CHAPTER 15
Sa mga nagdaang araw ay lagi naming sinusulit ang araw ng bakasyon. Lumalabas kami ni Gavin kung minsan, minsan naman ay sa bahay lang kami at nanonood ng movie. Nagbibigay din naman ako ng oras para sa family ko, gaya ng sabi ni daddy nung nagbirthday ako ay babawi siya. Kung tutuusin ay bawing-bawi na si daddy sa mga panahong di niya naibigay sakin ang oras niya dahil palagi kaming umaalis para pumunta at mamasyal sa kung saan-saan. Minsan nga ay halos wala na kaming pahinga dahil lagi kaming lumalabas.
Maaga pa lang ay gising na ko dahil may usapan kami ni Gavin na pupunta kaming dalawa sa Tayak Hills, kaming dalawa lang kaya naman nahirapan akong magpaalam kina mommy. Nung una ay ayaw nila akong payagan ngunit nagpumilit ako, ang sabi ko ay mag-iingat ako at hindi ko hahayaang mapahamak ako, ang sabi ko rin ay uuwi agad ako after naming magpunta sa Tayak kaya sa huli ay pumayag din sila.
Susunduin ako ni Gavin dito sa bahay dahil maaga pa, quarter to 5am pa lang. Hindi na sana ako magpapasundo dahil hassle sa kaniya kaya lang ay ayun ang gusto nina mommy dahil hindi nila ako papayagang umalis at bumyahe ng mag-isa. Commute lang kami ni Gavin kaya inagahan talaga namin ang pag-alis para maabutan namin ang sunrise. Bumyahe kami at hindi ko namalayang nakatulog na naman ako. Ginising ako ni Gavin nang makarating kami ron saka kami nagrent ng tricycle papunta sa entrance dahil may kalayuan iyon.
Quater to 6am nang makarating kami sa entrance kaya dali-dali kaming umakyat sa hagdan. Saktong pagdating namin sa taas ay ang pagsilip ng araw na unti-unti nang lumilitaw. Naupo kami ni Gavin saka pinagmasdan ang tuluyang paglitaw ng araw..
"Remember nung pangalawang beses tayong nagkita? Sunrise sa Laiya?", tanong ko sa kaniya.
"Nung time na yon, masaya akong nakita kitang muli.. Hiniling ko na sana ay magkita ulit tayo kahit alam kong napaka-imposible naman nong mangyare."
"So, roon pa lang pala ay gusto mo na ko..", pang-aasar niya sakin, sinundot niya pa ang tagiliran ko.
"Wow ha.. Hindi no, baka nga ikaw nung unang beses mo pa lang akong nakita ay na love at first sight ka na sakin..", patungkol ko sa first meeting namin na sunset sa Laiya.
"Hmmm..", nag-isip pa siya habang ang kamay ay nasa baba.
"Siguro nga.. Ang ganda mo eh.. Pinaganda mo yung pangit kong mundo..", hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya at mapatawa.
"Napakabolera mo talaga hahahaha.. Pano mo nasabing pinaganda ko ang pangit mong mundo, ha?", panghahamon ko sa kaniya.
"Dahil sobrang lungkot ko noon.. Nung araw na iyon ay dinala si papa sa ospital dahil kritikal na ang kondisyon niya.. Nung hapon ding yon ay tumawag si mama para sabihing patay na si papa.. Halos gumuho ang mundo ko non nung nalaman ko yon. Nagsisisi pa ko dahil andon ako sa beach para magsaya kasama ang mga barkada ko pero ayun ang tatay ko at naghihingalo na. Gustuhin ko mang umuwi rin nung araw na iyon ay hindi ko nagawa dahil wala akong dalang extrang pera para bumyahe mag-isa, sinabi rin sakin ni mama na tapusin ko ang bakasyon ko roon kung kaya't umaga pa ko nakauwi..", bigla akong nalungkot sa narinig ko, hindi ko alam na ganon pala ang nagyare nung araw na yon at hindi ko alam na nung araw na iyon namatay ang papa niya. Ang alam ko lang ay namatay ang papa niya dahil sa cancer.
"Nung hapong iyon ay naisipan kong pumunta sa dalampasigan para makita ang langit sa pag-asang mapapagaan non ang loob ko pero ikaw ang nakita ko.. Nung nakita kita sa tabing-dagat at nanonood ng sunset ay napangiti ako, ang ganda mong pagmasdan nung panahon na iyon kaya nilapitan kita. Kahit sinungitan mo ko ay ayos lang, ganon naman talaga siguro kayong mga babae no? Haha. Masaya ako nung bumalik ka para panoodin ang sunset, kahit di tayo nagkakausap non ay gumagaan ang pakiramdam ko dahil andun ka.. Pinaganda mo ang madilim kong mundo..", tumingin siya sakin pagkatapos ay hinaplos ang pisngi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/249079680-288-k692392.jpg)
BINABASA MO ANG
Missing You
RomanceAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...