CHAPTER 10

13 0 0
                                    

CHAPTER 10

Nagising na lang ako dahil sa mga katok ni mommy sa pinto, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Napatingin naman ako sa bintana at ganon na lang ang gulat ko nang makita kong madilim na. Agad-agad kong kinuha ang phone ko at tiningnan ang oras, 6pm na ng gabi. Biglang pumasok sa isip ko si Gavin, nakatulugan ko na pala siya! Agad ko ring binuksan ang messages ko at nakita ko ang messages niya. 1pm nung magchat siya na nakauwi na siya sa kanila. Yung mga sumunod na messages ay tinatanong ako kung anong ginagawa ko. Ang huling message ay sinabi niyang matulog daw ako nang mahimbing. Nasapo ko ang noo ko dahil hindi ko man lang namalayan ang sarili kong nakatulog na, baka isipin na Gavin ay iniiwasan ko siya o kung anoman. Dinial ko ang number niya, kinakabahan ako dahil baka hindi niya sagutin at baka nagtatampo siya sakin dahil di ako nakareply.

Sumagot ka please..

Nakailang ring bago niya sinagot ang tawag ko.

"Gavin.. I'm sorry..", bungad ko kagad sa kaniya, naguguilty ako huhu.

"Nakatulog ka?"

"Oo, sorry.. Di ko namalayan nakatulog na pala ako.."

"It's okay Alliyah, alam kong pagod ka sa byahe..", napabuntong hininga ako, hindi ba siya galit saken?

"Nakatulog ka ba nang maayos?", dagdag niya sa sinabi niya.

"Hindi ka ba galit saken?", hindi ko na mapigilang magtanong. Nabobother ako dahil baka galit siya sakin dahil basta ko na lang siyang tinulugan.

"Hahaha bakit naman ako magagalit? Kahit ako ay nakatulog din, kakagising ko lang..", natatawa talaga siya sa kabilang linya, naririnig at nararamdaman ko yon.

"Baka kase kako galit ka saken kase hindi na ko nakareply.", napapikit ako sa dahil sa guilt pero sa kabilang banda ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sinabi niyang hindi siya galit.

"Hindi ako galit, okay? Hindi naman sa lahat ng oras ay kailangan mong replyan ako.. Nakatulog ka ba nang ayos? Hindi mo sinasagot ang tanong ko."

"Ha? Oo, kakagising ko lang din actually..", buti na lang talaga hindi siya galit sakin, napangiti naman ako sa naisip ko.

"Gavin, tinatawag na ko ni mommy magdidinner na kami. I'll talk to you later.. Magdinner ka na rin.."

"Okay..", ayun lang at pinatay niya na ang linya. Sure ba siyang hindi siya galit saken? Bakit parang ang cold ata niya? Ang sabi niya ay hindi siya galit, kaya yun ang panghahawakan ko.



Bumaba na ko para sumabay kina mommy magdinner. Pagkatapos ay umakyat na ulit ako sa kwarto.


"Alliyah, anak?", katok ni mommy sa pinto saka tuluyang pumasok sa kwarto ko.

"Yes mommy? May problema po ba?", nakaupo ako sa kama ko at hinihintay siyang makalapit.

"Wala naman, gusto lang kitang kausapin.", sabi ni mommy saka tuluyang umupo sa kama ko at tumabi sakin.

"About what mommy?", gusto kong magtaka dahil biglaan naman ata itong pagkausap sakin ni mommy, whatever her reason is, I have no idea..

"About Gavin..", nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mommy at bigla naman akong kinabahan.

"What about him mommy?", pinipilit kong ngumiti pero hindi ko maitago ang kaba sa dibdib ko.

"Do you like him?", tanong ni mommy sakin at ang mga mata niya ay diretsong nakatingin sa mata ko.

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon