CHAPTER 14
Matapos ang outing namin kasama ang family ko ay napagpasyahan namin ni Gavin na pupunta kami sa kanila para imeet ang mama niya. Naalala ko noon ay tinanggihan ko siya nung sabihin niya sakin na ipapakilala niya ko sa mama niya dahil babago pa lang naman kami noong nagliligawan. Hindi niya na ulit yon sinabi saken pagkatapos kong tumanggi kahit ngayong mag-on na kami kaya naman ako na ang nagsabi na gusto kong mameet ang mama niya.
Kinakabahan man ako dahil first time kong makikita ang mama niya ay naeexcite rin ako dahil makikilala ko na ang mama niya.
Sunday ay nagpaalam ako kina mommy na pupunta ako sa bahay nina Gavin para imeet ang mama niya, pumayag naman agad sila at natuwa pa sila dahil magandang idea raw iyon. Sa ganoong paraan daw ay mas makikilala namin ang isa't isa dahil makakaharap ko ang nagpalaki sa kaniya, maganda rin daw yon para both sides ay alam ang relasyon namin. Well, sa pagkakataong ito magiging legal na kami both sides.
Sinundo ako ni Gavin samin at sinabi niya na magsisimba muna kami bago pumunta sa kanila, agad naman akong sumang-ayon sa kaniya. Umattend kami ng mass at after non ay nagstay muna kami sa loob ng simbahan ng ilang minuto para hindi kami makasabay sa dami ng taong lumalabas at pumapasok sa church. Nang umunti na ang mga tao ay umalis na kami at dumiretso sa bahay nina Gavin.
May katamtamang laki ang bahay nina Gavin at maganda rin ang pagkakabuo noon, bagaman simple ay maganda itong tingnan. One-story lang ang bahay nila pero malawak naman ang loob non hindi katulad nung ibang bahay na halos wala ng space dahil sa gamit. Nang dumating kami sa sala ng bahay nila ay lumabas ang mama ni Gavin sa kusina na may hawak pang potholder kaya naman nakaramdam na ko ng kaba.
Agad lumapit si Gavin sa mama niya para humalik kaya naiwan akong mag-isa sa likod nila. Nakangiti naman agad ang mama niya nang makita ako.
"Good afternoon po..", bati ko saka ngumiti.
Lumapit sakin ang mama niya saka hinawakan ang mga pisngi ko, hindi ko naman malaman ang gagawin ko kung kaya't ngumiti na lang ako. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ng mama niya, kaya lalo akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Tumingin ako kay Gavin para sana humingi ng tulong ngunit nakita kong nakangiti lang siya samin. Kumalas na ang mama niya sa pagkakayakap sakin kaya naman nag-isip agad ako ng sasabihin o gagawin.
"Hello po..", bati ko ulit, gusto kong mahiya pagkatapos kong sabihin yon sapagkat hindi ata akma sa nangyari ang sinabi ko.
"Ikinagagalak kitang makilala, Alliyah Celestine..", sabi ng mama niya saka ako ningitian.
Gusto ko sanang magtanong kung paano niya nalaman ang pangalan ko ngunit nagsalita na ulit siya. "Palagi kang kinekwento ni Gavin sakin kung kaya't nakilala na rin kita sa mga kwento niya.", napatingin naman ako kay Gavin at napakamot siya sa ulo.
"Ah ganon po ba..", yun na lang ang naisagot ko dahil wala akong mahanap na matinong sagot.
"Ako nga pala si Rachel Martinez, mama ni Gavin.. Tita Rachel na lang ang itawag mo sakin hija..", pakilala ng mama ni Gavin.
"Ah, nice to meet you po t-tita Rachel.. Alliyah Celestine Garcia po..", nilahad ko ang kamay ko pero hindi niya iyon tinanggap para makipagshake hands sa halip ay tinapik-tapik niya ang kamay ko at pinagmasdan yon.
"Halika kayo sa kusina, nagluto ako ng meryenda.", pumanhik kami sa kusina at nagsimulang kumain.
Nagkwento si Tita Rachel ng tungkol sa buhay nila at nalaman kong namatay na pala ang tatay ni Gavin last year dahil sa cancer. Bigla akong nalungkot dahil silang dalawa na lang pala ng mama niya ang natitira at wala silang ibang masasandalan kundi silang dalawa lang. Nagkwentuhan pa kami at dahil don ay naging magaan na ang loob ko kay Tita Rachel at mas nakilala ko pa silang dalawa lalo na si Gavin.

BINABASA MO ANG
Missing You
RomanceAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...