CHAPTER 30
Pagkatapos nung araw na kausapain ako ni mommy ay pinilit kong maging okay kahit nahihirapan ako. Sa tuwing kaharap ko sila ay pinipilit kong ngumiti at pinipilit kong ipakita sa kanila na okay na ko. Pero sa tuwing nag-iisa ako at tuwing gabi ay palihim akong umiiyak. Pinipilit kong maging okay para kina mommy ngunit hindi ko maloko ang sarili ko, hindi pa rin ako okay.. hindi ko pa rin tanggap..
Dalawang linggo na lang ay matatapos na ang enrollan at magsisimula na ang klase. Lahat sila ay sinasabi sakin na magstop muna ako, na huwag muna akong mag-aral this year dahil baka mahirapan ako. Alam daw nila na hanggang ngayon ay nasa process of acceptance pa rin ako.
Hindi ako pumayag sa sinabi nila at nag-enroll ako. Ayokong tumigil, ayokong tumigil sa pag-aaral dahil kung titigil ako ay madadagdagan ang taon bago ako maging civil engineer. Papasok ako dahil ito ang pangarap ko, ang maging civil engineer, na naging pangarap naming dalawa ni Gavin.
Naghanda ako para sa magiging school year ngayong taon. Unti-unti na rin akong nagiging maayos, minsan na lang ako umiyak. Umiiyak na lang ako kapag bigla kong naaalala si Gavin na araw-araw kong naaalala.
Dumating ako sa apartment at nadatnan ko na roon si Tricia. Maaga siyang pumunta ngayon dito, hindi tulad noon na 2 days before school opening siya dumadating.
"Alli..", tawag niya sakin at yumakap.
"Are you okay now?", tanong niya sakin at napangiti ako ng mapait.
Ayoko talagang tinatanong ako kung okay na ko dahil hindi pa rin.. Ayokong magsinungaling sa totoong nararamdaman ko.
"I'm going to be okay Tricia.. Don't worry..", sabi ko at tinapik siya sa balikat bago nagpaalam para pumasok sa kwarto.
Nang makarating ako sa kwarto ay humiga ako at umiyak. Naaalala ko si Gavin.. Parang nakikita ko siya ngayon dito sa kwarto ko katulad nung inalagaan niya ako nung nagkasakit ako.
I want you here, Gavin.. I need you here.. I'm not okay..
Nagsimula na ang school opening at sa bawat sulok na makita ko ay nakikita ko si Gavin, nakikita at naaalala ko ang mga alaala naming dalawa na mabilis ding naglaho. Parang tinutusok ang puso ko nang dumaan kami sa field, ang dami naming memories don ni Gavin.
Sana makita ulit kita rito Gavin gaya nang muli nating pagkikita noon..
Mabilis na natapos ang morning at afternoon class ko. Hindi ko alam kung paano kong nagawang tumagal ng isang araw na hindi umiimik at walang kinakausap.
"Alliyah..", tawag sakin ng kaklase ko habang nag-aayos ako ng mga gamit ko. Tumingin lang ako sa kaniya at hinintay na magsalita siya.
"I've heard what happened.. Condolences.. I hope Gavin was in rest in peace now.", napatitig lang ako sa kaklase ko dahil di ko alam ang isasagot ko. Parang pinipiga na naman ang puso ko..
Talagang wala na nga si Gavin..
"Thank you.", sagot ko at ngumiti ng tipid.
Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ko ng gamit at hindi na pinansin ang presensya ng kaklase ko hanggang sa umalis na ito.
Naglakad na ko papunta sa pinto at nakita ko ang mga titig sakin ng kaklase ko. Mga titig na parang sinasabing nalulungkot sila, titig na parang kinakaawan ako. Dumiretso ako sa paglalakad at hindi na pinansin ang mga titig nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/249079680-288-k692392.jpg)
BINABASA MO ANG
Missing You
RomanceAlliyah Celestine Garcia was an incoming Senior high school student and she is happy with her life. She likes to watch the sunrise, sunset and stars because it was her favorite and it's her way to relax. Then she met Gavin. Gavin was there in all of...