CHAPTER 32

6 0 0
                                    

CHAPTER 32

Tricia's POV

Sinadya kong bumalik dito sa apartment ng mas maaga kaysa noon. Gusto kong pagdating ni Alliyah ay nandito na ako. Alam kong hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap. Alam kong nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon kahit ilang buwan na ang nakakalipas.

Hindi ko siya masisi kung ganon ang nararamdaman niya. Nasaksakihan ko ang pagmamahalan nila ni Gavin, nandon ako sa lahat ng pinagdaan nila. Alam ko lahat nang nangyayari sa relasyon nila. Masyadong nasanay si Alliyah na palaging nasa tabi niya si Gavin. At ngayong wala na si Gavin ay alam kong nahihirapan siyang mag-adjust.

Kahit ako ay nasasaktan pa rin dahil sa nangyare pero natanggap ko na iyon. Sa sitwasyon ni Alli ay hindi niya pa rin matanggap.

Hindi ko siya madalas kasama sa school dahil magkaiba na kami ng course pero palagi ko siyang ibinibilin sa mga kaklase niya. Palagi ko rin siyang sinasamahan sa tuwing nandito kami sa bahay at naririnig ko rin ang mga pag-iyak niya tuwing gabi, tuwing mag-isa siya.


Bilib ako sa kaniya dahil kahit ganon siya ay hindi pa rin niya napapabayaan ang pag-aaral niya. Ang sabi sakin ng mga kaklase niya ay palagi lang siyang tulala sa klase at hindi nagsasalita kaya hindi ko alam kung paano siyang nakakasabay sa mga kaklase niya. Hindi mang ganong kataasan ang grade niya ay hindi rin naman siya bumabagsak. Pero bilang kaibigan ay nasasaktan din ako dahil nakikita ko siyang ganon.


Sa mga lumipas din na buwan ay pinipigilan ko ang sarili ko na mabanggit si Gavin o kahit anomang bagay tungkol sa kaniya dahil bigla na lang umiiyak si Alli tuwing nababanggit ko. At sa tingin ko ay lalo lang siyang mahihirapan kung palagi kong ipapaalala sa kaniya si Gavin kaya minabuti kong huwag ng banggitin si Gavin sa kaniya.


Nang dumating dito si Alli sa apartment ay parang nagbago siya. Hindi na namumugto ang mga mata niya gaya ng dati.

Hindi ba't mas maganda nga iyon? Ibig sabihin ay nagiging okay na siya..

"Alli, are you okay?", tanong ko sa kaniya dahil mayroon sa loob ko na nag-aalala sa kaniya.

"Yes, Tricia I'm okay.. Why? May problema ba?", ngumingiti na rin siya ngayon kahit tipid. Nakakapanibago.

"Ah, wala naman.. Naitanong ko lang..", kinamot ko pa ang ulo ko dahil naninibago talaga ako.

Ang sabi niya ay okay na siya, hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ipangamba o ikasaya dahil parang may mali.


"Alli", tawag ko sa kaniya habang nasa sala kami at nanonood ng tv. Lumingon siya sakin at naghintay ng sunod kong sasabihin.

"Pupunta raw dito si Jason mamaya, dadalaw."

Nangunot pa ang noo niya kaya napakunot din ang noo ko.

"Jason?", tanong niya na parang iniisip pa kung may kilala siyang Jason.

"Si Jason, kaibigan ni Gavin.", sabi ko, sinadyang banggitin ang pangalan ni Gavin.

"Ah si Jason.. Bakit si Gavin hindi dumadalaw?", tanong niya pa na lalong nagpakunot ng noo ko.

Hindi dumadalaw? Nakalimutan niya na ba?

"Alli.. he's gone.. Wala na siya diba?", pahina ng pahina ang boses ko.

Ayaw kong umiyak na naman siya dahil sinabi ko yun pero kailangan ko yung sabihin dahil nawiwirduhan ako sa kaniya.

"Ah.. Oo nga pala.. Hahaha. Wala na siya.", biglang lumungkot ang itsura niya at natulala sa tv.

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon