CHAPTER 34
Simula nung umuwi ako galing sementeryo ay hindi na natigil ang pag-iyak ko. May sakit akong nararamdaman sa puso ko ngunit hindi ko masabi kung bakit ko iyon nararamdaman.
"Mommy.. Kilala ko ba talaga si Gavin? Pero bakit hindi ko siya maalala?"
"Anak, hindi ko rin alam kung bakit hindi mo siya maalala pero ang alam ko lang ay mahal na mahal mo siya.. Nagbago ka ng dahil sa kaniya.. At ayun ang nawala sayo simula nung mamatay siya..", hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko.
"Anak, let's consult a doctor, okay? Baka kase epekto yan ng aksidenteng nangyare noon.. Please, baby come with mommy okay? We'll go to the doctor..", tumango na lang ako bilang sagot dahil hindi ko na kayang sumagot pa sa kaniya. Parang inuubos ng pag-iyak ko ang lakas ko.
Nanatili ako sa kwarto at umiyak nang umiyak na akala mo ay may maaalala ako sa pamamagitan non.
"Alli, hija.", tawag sakin ni tita Rachel at nagulat pa ko dahil nandito siya ngayon sa kwarto ko. Nakikita niya ulit na umiiyak ako.
"Gusto ko lang sanang ibigay 'to sayo.. Baka sakaling makakaalala ka.", sabi niya at inabot sakin ang isang may kalakihang bagay na hindi ko malaman kung photo album o scrapbook ba iyon.
"Thank you po.", inabot ko ang hawak niya at tinitigan iyon. Umalis na rin agad siya pagkatapos non t naiwan akong mag-isa sa kwarto ko.
I ricordi di Dwight e Celestine
(Memories of Dwight and Celestine)
Napatitig ako sa nakasulat sa cover non. Piniga na naman ang puso ko at parang nahihirapan akong huminga. Binuklat ko iyon at tumambad sakin ang mga pictures at mga small messages o caption don.
Lahat ng picture na nakikita ko ay kasama ako at may kasama akong lalaki. Hinawakan ko ang picture na iyon at tumulong muli ang mga luha ko.
Ikaw ba si Gavin? Bakit hindi ko pa rin maalala..
Tiningnan ko ang mga pictures na yon kahit nahihirapan ako dahil lumalabo ang paningin ko dahil sa mga luha.
Ang unang picture na nandon ay picture ko habang nanonood ng sunset sa Laiya.
Caption. First sunset together..Ang sumunod na picture ay picture ko habang nanonood ng sunrise sa Laiya, nakaside view ako sa kuha non kaya alam kong ako yon.
Caption. First sunrise together..3rd picture. Picture ko sa school habang sunset.
Caption. I agree, mas magandang pagmasdan ang mukha mo kaysa sa sunset na nasa harap ko..Ayun pa lang ang nakikita ko ngunit hindi na tumigil sa pagpatak ang mga luha ko. Parang tinutusok ang puso ko at lalo iyong natutusok dahil wala akong maalala.
4th picture. Picture ko sa library habang nakatakip ang libro sa mukha.
Caption. Habang tumatagal, mas nagugustuhan kita.Hindi ko pa rin maalala.. Wala akong maalala..
5th picture. Picture namin ni Gavin habang natutulog ako sa balikat niya.
Caption. First travel together, can't wait for more..6th picture. Picture ng bahay namin.
Caption. Can't wait to court you, Alliyah Celestine.7th picture. Picture ko sa lake.
Caption. Sooner or later, you'll say 'yes'.8th picture. Picture naming magkayakap habang may hawak akong cake.
Caption. I want to spend all my birthdays with you..

BINABASA MO ANG
Missing You
RomanceAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...