CHAPTER 12

5 0 0
                                    

CHAPTER 12

Natapos ang Christmas break kaya babalik na ulit kami sa school para mag-aral ulit. Sabay sana kaming babyahe ni Gavin pabalik sa school kaya lang ay inihatid ako ng parents ko. Inalok ko naman siya na sumabay na lang sa amin para hindi na siya magcocommute pero tumanggi siya. Nagtext na lang siya sakin na pagdating niya ron ay pupuntahan niya ko.

Umaga pa lang nung dumating kami nina mommy sa apartment namin, sinadya naming agahan dahil marami ang mga luluwas ngayon galing probinsiya. Kumain kami ng early lunch saka sila nagdecide na bumyahe na pabalik sa San Pablo sapagkat may aasikasuhin pa sila sa work nila. Wala pa si Tricia kaya naman naisipan kong imessage siya. Sinabi ko na nandon na ko sa apartment at tinanong ko siya kung anong oras babalik. Ang sabi niya ay mga 2 or 3pm siya babalik dahil malapit lang naman ang kanila. Naisipan ko na lang matulog kaysa maghintay sa pagdating ni Tricia. Nagising ako around 2:30 pm dahil nagugutom ako kaya nagluto ako ng makakain. Tinext ko si Tricia kung nasan na siya at sinabi niyang malapit na kaya nagluto ako ng pagkain para saming dalawa. Saktong pagkatapos kong magluto ay dumating si Tricia kaya inaya ko na siyang kumain. Syempre habang kumakain ay nagkwentuhan kami.


"Tricia, may sasabihin ako sayo..", panimula ko, balak ko nang sabihin sa kaniya na nililigawan ako ni Gavin.

"Kayo na? Kayo na ni Gavin?!", nanlaki pa ang mga mata niya.

Nakakatakot naman ‘tong isang ‘to. Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya kaya naman napangisi siya saka ako hinampas nang napagkalakas-lakas, feeling ko ay mamamaga ang braso ko.

"Yiiieee omg! Kayo na? Bakit hindi mo sinasabi sakin?", iniiwas niya pa ang paningin niya sakin para kunwari ay nagtatampo siya.

"Ano ka ba, hindi pa.. Hindi ko pa siya boyfriend.. Nanliligaw palang siya sakin.", ngiti ko samantalang ang isang kamay ko ay nakahawak sa braso kong hinampas niya.

"For real?! Omg! Totoo ba?!", tumango na lang ako bilang sagot sa kaniya saka ngumiti. Lalo namang nanlaki ang mga mata niya saka siya tumili.

"Omg! Omg! Omg!", akmang hahampasin niya ko ulit kaya naman iniharang ko na ang mga kamay ko sa kaniya.

"Ano ba, manghahampas ka na naman eh! Ansakit nung hampas mo, tama na!", kahit naiinis ako sa kaniya dahil sa mga hampas niya ay hindi ko mapigilang mapatawa. Sa ilang buwang pagsasama namin ni Tricia ay nasanay na ko sa kaniya, nasanay na ko sa mga hampas niya.

"Sorry, Alli. Nadala lang ng emosyon hahahaha."

Halata nga..

Ngunit hindi ko na iyon isinatinig. Niyakap niya ko saka sinabi na masaya talaga siya para sakin. Sinabi niya pa saking tama lahat ng mga sinasabi niya sakin noon kaya nagtawanan kami. Kinwento ko sa kaniya kung paano ako tinanong ni Gavin kung pwede niya akong ligawan, nabanggit ko rin sa kaniya ang pag-uusap ng parents ko at ni Gavin.

"Di ko inexpect na talagang magpapaalam talaga muna siya sa mga parents mo bago ka ligawan.. Nasabi niya kase saken noon na liligawan ka niya after magpaalam sa parents mo..", ang tinutukoy niya siguro ay nung narinig ko silang nag-uusap nung kumain kami after ng championship ng Sportfest.




5pm ay nagmessage si Gavin na malapit na raw siya kaya nag-ayos ako ng sarili para naman maging presentable sa harap niya. Nang dumating siya sa apartment ay si Tricia ang nagbukas ng pinto para sa kaniya kaya naman agad nagtanong nang nagtanong si Tricia sa kaniya.

"Nakapagluto na ba kayo ng dinner?", tanong ni Gavin nang matapos sila sa pag-uusap ni Tricia. Nagtaka naman ako sa tanong niya kaya ako ang sumagot.

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon