to put herself in Koeli's shoes, tried to empathize, and she recognized how hard it was for Koeli, how it hurts.
BINABASA MO ANG
When Destiny Plays
Teen FictionHigh school life, where teenagers experience new occurrences such as admiration, drama, friendship, goals in life and of course, memories. As high school life of Alishabeth Ly starts at Norkin Academy, making new friends will be a huge challenge. Re...