CHAPTER 21
After ng mga outing namin ay nagsimula nang magreview si Gavin para sa board exam niya. Sinasamahan ko siya lagi everytime na magrereview siya para malaman niyang nakasuporta ako sa kaniya hanggang ngayon.
Minsan ay dumadayo siya sa amin para makapagreview, pumapayag sina mommy sa ganon basta sa sala lang kami magsstay. Minsan ay tinuturaan at tinutulungan siya ni daddy sa pagrereview kaya mas marami siyang nalalaman. Minsan rin ay nakikisali ako sa pagrereview niya para magkaidea na ko sa mga topics na itatake ko sa college.
Since ilang buwan na lang before magpasukan ulit, nag-aadvance reading na ko. Incoming first year college na ako, Civil Engineering course ako kaya sobrang excited na ko. Ilang steps at konting kembot na lang ay magiging Engineer na rin ako. Si Gavin naman ay one step away na lang para maging licensed engineer..
Sa mga panahong sa kanila nag-aaral si Gavin ay pumupunta ako sa kanila, meron din namang araw na hindi ako pumupunta dahil may inaasikaso para sa school ko. Minsan pagnandon ako sa kanila ay tumatabi lang ako sa kaniya at pinagmamasdan siya. Nakakabisado ko na ata lahat ng galaw niya. Pati paghinga niya ay sinasabayan ko, kung minsan pa ay hindi ko namamalayang nagagaya ko na ang gingawa niya dahil tutok na tutok ako sa kaniya. Minsan ay nakakatulugan ko na rin ang pag-iintay at panonood sa kaniya. Nagigising na lang ako na may unan na kung saan nakapatong ang ulo ko at hawak niya na ang kamay ko.
Sa tuwing matatapos siya sa pagrereview sa araw na iyon ay ihahatid pa niya ko samin. Sinasabi ko lagi na huwag niya na kong ihatid at magreview na lang siya o di kaya ay magpahinga ngunit masyado siyang mapilit. Kahit busy siya sa pagrereview ay nagbibigay pa rin siya ng oras sakin, ayun nga lang ay sa tuwing ihahatid niya ko samin. Minsan ay bago niya ko ihatid ay nagdedate muna kami. Pumupunta kami sa lake para magpahangin, magpahinga at kumain. Sa simpleng ganon lang ay nararamdaman ko pa ring mahal niya ko.
Isang linggo na lang ay magsisimula na ang pasukan. Doon ulit ako pumasok sa school kung saan ako nagsenior high. Hindi kami nagkita nung araw na iyon ni Gavin dahil nagrereview siya at ako naman ay nag-aayos ng mga gamit dahil kinabukasan ay aalis na ko papunta sa boarding house ko at maiiwan dito si Gavin sa San Pablo.
Kinabukasan ay pinuntahan ko si Gavin para magpaalam at makipagbonding na rin sa kaniya. Hindi siya nagreview ng araw na yon dahil gusto niya raw akong makasama. Matatagalan bago ulit kami magkita dahil pareho na kaming magiging busy, ako ay babalik sa school para mag-aral at siya naman ay magrereview para sa board exam. Nagpunta kami sa mall at nanonood ng movie. Kumain din kami at namasyal maghapon.
Yinakap ko siya ng mahigpit nang makarating kami sa bahay.
"I'm gonna miss you..", sabi ko at lalong isinubsob ang mukha sa dibdib niya. Hinapit niya ko lalo papalapit sa kaniya saka hinaplos ang buhok ko.
"Mamimiss din kita..", sabi niya at paulit-ulit hinaplos ang buhok ko.
"Text at call tayo everyday ha? Pero kung busy ka, okay na sakin ang text.."
"Hmm sige.. Pupuntahan kita ron pagmay free time ako. Ngayon pa lang ay miss na kita agad.."
"Huwag mo na kong puntahan, magreview ka na lang, hmm? Mas kailangan mo yun, okay lang ako.."
"Mas kailangan kita Alliyah.."
"Tss, oo na lang hahahaha. Basta galingan mo sa pagrereview ha? You'll be the second civil engineer I’ll knew aside from my dad."
"Tawagan ko kaagad papa mo pagnakapasa na ko sa board exam..", natawa kaming parehas dahil sinabi ni daddy noon na tawagan siya ni Gavin pagnakapasa na ito sa board exam at tutulungan niya itong makahanap ng trabaho.

BINABASA MO ANG
Missing You
RomanceAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...