CHAPTER 28
Alliyah's POV
Napatakip ang bibig ko nang makita ang sarili kong katawan na nakahiga sa stretcher at pilit na sinasalba ng mga doctor. Napatingin ako sa kanan ko at nakita roon ang katawan ni Gavin na nakahiga ngunit nakita ko rin siyang paalis.
"Oh my God! Are we dead?", nanlambot ang mga tuhod ko at napatitig sa katawan ko.
Nang tumingin ulit ako kay Gavin ay nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha niya.
Patay na ba kami?
Nagsimula na ring tumulo ang mga luha sa mata ko.
"Alliyah, anong ginagawa mo rito? Kailangan mong bumalik sa katawan mo!", nagulat ako dahil sa sigaw ni Gavin. Pilit niya rin akong itunutulak pabalik sa katawan ko.
"Hindi ka pa pwedeng mamatay.. Please bumalik ka na sa katawan mo..", nanghihinang sabi niya at napasubsob ang mukha niya sa balikat ko at doon umiyak nang umiyak.
Hindi ko maintindihan..
"Please go back to your body.. You need to live!", sabi niya ulit at itinulak ako papunta sa katawan ko.
"Hindi kita maintindihan! Ano bang nangyayare?", tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang nangyayare. Ang alam ko lang ay natatakot ako at sobrang sakit ng puso ko.
"You should live baby.. Hindi ka pedeng magtagal sa ganitong sitwasyon. Bumalik ka na sa katawan mo."
"Hindi ko maintindihan, bakit ako lang? You should live too, Gavin. Pero bakit ako lang ang pinipilit mong mabuhay?", wala nang tigil sa pagpatak ang mga luha sa mata ko.
Hindi ko maintindihan.. Bakit pinipilit niya kong mabuhay samantalang siya ay ganon, hindi pinipilit na mabuhay, hinahayaan ang sariling mamatay..
"Alam kong gustong-gusto mo pang mabuhay.. Alam kong marami ka pang pangarap at plano na gustong matupad.. kaya kailangan mong mabuhay.. Please live.. live for me.."
"No! Not without you! Hindi ko maintindihan Gavin eh.. Hindi ko maintindihan.. Bakit ako lang ang kailangang mabuhay? Paano ka? Mamatay ka na lang ng ganan, ha? Ayaw mo bang mabuhay? Ayaw mo bang mabuhay kasama ako?", hindi makasagot si Gavin sa mga tanong ko.
Nakatitig lang siya sakin habang patuloy na pumapatak ang mga luha sa kaniyang mata.
"Gavin, alam mong hindi ko kakayanin na wala ka sa tabi ko.. Kung mamatay ka ngayon, pwes mamatay na lang din ako!"
"No! Hindi pwede! Listen to me baby, my time here has ended.. I've lived my life to the fullest because I spent it with you.. I need to go now, Alli.. Pero ikaw? Kailangan mo pang mabuhay.."
"Pano mo nasabing tapos na ang buhay mo, ha? Ikaw ba ang Diyos para malaman yon? Ang daya mo naman eh, akala ko ba we will stay forever together? Pano mangyayare yun kung wala ka na? Gavin, please.. Ayokong mabuhay nang wala ka.. Please just let me be with you.."
"Alli, ako ang hindi mo maintindihan eh!"
"Akala ko ba you hate goodbyes? Eh ano 'to, ha? Is this the end of us? Is this goodbye?", umiiyak kong sabi at hindi na mapigilan ang mga hikbi. Hindi siya nakasagot sa mga sinabi ko..
"This is not a goodbye, Alli..", sagot niya at napatawa naman ako sa kabila nang pagluha ko.
"This is not a goodbye? Huh? Eh anong tawag mo rito? See you soon? Kase Gavin hindi ko pa rin maintindihan eh! Paano ako, Gavin? Diba sinabi ko sayong hindi ko kakayanin nang wala ka? Paano ako mabubuhay kung wala ka sa tabi ko?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/249079680-288-k692392.jpg)
BINABASA MO ANG
Missing You
RomanceAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...