CHAPTER 22
Nagpatuloy si Gavin sa pagrereview samantalang ako ay nagpatuloy rin sa pag-aaral. Habang patagal nang patagal ay nagiging mas busy na kaming pareho. Kailangan niyang maghapit sa pagrereview dahil isang buwan na lang ay magtetake na siya ng board exam. Hindi ko na siya masyadong inaabala sa panahong iyon, nagtetext na lang ako sa kaniya para mag-update ng nangyare sa araw ko at chinicheer ko siya sa pagrereview niya. Madalas ay hindi na ko narereplyan at natatawagan ni Gavin dahil tutok siya sa pagrereview, naiintindihan ko naman yon. Mas magandang unahin ang sarili, mas magandang unahin ang pangarap mo kaysa sa ibang tao dahil para sakin, once na inuna mo ang sarili at pangarap mo, magiging madali na ang ibang bagay.
Nagfocus na lang ako sa pag-aaral at sa mga schoolworks para hindi mapansin ang nawawalang communication namin ni Gavin. Iniisip ko na lang na konting hintay pa, konting panahon na lang babalik sa dati ang lahat.
Nung mismong araw ng exam ni Gavin ay tinawagan ko siya at ginoodluck. Sinabi ko sa kaniyang huwag masyadong mapressure at malaki ang tiwala ko sa kaniya na maipapasa niya ang board exam na iyon. Naging busy rin ako sa school nung araw na iyon kaya hindi na ko nakabalita sa kaniya. Masyado akong napagod sa school kaya hindi ko na nagawang tawagan siya para kumustahin. Hindi na rin siya nag-abalang tumawag non dahil siguro ay pagod na pagod ang utak niya dahil sa exam at naiintindihan ko yon.. Sa relasyon namin ni Gavin, lahat ng bagay ay iniintindi ko kahit minsan ay nahihirapan akong gawin yon ay pinipilit kong intindihin ang lahat.
Magkavideocall kami ni Gavin habang hinihintay ang list of passers ng board exam. Kinakabahan din ako kahit hindi naman ako ang nagtake ng board exam.
Nasa harap ko ang laptop ko dahil ako ang pinatitingin niya ng result.
"Love..", tawag ko sa kaniya, nakikita ko sa screen na hindi siya mapakali.
"Hmm?", tanong niya, kinakabahan, ni hindi man lang makatingin sakin.
"Love.. call daddy..", sabi ko.
"Ha? Bakit? May nangyare ba sayo?", nag-aalala niyang tanong sakin.
"Call daddy and said that you're an engineer now."
"Oh sige sige, wait lang. Teka, ano ngang number ng daddy mo?", aligaga niyang tanong, hindi siguro nagsink in sa kaniya ang sinabi ko.
"Ano nga ulit sasabihan, Alli?", sobra siyang tense ngayon, Alli pa talaga natawag niya sakin sa halip na love o baby.
"Tell him that you're an engineer now.", ulit ko ulit, hindi ko na maiwasan ang pagngiti ko.
"Sige. Ano?! Anong sabi mo?! Tama ba yung narinig ko?", sa wakas ay naintindihan niya na ang sinabi ko.
Tumango-tango ako sa kaniya bilang sagot.
"Totoo ba yan, Alliyah? Binibiro mo ba ko?"
"Yes, it's true. You're an engineer now, baby! Look!", pinakita ko sa kaniya ang laptop ko kung saan makikita ang name niya.
"Congrats, Engr. Martinez!"
Narinig ko siyang napamura at nahampas niya pa ang lamesa kaya tumaob ang phone niya at di ko siya nakita. Nang makita ko ulit siya ay nakakaliyo siyang pagmasdan dahil lakad takbo siya palabas ng kwarto.
"Ma! Ma!", tawag niya kay Tita Rachel na narinig kong sumagot at tinatanong kung may problema ba.
"Ma! Engineer na ko!", niyakap niya si Tita kaya ang nakita ko na lang sa screen ay ang likod ni Tita Rachel.
"Engineer na ang anak niyo, Ma..", rinig ko pang sabi ni Gavin at narinig ko na lang ang hikbing nanggagaling sa kanila.
Parehas na sila ngayong umiiyak ni Tita dahil sa balita.
How I wish I was there too.. I want to hug him too.. I want to hug him so tight.. I have my engineer now, next time I will be his engineer...
Gaya ng usapan ni daddy at Gavin noon, agad siyang tumawag kay daddy para sabihing nakapasa siya sa board exam. Tuwang-tuwa rin sina mommy at daddy at agad tinulungan ni daddy na makapasok sa team niya si Gavin.
Naging mabilis ang proseso na iyon dahil si daddy na mismo ang kumuha sa kaniya para isama sa team niya. Nabigyan na rin agad siya ng project pero minor lang. Palagi siyang sinasama ni daddy sa mga projects niya para raw mas lumawak pa ang kaalaman ni Gavin pagdating sa site at para rin madaling makakuha ng client at project si Gavin.
Sobrang saya ko para sa kaniya. Naabot niya na ang pangarap niyang maging engineer at alam kong di magtatagal ay siya ang magiging pinakamagaling na engineer sa buong mundo. Ganon kalaki ang tiwala ko sa kaniya. Malakas ang pakiramdam ko na magiging successful siya profession niya.
Sa tuwing nagkakausap kami ay nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya sa trabaho niya, na gusto niya ang trabahong iyon. Palagi rin siyang nagkukwento sakin about sa site, about sa project na gagawin niya, maging ang mga meeting niya sa clients niya ay nakukwento niya rin sakin, kahit ang maliliit na bagay. Excited naman akong pakinggan ang lahat ng iyon dahil pakiramdam ko ay magkasama kami kahit hindi. Gusto ko na tuloy makatapos sa pag-aaral at makasama siya sa work, sa site at sa mga projects.
Hindi ko inexpect na sobrang hirap pala ng college life, yung tipong kahit vacant time namin ay inilalaan namin sa pag-aaral, sa paggawa ng schoolworks sa halip na magpahinga. Bilib ako sa mga estudyanteng nagagawa pang magparty, magsaya sa ganitong panahon. How I wish kaya ko ring gawin yon, kayang pagsabayin ang pag-aaral at pagparty. Pero kahit siguro marami akong oras ay hindi ko pa rin yun gagawin. Ewan ko ba, wala sa isip ko ang mga ganong bagay. Kahit ang mag-inom ng alak ay hindi ko nagawa. Pero gusto ko ring maranasan ang isang normal teenage life.
Kung hindi kami nakakapag-usap noon ni Gavin ay lalong hindi namin yon magawa ngayon, kahit text ay hirap siyang magawa. Ganon na lang siguro kahirap ang trabaho niya to the point na nakakalimutan niya nang magtext sakin.
Tuwing gabi lang siya nakakatext o nakakatawag sakin kaya hinihintay ko yon palagi kaya lang minsan ay hintay ako nang hintay ngunit wala naman akong natatanggap na tawag o kahit text man lang. Minsan ay sobrang late na siya kung tumawag kaya napupuyat kaming parehas. Minsan ay nakakatulugan ko na siya dahil sa pagod ko sa school. Alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon namin at gaya ko, pinipilit na lang naming dalawa na intindihin ang sitwasyon at manatiling matatag para sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Missing You
RomanceAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...