CHAPTER 33
Lumipas ang mga araw at hindi ko na ulit nakausap ang mga pinsan ko. Sa mga nagdaang araw din na yon ay nakatulala lang ako lagi at nagkukulong sa kwarto. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pakiramdam ko ay hindi ko kilala ang sarili ko. Pakiramdam ko ay may kulang sakin ngunit hindi ko alam kung ano.
"Baby..", biglang pumintig ng mabilis ang boses ko at napatingin sa nagsalita at nakita ko si mommy.
Parang iba ang pakinig ko sa boses na iyon, pakiramdam ko ay may isang taong tumawag sakin ngunit hindi ko malaman kung sino.
Umupo sa tabi ko si mommy at hinawakan ang kamay ko, nakangiti niya iyong tiningnan ngunit nang mag-angat siya ng paningin sakin ay lungkot na ang mababasa sa mukha niya.
"Baby, are you okay? Is there something wrong?", natigilan ako sa tanong na iyon ni mommy. Kahit ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko, hindi ko alam kung may problema ba ko.
"I'm not okay mommy.. but I'm trying to be okay.. Hindi ko alam kung bakit ganito ako.. Pakiramdam ko ay may kulang sakin. Hindi ko alam mommy.. hindi ko alam..", pag-amin ko.
"Hindi ko na alam kung anong nangyayare at pinagdadaan mo, but please sabihin mo sakin kung anong problema, anak.. You're not like this before anak, please bumalik ka na sa dati.. Stop living from the past baby.. Move on.. Accept everything.. Live your new life baby, don't be like this, okay?"
Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko maintindihan ang lahat ng sinasabi ni mommy. Ang alam ko lang ay nasasaktan ako.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Umalis si mommy sa kwarto ko at naiwan na naman akong mag-isa, tulala at nag-iisip.
Ano bang nagyayare sakin? Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng lungkot at sakit.
Napaluha ako ng hindi namamalayan hanggang sa napahagulgol ako sa iyak na hindi malaman ang dahilan.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang sakit sakit ng puso ko..
Bumaba ako sa sala dahil nandon daw ang mga pinsan ko. Ngayon ko na lang ulit sila makikita simula nung kinausap nila ako at nung nagalit si Abby.
"Alli, it's Gavin's second death anniversary.. Pupunta kami sa sementeryo baka gusto mong sumama samin.", sabi ni Ate May pero ang paningin ko ay na kay Abby.. hindi niya ko tinitingnan.
Patay na si Gavin?
Biglang kumirot na naman ang puso ko dahil sa nalaman ko.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Alli..", tawag sakin ni ate May dahil napatulala na pala ako.
"Ahh, kayo na lang.. May gagawin pa ko eh, sorry..", tanggi ko kahit wala naman talaga akong gagawen.
"Tara na, hindi nga niya kilala si Gavin diba? Lets go.", sabi ni Abby at umalis nang hindi man lang tumitingin sakin.
"Alli, are you sure? Just call us kung pupunta ka, susunduin ka namin.", sabi ni ate May at tumango na lang ako.
Umalis sila at napatulala na naman ako sa kawalan.
Patay na yung Gavin na tinutukoy nila? Bakit? Bakit lungkot ang nararamdaman ko sa bagay na ito?
May nagring ng doorbell kaya pinagbuksan ko iyon ng pinto. Babae yon at sa tingin ko ay kaedad lang siya ng mommy ko. Familiar siya sakin ngunit hindi ko alam kung saan ko siya nakita.
BINABASA MO ANG
Missing You
RomanceAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...