CHAPTER 20
Nagcelebrate kami kasama ang family ko. Nagcelebrate rin si Gavin ng graduation niya at kasama ako ron. Nakilala ko ang mga pinsan at kamag-anak niya at lahat sila ay masaya dahil sa mga achievements namin ni Gavin. Masaya sila dahil hindi namin pinapabayaan ang pag-aaral namin sa kabila ng relasyon namin.
Nagpunta kami sa Sunflower farm para icelebrate ang birthday ko. Pinayagan kami nina mommy na kaming dalawa dahil ayun na ang gift nila samin, binigyan niya pa kami ng allowance para mas maenjoy namin ang birthday ko at ang date namin.
"Dito ka dali, picturan kita.", sabi ni Gavin at tinuro ang spot kung nasaan ang mga nagtataasang sunflower. Agad akong pumwesto ron at nagpose.
Pinicturan ako nang pinicturan ni Gavin, literal na may photographer ako. Pinipicturan ko rin siya para meron din siyang memory sa lugar na iyon. Nagstay kami ron hanggang tanghali.
Isinama ako ni Gavin at ng mama niya sa outing ng pamilya nila. Pinayagan din naman agad ako ni mommy dahil wala naman akong gagawin, next week pa nakaschedule ang outing ng family namin.
Pumunta kami sa isang kilalang resort dito sa Sariaya, Quezon. Dito rin kami nag-outing last year pero sa ibang resort. Nag-arkila lang kami ng jeep para sa outing, kasama namin ang mga pinsan ni Gavin at mga tita at tito niya. Compare sa family namin, mas masasabi kong mas marami kami dahil hindi kami kakasya sa isang jeep lang. Kokonti lang sina Gavin na magpipinsan pero mas close sila kaysa samin siguro dahil ay kokonti lang sila kaya mas nakakasama nila ang isa't isa, hindi tulad namin na bagaman close ay may kaniya-kaniya ring favorite cousin.
Nang makarating kami sa resort ay nilapag namin ang gamit namin sa cottage. Isang buong araw lang kami rito at uuwi na rin mamayang 6pm kaya yung mga pinsan ni Gavin na maliliit pa ay dumiretso na agad sa dagat para maligo.
Pinagmamasdan namin ni Gavin ang mga pinsan niyang nagtatampisaw sa tubig at naglalaro ng buhangin. Inakbayan niya ko at hinapit palapit sa kaniya, pinagmasdan namin ang napakalawak na dagat.
"Gusto mo picturan kita ron?", turo niya sa isang puno na halos matumba na at humalik sa buhangin dahil sa baba nito.
"Alam mo pwede ka ng maging photographer.. Bakit hindi mo gawing business?", pagbibiro ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa puno na iyon.
"Oo nga no..", hinawakan niya pa ang baba niya at animo'y nag-iisip ng napakalalim.
"Try ko nga, para extra income.. Ikaw unang customer ko.. Magkano kaya ang fee?", pabiro niyang sabi at nag-isip ulit..
"Huwag na pala.. Di magandang business yon.. Magtayo ka na lang ng buildings, Engr. Martinez.. Hmm?"
"Ipagtatayo kita ng bahay..", humarap siya sakin at ngumiti.
Ningitian ko rin siya at saka sumagot, "Hihintayin ko.. Hihintayin kong maitayo ang bahay natin.", nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang punong sinasabi niya.
Agad akong nagpose at nagpicture agad siya. Magangdang kumuha ng pictures si Gavin, parang professional photographer kaya ginagandahan ko rin ang mga pose ko para lalong gumanda ang picture.
Pagkatapos magpicture ay nagswimming na kami ni Gavin sa dagat. Unti-unti nang tumataas ang tubig kaya nagsisimula nang magsipuntahan sa pangpang ang mga pinsan ni Gavin.
Nakita ko si Betty, pinsan niya na 5 years old pa lang na umiiyak dahil hindi makaalis sa pwesto. Hindi na siguro niya maabot ang buhangin dahil sa pagtaas ng tubig, may salbabida naman siya kaya lang ay hindi ata siya marunong magpadyak ng paa para makalangoy siya papunta sa mga pinsan niya.
BINABASA MO ANG
Missing You
RomanceAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...