CHAPTER 6
Natapos ang battle of the bands at after 15 minutes ay inannounce ang nanalo sa bawat category. Third place si Gavin sa solo singing samantalang si Angel naman ang champion. Sa battle of the bands naman ay nagchampion ang grupo nina Gavin. Walang nakuhang place sina Jean kaya naman nalungkot ako para sa kanila. Pero may next year pa naman, may pagkakataon pa silang magchampion.
5:30 pm nang tuluyang matapos ang announcement of winners. Tumingala ako sa langit at nakita ko ang magandang sunset. Hindi muna kami umalis dahil nagrequest ang Dean na kumanta ulit si Angel. Dahil biglaan ang request ng Dean ay naghintay pa kami ng 15 minutes para makapagprepare si Angel. Nasa field pa rin kami kasama ang mga kaklase namin. Katabi ko naman si Tricia, hindi ako lumalayo sa kaniya dahil ang dami masyadong tao baka paglumayo ako ay hindi ko siya mahanap agad. Pinagmamasdan ko ang langit habang naghihintay sa muling performance ni Angel nang may tumabi saken.
"Hi", nakangiti niyang bati saken.
"Gavin", nasa tono ng boses ko ang pagkagulat sa presensya niya. Pinilit ko namang maging normal ulit dahil baka makapansin na siya na lagi akong nagugulat sa presensya niya.
"Congrats, ang galing niyo", ngiti ko sa kanya. Yun na lang ang sinabi ko dahil wala akong ibang maisip na sasabihin sa kaniya.
"Salamat."
"Uy Gavin! Hello! Congrats! Ganda ng boses mo ha.", singit ni Tricia na sinisiko pa ko at ningingitian.
"Thank you Tricia.. Okay lang ba kung dito muna ako?", tanong niya habang nagpapalit-palit ang tingin saming dalawa ni Tricia.
"Sure! Okay na okay ngayun eh.", sabay tingin saken ni Tricia na may nakakalokong ngiti.
Hindi na ko sumagot dahil nasagot na naman siya ni Tricia besides, wala namang problema kung andito siya. Hindi na ko nagsalita at itinuon ang paningin sa langit, iniisip yung mga nangyare kanina, iniisip yung mga kakaibang nararamdaman ko.
Wala lang siguro ‘to.. Baka masyado ko lang binibigyan ng meaning yung nangyare kanina kaya naramdaman ko yon.. Wala lang ‘to Alliyah masyado ka lang nag-ooverthink..
Muli kong ibinalik ang aking paningin sa stage dahil andun na ulit si Angel. Nakatayo lang siya ron at nakangiti habang iniintroduce siya ulit ni Ms. Velasquez, na siyang host sa event na ito. Maraming sinabi si Miss hanggang sa ipakilala niya na ulit si Angel. Nagsimulang tumugtog ang kanta at unti-unti na ring dumidilim ang palagid dahil pagabi na.
When tomorrow comes
I'll be on my own
Feeling frightened of
The things that I don't know
When tomorrow comes
Tomorrow comes
Tomorrow comes
And though the road is long
I look up to the sky
And In the dark I found, I stop and I won’t fly
And I sing along, I sing along, then I sing along
Lahat kaming nanonood ay sumasabay sa kanta ni Angel, para tuloy itong naging live concert niya. Ngayon pa lang ay masaya na talaga ako para sa kaniya, sigurado ako na pagkatapos neto ay siya na ang laging kukuhanin para kumanta sa tuwing may gaganaping event dito sa school.
BINABASA MO ANG
Missing You
RomanceAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...