CHAPTER 2

26 0 0
                                    

CHAPTER 2

Pinilit kong alisin sa mukha ko ang pagkabusangot nito. Ayokong makita ako ng mga pinsan ko na ganito, for sure aasarin lang nila ako lalo na pagnalaman nilang may nakilala akong lalaki. Mali pala, hindi ko pala siya kilala dahil hindi ko naman alam ang name niya. Napatingin ulit ako sa langit at halos mapanganga dahil sobrang ganda na ng nasa harap ko. Binaling ko ang tingin ko kung saan ako nakapwesto kanina at nandoon pa rin yung lalaki na sumira sa mood ko. I don’t know pero naiinis ako sa kaniya sa hindi malamang dahilan. Siguro it’s because of his jokes na hindi naman nakakatawa or it’s because of his prescense or baka naman dahil hindi ko lang siya talaga kilala.

Napabuntong hininga ako dahil eto talaga yung hinihintay ko, ang pagdilim and yet andito ako ngayon pabalik sa room namin. Ngunit hindi ko namalayan ang sarili ko at napansin ko na lang na naglalakad na pala ulit ako papunta sa pwesto ko kanina katabi ng lalaki na 'yon.

"So you're back. I told you mas gaganda pa ang view, you should have stayed na lang dapat kanina pa lang.", nakangiti pa rin siya habang sinasabi niya ang mga yon pero nananatili ang paningin niya sa harap. 

"Yeah, I should've stayed. Kung wala ka lang sana rito hindi na ko umalis, so I won't missed the changes of the view.". I don't want to sound na galit or naiinis pero ayun talaga nararamdaman ko. Naiinis ako dahil kung wala lang talaga siya rito naenjoy ko na ng sobra ang view.

"Ang sungit mo naman", sinabi niya yon na para bang nagdadalawang-isip pa siya kung sasabihin niya yon saken dahil halata sa facial expression niya na nagsisisi siya nang sinabi niya pa yon.

"Hindi ako masungit. Hindi lang talaga kita kilala kaya ganito ako.", hindi ko na rin sinubukang humarap sa kaniya.

Tumitig na lang ako sa view dahil eto naman talaga ang dahilan kung bakit bumalik at nandito ako. Hindi na rin siya umimik kaya nagfocus na lang ako sa view. Nakikita ko siya sa peripheral vision ko and like me, pinagmamasdan niya na lang din ang magandang view.

"I'm Gavin Martinez", he smiled saka niya inabot saken ang kamay niya para makipagshake hands.

Nagulat ako dahil hindi ko ineexpect na magpapakilala pa siya saken. Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad at saka napatingin ulit sa mukha niya, nandoon pa rin ang mga ngiti sa kanyang labi. Ngunit ng tumingin ako sa mga mata niya ay lungkot and nakita ko.

Ayoko namang maging bastos kaya nilahad ko na rin ang kamay ko para makipagshake hands sa kaniya.

"Alliyah Garcia", sabay tipid na ngiti sa kaniya. Nakita ko naman na mas naging maganda ang pagkakangiti niya matapos kong magpakilala. Binitawan ko na ang kamay niya at muling ibinalik ang paningin sa harapan.

"Thanks for staying.", nakangiti niya pa ring sabi saken. Nagtaka naman ako dahil bakit siya nagpapasamalat? Hindi naman siya ang dahilan kung bakit ako nagstay rito. Gusto ko sanang sabihin yon pero naunahan niya kong magsalita.  "See you again, Alliyah", sabay ngiti at naglakad na palayo.

Hindi na ko nakasagot dahil bigla na lang siyang umalis. See you? Bakit see you ang sinabi niya? Hindi ba dapat goodbye? Inalis ko na sa isip ko ang mga sinabi niya, tiningnan kong muli kung saan siya naglalakad kanina pero hindi ko na siya nakita.

"Alli!", halos mapatalon na naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa sigaw na yon ng pinsan ko na si Abbygail. "Ano bang ginagawa mo pa dyan? Madilim na oh. Tara na sa loob, magdidinner na tayo." Hindi ko na sinagot ang tanong niya sa halip ay inaya ko na siya papasok sa room namin.

Habang naglalakad pabalik, napalingon ulit ako kung saan ko nakitang naglalakad si Gavin kanina. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng lungkot dahil hindi ko na talaga siya makita roon. Parang kanina lang ay naiinis ako sa kaniya ngunit ngayon ay lungkot na ang nararamdaman ko. "See you again, Gavin." Hindi ko na yon naisatinig dahil kasama ko si Abby, for sure pagsinabi ko yon hindi ako titigilan neto sa kakatanong.


Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon