CHAPTER 24
After ng trip namin ni Gavin sa Caleruega church ay kami naman ng mga pinsan ko ang umalis, pumunta kami sa Japanese Garden kasama ang buong pamilya. Hindi na kasama ron si Gavin dahil may sarili rin silang lakad ng family niya. Sinelebrate namin ang Christmas ng magkahiwalay pero sinelebrate namin ang New Year na magkasama.
Ininvite sila ni mommy na samin mag New Year at pumayag naman sila ni Tita Rachel. Nasa balcony kami sa second floor habang hinihintay na mag 12 am. Nasa kusina naman sina mommy para magluto at mag-ayos ng lamesa.
Ilang minuto bago mag 12 am ay umakyat na rin sina mommy balcony at sinamahan kami. Magkakasama naming sinalubong ang New Year sa bahay namin.
"Happy new year, love..", sabi ko kay Gavin pagkatapos kong batiin sina mommy, daddy at tita Rachel.
Yumakap ako sa kaniya mula gilid at pinanood ang fireworks na makikita sa langit kung saan-saan.
"Happy new year, love.. I love you", hinaplos niya ang buhok ko saka hinalikan iyon, napangiti ako saka sumagot sa kaniya.
Nagstay kami sa taas ng ilang minuto at pinanood ang fireworks bago maisipang bumaba para kumain. Kumain kami nang sabay-sabay at nagkwentuhan pa.
1:30 am nang magpaalam sina Gavin na uuwi na, nag-offer si mommy na sa guest room na lang sila manatili pero tumanggi si Tita kaya hindi na rin sila pinilit pa ni mommy. Hindi naman nila problema ang transportation dahil may sariling sasakyan si Gavin. Hinintay kong magtext si Gavin na nakauwi na sila sa kanila bago ako natulog.
Si Gavin ang naghatid sakin pabalik sa school dahil wala siyang work nung araw na yon, pumayag na rin doon sina mommy dahil ayaw nilang bumyahe ako ng mag-isa. Hindi na ko natulog sa byahe at kinausap nang kinausap si Gavin. Habang magkasama kami ay sinusulit ko ang oras na iyon dahil once na makarating kami sa apartment ko ay matagal pa ulit bago kami magkita.
Sa mga sumunod na linggo at buwan ay naging maluwag ang schedule namin parehas kung kaya't nagagawa niya kong puntahan sa apartment pagmay free time siya o di kaya naman ay pagmalapit sa lugar ko ang site nila. Mas nakikita namin ang isa't isa ngayon kumpara noon.
Siya rin ang sumundo sakin nang matapos ang school year. Didiretso kami sa bahay gaya ng gusto nina mommy.
Habang nasa byahe ay napapaisip ako, end of school year ko noon sinagot si Gavin at ngayon ang araw na iyon!
Omg! Bakit nalimutan ko ang importanteng araw na ito? Kahit si Gavin ay walang binabanggit sakin tungkol don, nalimutan rin kaya niya tulad ko?
"Love.. Happy anniversary..", sabi ko at agad niyang pinreno ang sasakyan sa tabi.
Buti na lang at wala kaming kasunod na sasakyan, kung hindi ay baka maaksidente pa kami.
"Shit! Nalimutan ko! Sorry baby.. Happy anniversary.."
Natawa naman ako sa naging reaction niya, so parehas pala kaming nakalimot talaga..
"It's okay.. Actually nalimutan ko rin, ngayon ko lang naalala.", natatawa ko pang sabi kaya ang gulat at parang guilty niyang mukha ay napalitan ng pagkakunot ng noo at natawa rin.
Bakit ba sa dinami-dami nang makakalimutan ay eto pa.. eto pa talagang anniversary namin. Ang normal na magkarelasyon ay hindi nakakalimutan ang araw na naging sila, kaya paanong kaming dalawa ay nakalimot? Kung hindi ko maaalala ay siguro hindi namin macecelebrate iyon at tuluyang lilipas ang araw na hindi man lang namin nababati ang isa't isa.

BINABASA MO ANG
Missing You
RomanceAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...