Simula

1.2K 31 0
                                    

"Nasa'n ako?"






Iyon kaagad ang tanong na lumabas sa bibig ni Kiira ng imulat niya ang mga mata niya.






Bumangon siya mula sa pagkakahiga at napansin na nasa tabi siya ng basurahan.






"Bakit ang dungis ko?" Tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang katawan na puno ng dumi at gano'n din ang damit niya.






Tumayo siya at nagsimulang maglakad mula sa maliit na iskinitang kinaroroonan niya. Nang makalabas ay natulos siya sa kinatatayuan gano'n din ang mga naglalakad sa kalsada.





Bakit gan'yan ang itsura nila? May fox festival ba? Tanong niya sa sarili habang nakatingin sa mga taong may dalawang tainga at mahabang buntot.





"Ang pangit niyang alaga."





"Mukhang pinabayaan na ng amo."





"Sayang siya para itapon."





Iyon ang samu't saring bulungan na narinig niya sa mga taong nag-umpisa nang maglakad. Kita niya ang awa sa mata ng mga ito habang ang iba ay walang pakialam.





"Uhm... Sandali lang..."





Sinubukan niyang kumausap ng isa sa mga ito pero nagsisilayuan ang mga ito sa kanya kaya napaatras siya.

A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon