CHAPTER 7

17 0 0
                                    

CHAPTER 7

Palagi na kaming sabay nina Tricia, Gavin at Jason sa pagkain. Marami na rin kaming mga napagkwentuhan at nashare sa isa't isa. Samantalang kapag kaming dalawa na lang ni Tricia ang magkasama ay nagsisimula na siya sa pang-aasar. Walang tigil sa pagbuka ang bibig niya, maya't maya siya kung mang-asar. Buti na lang ay walang ibang nakakarinig sa kaniya. Mabuti na lang din at hindi siya nang-aasar pagkasama namin sina Gavin pero nangangamba ako dahil baka mamaya ay maisipan niyang asarin ako bigla sa harap nila.

Lahat na lang ata ng gawing galaw, kilos at salita ni Gavin ay napapansin niya maging yung mga maliliit na bagay. Napapansin niya raw na iba ang pakikitungo sakin ni Gavin kaya hindi na raw siya magtataka na baka sa isang araw ay magtapat ng nararamdaman si Gavin saken. Kung ganito ang mga naiisip at sinasabi niya ay mas malala pa pala siya saken. Para sa akin naman ay normal lang ang mga ikinikilos ni Gavin baka talagang gentleman lang siya kaya ganon siya, si Tricia lang ‘tong binibigyan ng meaning ang lahat. Dahil sa mga sinasabi at pang-aasar ni Tricia ay hindi ko maiwasang mapaisip minsan. Iniisip ko kung totoo ba yung mga sinasabi at napapansin niya. Kung talagang may gusto saken si Gavin gaya ng sabi ni Tricia, bakit hindi niya sabihin saken? Pero sa tuwing naiisip ko iyon ay pinipilit ko ring kalimutan iyon.


Malapit na ang Sportfest kaya naman nagsisimula na ang mga try-out para sa iba't ibang sports. Per department ang team. College at Senior high ay magkasama sa isang department, gaya na lang namin. Stem strand kami kaya ang kasama namin ay ang Engineering department. Since civil engineering ang course nina Gavin, magkakasama kami sa department na iyon. Ibig sabihin, sila ang susuportahan namin pagdating ng Sportfest.

Ngayong Sabado gaganapin ang try-out sa department namin, hindi na kami nag-abala pa ni Tricia para pumunta ron dahil wala naman kaming balak sumali sa kahit na anong sports.  Nabanggit naman saken ni Gavin nung isang araw na sila ang maglelead ng try-out ngayong Sabado. Every year kasali siya sa basketball kaya naman isa na agad siya sa mga players ng basketball team ng department namin. Since hindi kami pupunta ni Tricia sa try-out ay naisipan ko na lang siyang imessage.

Alliyah Garcia: Goodluck sa try-out. Enjoy :)

Pagkasend ko ng message ko ay sineen niya kaagad, nagreply din siya agad sa message ko.

Gavin Martinez: Thank you :) Asan ka na? Hindi ka pupunta? :(

Natawa naman ako sa reply niya, what's with the sad face? Lol.

Alliyah Garcia: Hindi eh. Wala naman akong balak salihan na sports. I'm not sporty like you :'(

Gavin Martinez: Sad :'( Punta ka na..

Alliyah Garcia: Ano namang gagawen ko riyan?

Gavin Martinez: Manonood :)

Gusto kong matawa sa reply niya dahil hindi ko iyon naisip.. Malamang Alli pupunta ka ron para manood, stupid.

Alliyah Garcia: Sorry I can't :( Tinatapos ko pa yung project ko, next week na pasahan nito..

Gavin Martinez: :'(

Napangiti naman ako sa reply niya. Malungkot ba talaga siya dahil hindi ako makakapunta? Nako ha, baka iba na isipin ko Gavin..

Alliyah Garcia: Bawi na lang ako sa Sportfest. I'll cheer for you :)

Gavin Martinez: Okay :) Magstart na kami, talk to you later.

Alliyah Garcia: Okay, goodluck and enjoy!

Hindi na siya nagreply pagkatapos non kaya naman pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.


Hapon na ng matapos ako kaya lumabas ako para kumuha ng snacks. Naabutan ko namang nanonood ng tv si Tricia sa sala kaya dun na ko dumiretso pagkakuha ko ng pagkain. Hindi ko naman gusto ang pinapanood ni Tricia kaya nagbrowse na lang ako sa fb. Habang nagbbrowse ay nagpop-up ang message ni Gavin.

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon