CHAPTER 35
Nang malaman kong nakalimot ako ay hindi na natigil sa pagpatak ang mga luha ko. Pilit kong inaalala ang lahat, pilit kong inaalala si Gavin. Hirap na hirap ako sapagkat pilit yong itinatanggi ng utak ko pero alam ko sa puso kong kilala ko siya at hindi siya nalimutan ng puso ko.
Kung maaari lang sanang magsalita ang puso at ikwento lahat ng tungkol sayo ay handa akong makinig hanggang sa maalala kita, ngunit hindi nakakapagsalita ang puso. Tanging magagawa lang nito ay iparamdam sakin ang mga bagay na nalimutan ko.
Kinuha ko ulit yung scrapbook na binigay saken ni tita Rachel nang may nalaglag doon at pinulot ko. Maliit na papel lang yon at nakatupi, binuksan ko iyon at pinabilis non ang tibok ng puso ko.
Naniniwala akong malimutan man ako ng utak at isip mo, maalala pa rin ako ng puso mo.. Naniniwala ako sa sinabi mo Alliyah.. Naniniwala ako sa puso mo..
~GavinGavin..
Biglang pumasok sa utak ko lahat ng nangyare. Nagplay sa utak ko ang lahat. Lahat lahat, simula nung magkakakilala kami hanggang sa maaksidente kami at tuluyan akong makalimot..
~Flashback~
"What if one day malimutan mo ko?", tanong niya sakin habang pinagmamasdan namin ang langit dito sa balcony sa second floor.
Nangunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya saka natawa, "Ako? Malilimutan ka? Imposible. Never kitang malilimutan.."
"Eh what if nga?", tanong niya ulit, pilit kinukuha ang sakin ang sagot sa tanong niya.
"Siguro malilimutan ko name mo.. ayun ay dahil ulyanin na ko. Hahaha. Maaaring malimutan nga kita rito sa isip ko, pedeng di kita maalala pero dito..", sabay turo sa dibdib ko kung nasan ang puso ko, "dito, di kita malilimutan. Hindi ka man maalala ng isip ko, nasisiguro ko namang di ka malilimutan ng puso ko. Hindi ko man maalala kung ano ka saken dahil nalimutan ng isip ko, alam ko namang ipapaalala saken ng puso ko kung gaano ka kaimportante at gaano kita kamahal..", sabay ngiti ko sa kanya.
Hindi naman siya nakasagot sa sinabi ko at ningitian lang ako.
"Ikaw kaya nagpapatibok ng puso ko", pabiro kong habol at sabay kaming natawa sa joke ko na iyon.
Sigurado akong hindi malilimutan ng puso ko si Gavin kahit pilit iyong itanggi at hindi maalala ng isip ko..
~END OF FLASHBACK~
Ang sakit ng puso ko.. Ang sakit sakit.
Gavin.. Baby, I'm sorry.. I'm really sorry.. Hindi ko sinasadya.. sana mapatawad mo ko. Gavin.. I miss you every day then one day I started missing you.. hanggang sa tuluyan kang nawala sa isip, utak at pagkatao ko.. I'm really sorry if I missed you.. I'm sorry Gavin..
Humagulgol ako sa pag-iyak habang ang kamay ko ay nasa dibdib ko, ang sakit ng puso ko. Pinaalala sakin ng puso ko ang lahat.. lahat ng tungkol kay Gavin.
Umiyak ako nang umiyak na parang batang nawalan ng laruan.. Hinang-hina na ko sa pag-iyak ngunit patuloy yung pumapatak..
I'm sorry Gavin..
"Tricia..", sa kaniya ako unang tumawag dahil pakiramdam ko ay siya ang makakaintindi sakin. Galit sakin si Abby dahil sa nagawa ko at hindi ko alam kung paano sila kakausapin.
"Alli, what happened? Umiiyak ka ba? What's wrong Alli?", sagot niya ngunit patuloy ang pag-iyak at paghikbi ko.
"Alli, talk to me. What happened?"
![](https://img.wattpad.com/cover/249079680-288-k692392.jpg)
BINABASA MO ANG
Missing You
RomanceAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...